Naniwala ako sa pangako na minsang binitawan mo,
Naghintay ako, pero ako'y iniwan mo.
Martir na umasa pa ako na babalik ka,
Sadyang hindi ko mapigilan ang puso ko na mahalin ka.Ang sabi mo sa akin, mahal mo ako,
Pero bakit mas pinili mong iwan ako?
Pinangakuan mo ako ng pang-habang buhay,
Pero iba ang iyong naging may-bahay.Ang sabi mo sa akin, ako'y sapat na,
Mahal ko, nasaan ka na?
Hanggang pangako na lang ba ang ating samahan?
Matatapos ba ang ating kwento sa salitang 'paalam?'-LASS
![](https://img.wattpad.com/cover/263854996-288-k712572.jpg)
BINABASA MO ANG
Liham at Mirasol : A Short Story
Short Story[A FILIPINO SHORT STORY] 'Mula noon hanggang ngayon, ikaw lamang.' Nagsimula ang lahat nang mapansin ni Tam ang probinsyanang si Lass sa isang piyesta. Simula noon, taon taon nang bumabalik si Tam sa probinsya para lang makita si Lass mula sa malay...