Sinabi ko rin sa kanya na sasabihin ko na sa parents ko bago pa man makarating sa kanila. Hindi naman siguro nila ako pipigilan sa pagbo-boyfriend ko since nasa tamang edad naman na ako. And I know myself that I'm responsible in this relationship. Hindi ako naglalaro. What I'm feeling was real.

Dumating si Dad at dito nag dinner sa bahay. Nagluto kasi si Mommy kaya napauwi si Daddy agad. I smiled as I watch my parents being clingy to each other. Naisip ko, sana katulad ni Dad ang mapangasawa ko, devoted, honest, loving at sobrang understanding.

"Everything is all set. Pwede nang magsimula si Shelly bukas," saad ni Dad.

"I will tell her, Dad."

"May problema ba, Lana?" si Mommy na nakatingin pala sa akin. I know I can't lie to my Mom. Alam na alam niya kung may bumabagabag sa akin.

Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kanila ni Dad na nakatingin na rin sa akin ngayon, nag-aalala ang mga mukha nila.

"I have a boyfriend," I said direct to the point. Daddy was taken aback at napainom siya ng tubig. Mommy, on the other hand, smiled at me. Napatingin ulit ako kay Daddy na masungit na ngayon ang mukha.

"Who?" si Dad.

Paano ko ba sasabihin na nakita na ni Mommy ang boyfriend ko kanina at nasa hotel pa namin nag-s-stay? Nasa pinakamahal na suite pa! Baka akalain nilang mayaman si Mike! O, baka, malaman nilang hindi at ako ang nagbayad no'n!

My God, Lana. Bakit hindi mo naisip iyon agad?

"Mom, that guyin the hotel," kumunot ang noo ni Mommy like she was trying to recall something. "Iyong childhood friend niShelly."

"That is your boyfriend?" gulat na sabi ni Mommy at napatingin sa kanya si Dad.

"You met him?" Dad asked in disbelief.

"Not really. Nakita ko lang siya for some reason," sabay tingin ni Mommy sa akin nang makahulugan.

Daddy drank his water before making sounds to his fists na para bang naghahanda siya sa isang suntukan.

"Dad?"

Napatingin siya sa akin.

"I wanted to meet him, Lana." He said that in a serious tone. Hindi naman siya mukhang galit o ano. Kinakabahan ako ng kunti pero tama lang naman siguro na makilala nila si Mike para maging legal kami at hindi ako nagtatago ng lihim sa kanila ni Mommy.

Kinabukasan, sinabi ko kina Mom na pupunta ako sa hotel. Iyon nga lang, ang pag-aakala nila ay bibisitahin ko si Shelly sa trabaho niya. Mukhang hindi pa nila alam na naroon si Mike nag-s-stay sa hotel namin. Since 9 am pa ang first class ko, kaya pupuntahan ko muna si Mike.

Pagkarating ko sa hotel ay dumiretso agad ako sa suite niya. Kumatok na muna ako ng tatlong beses bago pa siya magbukas. I subtly gasped when he greeted me half naked. Basa pa ang buhok niya at may bitbit pa siyang towel. Tumaas ang kilay niya nang makita kung saan ako nakatingin.

"Hindi ka ba papasok?"

Saka pa ako bumalik sa katinuan. God, his body was hypnotizing.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at amoy na amoy ko ang after shave niya. Hindi tuloy ako makalingon sa kanya dahil alam kong wala pa siyang damit pang-itaas. Bakit kaya, parang naubusan ako ng laway bigla?

"Wala ka bang pasok?"

Napalingon ako sa kanya at thank heavensmay damit na siya.

"Later, 9. What's your plan today?" tanong ko dahil gusto kong malaman ang mga lakad niya. Pero wala naman siguro siyang ibang lakad dahil ako naman ang ipinunta niya dito 'di ba? At sasabihin ko pa sa kanya na gusto siyang ma-meet nila Dad. Gusto ko ring malaman kung anong pinag-usapan nila ni Shelly.

The Mistress Where stories live. Discover now