I heaved a sigh. This is the right moment to say that magical words. Bakit ko pa papatagalin kung alam kong doon naman talaga kami papunta? I'm not hypocrite to deny that I don't like himthat I don't love him. Because I doI really do.

I raised my brow para pantayan ang nagmamataas niyang kilay.

"E, di samahan mo 'ko palagi. Hanggang sa makabayad ka. Kahit hanggang...kailan," giit ko.

He looked shocked. He was taken aback by what I've said pero nakabawi rin naman siya agad. Pero ang hindi niya alam, kakabawi niya pa lang. Lulunurin ko siya ulit.

"It's a yes, Mike. I'm your girlfriend now," I said it directly and he's naughty smile faded. Binitawan niyang bigla ang kamay ko at tumalikod siya.

I looked at him in disbelief and I was confused. Bakithindi siya masaya na sinasagot ko na siya? I didn't expect his reaction to be like this. I thought he would jump and scream as loud as he could dahil sa sobrang saya niya.

Pero bakit ganito?

Nakatingin ako sa likuran niya at napansin ko ang pamumula ng batok niya hanggang sa leeg niya.

"H-Hindi ka ba masaya sasinabi ko?" nag-aalala kong tanong.

Itinaas niya ang kamay niya na para bang inaawat niya akong magsalita kaya napalapit ako sa kanya.

"Mike, what's wron--"

Before I could finish what I'm going to say, he faced me. Napaawang ang labi ko nang makitang pati mukha niya ay pulanga-pula na! I chuckled teasingly at sinamaan niya ako ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakuha ko na kung bakit gano'n ang naging reaksyon niya.

"Kinikilig ka 'no," hindi iyon tanong.

Nag-iwas siya ng tingin at umigting ang panga niya na mas lalong nagpatawa sa akin. How adorable he is sa edad niyang 'yan para mamula sa sobrang kilig!

"I'm not," tapang-tapangan niyang sagot.

I narrowed my eyes. "Talaga? Mamatay man ako?"

Napalingon siya sa akin at mukhang nagalit siya sa sinabi ko.

"Fine! Okay. Alright kinikilig na."

Tumalikod siya ulit at lumayo sa akin at naupo sa kama habang tawa ng tawa. He has the most epic reaction, ever.

My Mike.

"Love, it's fine. Normal lang ang kiligin," I said teasingly with the endearment. Napatigil siya at lumingon ulit sa akin.

"Love?" hindi makapaniwala niyang sabi.

"Yes Love?" pilya kong sagot at may multo ng ngiti sa labi niya pero agad ring nawala. Alam kong masaya siya pero nahihiya lang siyang ipakita. His eyes can't lie to me, though.

"Sinasagot mo na talagaako?"

May pagdududa sa mukha niya. Hindi ba siya naniniwala sa akin?

"Sige, binabawi ko na-"

"No! Of course not. Wala nang bawian," sabay silay ng ngiti niya. He walked towards me and towered me. His height making him looked intimidating lalo na kapag hindi siya nakangiti.

He once again, hold my hand like I was fragile. He holds it carefully while slightly caressing it.

"Hindi ako mangangako ng kahit na ano. Gagawin ko ang sa tingin ko ay tama at nararapat para sayo, Lana. I'm really out of your league. But I know where my heart's league is. At nasa sayo 'yon."

It feels like I'm walking on cloud 9 while I'm on my way to the lobby. Ayaw ko pa sanang umalis pero naghihintay na sa akin si Shelly. I never felt this happy ever before. I haven't talk to Tita Veronice kung tama ba ang gagawin kong pagsagot sa kanya.

But I realized that whatever advices people may gave to me. It's my decision will be followed eventually. Kahit pa alam mong tama ang sinasabi ng iba, hindi ka makikinig. Dahil alam mo sa sarili mo na may desisyon ka nang naiisip bago ka pa man humingi ng opinyon sa ibang tao.

Malapit na sana ako sa lobby nang makita ko si Shelly at Mommy. Agad nila akong nakita at hinahanap ng mga mata ko si Veronica.

What are they doing here?

"Lana! Oh, kanina ka pa namin hinahanap ni Shelly, hija," si Mommy. Shelly smiled at me pero hindi ako makatawa. I don't know, pero kinakabahan ako. Baka malaman ni Mommy na nandito si Mike. Well, sasabihin ko naman sa kanila. Pero kinakabahan pa rin ako.

"What are you doing here, Mom?" takang tanong ko.

She glanced at Shelly. "Dito kasi maa-assign si Shelly kaya ipinakilala ko na lang siya sa mga staff natin. And we accidentally saw Veronica outside. Hindi niyo naman sinabi na dito pala ang meeting niyo ni Veronica," giit ni Mommy.

"Uh..y-yeah," sabay tingin ko kay Shelly.

"Since nandito naman na tayo. Let's eat our lunch here and it's a yes, Lana. You can't say no to me."

May magagawa pa ba ako? Sumunod na lang kami sa gusto niya at naabutan namin si Veronica sa table na naka reserved para sa amin. I just really hope na magpapa room service lang si Mike para sa lunch niya.

Katapat ko si Shelly at nasa magkabilang gilid ko naman si Mommy at V. We ordered and waited for the food.

"I'm so sorry, iha. I've heard what had happened to your family's business," malungkot na saad ni Mommy.

Shelly's face saddened and Veronica busied herself with her phone. Walang pakealam sa paligid.

"It's okay, Tita. Makakabangon din po kami," determinado niyang sagot at napangiti ako.

"Thank you, Lana. Hindi ko makakalimutan ang mga tulong mo sa akin."

Mom smiled at me while Veronica rolled her eyes.

"You're my dearest friend, Shelly. I will help you as long as I can," sagot ko.

Dumating na ang order namin at biglang sinipa ni Veronica ang paa ko sa ilalim dahilan kung kaya't napatingin ako sa kanya.

"What?" I mouthed.

Tumingin siya kung saan at sinundan ko ang titig niya.

Fuck!

Mike was walking inside the restaurant at hindi niya pa kami nakikita! Napayuko ako at napapikit habang bumaling naman sa ibang direksyon si Veronica like it would save us. Umupo si Mike sa pangatlong mesa mula sa amin at kaharap niya ang likuran ni Shelly.

I glanced at Veronica na nakatingin na rin sa akin. Hindi pwedeng makita kami ni Mike at baka lapitan niya kami! Hindi pa niya pwedeng makilala si Mommy dahil gusto kong ako muna ang magsasabi sa kanila ni Daddy.

Shelly suddenly stood up at napatingin kami sa kanya.

"Comfort room lang ako, Tita,' aniya at tumango si Mommy sabay tingin niya sa akin kaya tumango na rin ako.

Yumuko ako agad dahil makikita na ako panigurado ni Mike.

"Bok?" dinig kong tanong ni Shelly sa kung sino at napaangat ako ng tingin.

I froze when I saw where she was facing.

Kay Mike.

The Mistress Where stories live. Discover now