CHAPTER TWO: FRIENDS? // F-BOY

27 6 17
                                    

ODETTE

Na sa library ako ngayon, may hinahanap na libro. Hindi ko kasi masyadong na intindihan yung na sa libro namin kaya naghahanap ako ng ibang source.

Hindi din naman binibigay ni google yung eksaktong sagot na hinahanap ko kaya naman nandito ako ngayon. Ng makita ang librong hinahanap ay pumunta na ako sa may tables banda at nag basa na. Sinulat ko na din sa sticky note yung mga terms at dinikit sa libro ko.

Napatingin ako sa orasan at napansing mag da-dalawang oras na ako sa library. Kaya pala kumakalam na ang tiyan ko.

***

"Hello?" Sagot ko sa tawag bago pinagpatuloy ang pag nguya ng pagkain ko.

Nandito ako ngayon sa school canteen, kumakain ng late lunch. After nito ay uuwi na din ako dahil na cancel daw ang klase namin mamayang hapon dahil may emergency si prof.

["Ngayon ka pa lang kumakain?"] Bungad ni Mon sa akin kaya napabuntonhininga ako.

"Late ko ng nahanap yung librong hinahanap ko sa lib. Bakit ka tumawag?" Tanong ko.

Binitawan ko ang kutsara ko at kinuha ang earphones ko, pinlug ko yun sa phone ko bago nilapag yung phone para maka-kain ako habang kausap siya.

["Just checking kung nakakain ka na. Nagagaya ka na sa papa mo na workaholic e."] Sambit niya kaya naman napasimangot ako.

Nilunok ko muna yung kinakain ko bago siya sinagot.

"Hayst, I know what you're doing Montreal Luwis. And please, okay lang ako okay? Focus on yourself, hindi naman ako mamamatay dahil sa ginugutom ko ang sarili ko," biro ko pero agad ding natigilan ng maramdaman na natigilan din siya sa sinabi ko.

I bit the insides of my cheek before sighing.

"That was wrong of me, I'm sorry. Pero okay lang talaga ako, hmm? After ko dito uuwi na din ako," sabi ko kaya naman narinig ko siyang magpakawala ng mabigat na hininga.

["Just take care of yourself."] Sabi niya kaya naman napangiti ako.

"Yes po tay!" Sabi ko bago binaba na ako tawag.

Nag play ako ng music bago nag simula na uling kumain. 

Patapos na akong kumain ng biglang mag play ang Insomnia. Natigilan ako bago napahawak sa noo ko.

Na alala ko na naman yung ngyari 2 days ago... Come to think of it, hindi ko pa na kwento kay Mon ang tungkol doon...

Napailing ako at dali-dali ng inubos ang pagkain ko. Pagod lang ito...

Pagkatapos kong kumain ay sinukbit ko na ang bag ko at nilagay ang tray sa tamang lalagyanan bago umalis na. Nilabas ko ang phone ko at tinignan kung may mga kailangan ba akong bilhin bago umuwi.

"Keya's food, some toilet paper, hmm, wala na din atang sardines," sambit ko habang binabasa ang reminders ko sa phone.

Naglakad na ako palabas ng campus, sa may main gate dahil mas madaming sakayan doon. 

Sasakay na sana ako ng taxi ng mapasulyap ako sa cafe. Bili ba muna ako ng iced choco?

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang malapit ng mag 3 pm. Ah, malalagot ako kay Keya...

Pumara na ako ng taxi at sumakay doon.

"Robinsons po," sabi ko at nag drive na si manong.

Naghanda na ako ng pang-bayad para di na ako magdali mamaya. Nag-text na din ako kay Mon dahil baka tumawag na naman siya.

September: Beneath The Hoodie She WearsWhere stories live. Discover now