Pansin yata ni Brooks na hindi ako komportable kaya naman mabilis niyang hinawakan ang aking kamay at nagsimula nang maglakad na hindi pinapansin ang mga matang nakasunod sa amin. Nakarating kami sa isang ring, nakita ko na may nag-aaway at ang referee ay babae, nasa kaniya ang paningin ko. Naalis lang nang hilain na ako ni Brooks papasok sa pinto kaya napasunod ako sa kaniya.

“Ano ba? Dahan dahan ka naman sa paghila sa akin.” Bulong ko rito. Akala ko ay sasagot siya ngunit tumawa lang ‘to dahilan para mapairap na naman ako.

Nandito kami sa loob ng isang kwarto kung saan makikita mong mas maayos ang away rito kumpara kanina kaya naman napangiti ako dahil mukhang maganda ang aking mapapanood. Biglang may umagaw ng aking atensyon. Tumingin ako rito, gano’n nalang akong mapangiwi na mas parang adik pa ito kay Brooks.

“Oh, Boss Brooks sino ba ang kasama mong magandang dalaga?” Tanong nito kay Brooks habang sinusuri ang buong katawan ko mula mukha hanggang paa.

“Asawa ko.” Sagot ni Brooks sa tanong ng lalaking kulay blue ang buhok. Kita sa muka nito ang pagkagulat parang hindi naniniwala.

“Talaga ba?” Tanong nito ulit at tiningnan na naman ako. Nilapit ni Brooks ang labi niya sa ulo. Aakalain mo na hinalikan niya ako pero may binulong siya sakin.

Sumakay ka na lang.” Bulong nito sakin. Wala akong nagawa kun’di ang sumakay sa sinabi nitong asawa niya ako kuno.

“Miss, ano namang nagustohan mo sa bugok na 'yan?” Tanong ng lalaking kanina pa tingin nang tingin sa‘kin.

Tinignan ko ito ng walang emosyon at sinagot ang tanong. “Kung anong wala sa inyo.”

“Baka naman isa ka lang sa babae ni Brooks?” Ngising tanong noong lalaking kulay blue ang buhok. Tinignan ko siya, ngumisi lang ako rito pero kita ko na ang kaniyang paglunok. Tsk.

Tumingin ako kay Brooks na parang maamong pusa at nagtanong. “Ilan ba ang mga babae mo? Kung ano ano ang mga sinasabi ng mga loko na 'to.” Para akong girlfriend kung umasta pero ano naman?

“Ilan ka ba? Isa ka lang naman kaya isa lang.” Nagulat ako nang bigla ako nitong halikan sa noo. Pasimple ko iyong pinunasan ng panyo dahil parang pinapalabas ni Brooks na magkarelasyon kami.

“Oh, tama na iyan, bakit ka pala napunta rito, Brooks? Akala ko marami ka pang ginagawa?” Tanong no’ng lalaking katabi ni kulay asul ang buhok.

“Gusto kasing manood ng away ng misis ko kaya naman dinala ko siya rito.” Simpleng sagot nito sa kanila. Napatango na lamang ang mga ito at lumabas na ng kwarto, iniwan kaming dalawa ni Brooks kaya naman agaran akong lumayo.

Tumabi na naman sa ‘kin sa pag-upo si Brooks. Pagkakataon para tanongin ko ito. "Bakit ka ba tabi nang tabi sa akin? Can’t you see? Lumayo ako at huwag mo ngang ipakilala sa karamihan na mag-asawa tayo."

"Shhh." Pagpapatahimik niya sa akin. Inakbayan ako nito. "Kapag nandidito ka, kailangan pagmamay-ari kita dahil kapag baguhan ka rito. Maaari ka nilang bastusin. Like what I said earlier, ligtas ka kapag ako ang kasama mo. Huwag mo bigyan ng malisya ang ginagawa ko, para sa ‘yo ‘to."

Natahimik na naman muli ako sa kaniyang sinabi kaya mas pinili ko na lamang manood nalang ng away pero natapos ang away sa brutal na paraan. Hindi ko alam pero nagustohan ko ito, imblis na kabahan ay mas lalo pa akong ginanahan. Biglang tumayo si Brooks at inayos ang kaniyang suot. Aalis na ba kami? Hʼwag naman sana, nanonood pa ako e.

“Tara na.” Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harap. Hindi sana ako papayag na umuwi na pero naalala ko bigla na baka hanapin ako nila mommy at kuya.

“Sige.” Hinawakan ang kaniyang kamay. Pagkalabas namin ay nandoon lang pala ang mga lalaki kanina at halatang hinihintay kaming lumabas.

“Uuwi na kami, kayo na rito.” Rinig ko pang sabi ni Brooks doon sa lalaking kulay asul ang buhok. Tumango na lamang ito bilang sagot.

Bago kaming tuluyang makalabas sa lumang rest house na iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mga mapanuring tingin ng lahat sa akin. Hindi ko na iyon dapat bigyan pa ng pansin, sayang lang ang oras.

Naglakad na kami papunta sa kaniyang kotse. Medyo madilim na pero kahit papaano ay kita ko pa ang daan. Pinagbuksan ako ng pinto ni Brooks, sumakay na ako gano’n din ang kaniyang ginawa.

Nasa biyahe na kami, tahimik lamang kaming dalawa ngunit maya-maya ay biglang nagsalita si Brooks kaya napatingin ako sa kaniya.

“Kamusta naman ang pakiramdam mo matapos manood ng away?” Pagbubukas usapan nito kaya napaisip ako sa naramdaman ko kanina.

“Ayos lang, hindi nakakaburyo.” Sagot ko sa kaniya. Hindi ko sinabi ang totoong naramdaman ko habang nanonood ng away.

“Iyon lang ba?” Tanong pa nito na para bang hindi siya kuntento. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba ang totoong naramdaman ko kanina o hindi.

Huminga ako ng malalim. Tumingin sa kaniya ng seryoso at nagsalita. “Nakaramdam ako ng saya noong nakita ko ang brutal na pag-aaway kanina. Ewan, siguro first time kong manood ng gano’n.” Nakita ko ang kaniyang pagngisi kaya nangunot ang aking noo. Magtatanong pa sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

“Nandito na tayo, bumaba ka na baka hinahanap ka na sa inyo.” Tumingin ako. Nandito na nga kami sa bahay. Hindi na ako nagpabukas ng pinto, kusa na akong lumabas.

"Babye." Paalam ko sa kaniya, ngumiti ako ng pilit. Hindi ko pa kasi alam kung pagkakatiwalaan ko ba ang lalaking ito.

"Good night, my lady." Kininditan ako nito. Tsk.

Bakit ba kasi gano’n ang itsura no’n? Parang adik pero ang sabi nga, don’t judges the book by it’s cover.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now