CHAPTER SIX: WAITING // RAIN

19 2 1
                                    

ODETTE

"Bakit ba ako nandito?" Tanong ko kay Mon habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan niya.

Papasok kami ngayon ng main gate ng school nila. Hindi ko ba alam sa kaniya, bigla na lang sumugod sa condo at sinabing aalis daw kami.

"I'll just get something and then we're going to the library," sabi niya kaya naman natigilan ako.

"Seriously? You woke me up early to study?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

I mean oo, grade conscious ako. But I would still prefer it that I get as much sleep as I can.

"They have iced choco in the cafeteria," sabi niya kaya naman nanahimik na lang ako.

Dapat kanina niya pa sinabi.

"Am I even allowed to be here?" Tanong ko ng makapasok kami sa building nila.

I swear the guard is looking at me sharply.

"Don't worry about it," sabi ni Mon kaya naman napailing na lang ako.

For a scholar he really is something.

I expected that people will look down on him but I can see how well his relationship is with the staff! Hindi nga ata pede ang mga hindi estudyante sa building nila but here I am.

I'm going to be honest, I was kinda scared about how Mon is here. Palakaibigan naman siya pero kilala pa din na university ng mayayaman itong school nila. 

Sinundan ko lang siya kung saan man siya pupunta at napasimangot ng ako ang pinapabitbit niya ng mga gamit niya habang kumukuha pa siya ng mga gamit sa locker niya.

"Titira na ba tayo sa library at ang dami mo namang dala?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

May pagkabastos din talaga ang lalaking ito.

"Oh, my friends are meeting up. Daan muna tayo sa plaza?" Aya niya pero umiling naman ako.

"Ayoko. Doon na lang ako sa car," sabi ko at tumango naman siya.

Hindi ko ba alam sa kaniya. Alam naman niyang hihindi ako pero tinitry niya pa din.

"I'll just drop you off sa canfeteria and then order ka then balikan kita after," sabi niya pagkabalik namin sa kung saan niya pinark yung sasakyan niya at tumango naman ako.

Inayos ko na yung mga gamit niya sa car bago pumasok ulit.

Nag drive na siya papunta sa canteen at pumasok na ako doon. Umalis na din siya para kitain mga kaibigan niya.

Tinignan ko yung student card niya na hawak-hawak ko. Ito daw ginagamit pangbili ng students, ito na lang daw gamitin ko para daw maka discount.

Pag outsiders kasi bibili mas mahal daw.

Pagkatapos ko bumili ay pumunta na ako sa isang table at doon na naghintay.

"Should've brought my book with me," bulong ko ng ma realize na wala din ako masyadong magagawa dito.

Nilabas ko yung phone ko at nagtingin-tingin. Hmm, may mga offline games naman ata ako.

---

"So, how's your café friend?" Tanong ni Mon habang nagaayos ng laptop.

Nandito kami sa pinakadulo ng library para kahit na magdaldalan kami ay wala kaming maaabala. Sa totoo lang, wala nga ata kaming maaabala dahil sa sobrang hina ng bosses ko.

"He's not my friend," sabi ko bago binuklat ang libro at notes ko.

Yes, nandito ako para mag-aral. Ewan ko lang dito kay Mon kung magaaral din ba or dadaldalin lang ako.

September: Beneath The Hoodie She WearsWhere stories live. Discover now