CHAPTER FIVE: DIFFERENT // GROUP

16 3 10
                                    

ODETTE

Nasa harap ako ngayon ng mirror sa kwarto ko. Ngayon ang araw na gagawin namin ang presentation namin for Laboratory Management. Meaning, ngayon ko makikilala ang mga kagrupo ko.

"Okay lang naman ang suot ko, diba Keya?" Sabi ko bago umikot para tignan ulit ang sarili ko.

Despite being a bit of an antisocial I care a lot on what people thinks of me. Kahit na alam ko naman na hindi ako mapapansin.

Bumuntonghininga ako at nag-settle sa suot ko.

An orange hoodie with a graphic design in front, a pair of loose straight leg jeans, and white converse. Kinuha ko na din yung white backpack ko kung na saan ang libro and laptop ko.

Syempre nandoon na din yung iba kong essentials.

"Mom's going out, be good," paalam ko kay Keya bago umalis.

---

Pakadating ko sa may fountain ay nakita kong ay babae ng nakatayo doon na naka pink dress. Mahaba ang buhok niya and I could say na may curves siya, ones that are in the right places.

In short, maganda.

Napatingin ako sa orasan ko, mukhang ang aga ko pala. May 10 minutes pa naman kasi before mag 3pm. Buti nga hindi din mainit e.

"Yes kuya, I'll text you na lang when my groupmates are here na. Thankie!" Rinig kong sabi noong babaeng nakapink.

Kagrupo ko ata siya, di ko nga lang alam kung sino siya doon. Looks like may kausap din siya sa phone.

"Omg! You're here na pala! Sorry, kausap ko pa kasi yung driver namin. Uh, you must be Cloudette? Ikaw lang naman kasi ang hindi ako familiar with! I'm Perry nga pala." Halos magulat ako ng bigla siyang napabaling sa akin pagkatapos niya i-end yung call.

Tumango na lang ako. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin.

"Omg am I madaldal ba? Hehe, so excited to work on this project with you! If the chika I heard is correct, top student ka daw? Omg don't worry hindi naman ako magiging pabigat." Halata nga sa bosses niya ang pagiging excited niya.

"Ingay mo naman Perry. Sa may gate pa lang ako rinig ko na bosses mo." Napalingon naman ako sa nagsalita.

Isang matangkad naman na babae na medyo morena ang lumapat sa amin. What's cool is singkit siya kaya ang taray niyang tignan.

Oh, malapit din pala yung fountain sa main gate.

"You're so oa Iza! By the way, have you met Cloudette?" Excited na sabi ni Perry kaya napalingon sa akin si Iza, or should I call her Liza?

Hindi naman kasi kami close para tawagin ko siyang Iza.

"Hey," bati niya sa akin kaya naman tumango na lang ako.

"Rene! Raz! See, I'm not late!" Napalingon naman ako ng magsalita na naman si Perry.

May naglalakad namang babaeng naka mint green blouse at skinny jeans, nakasalamin din ito. Siya siguro si Rene. Sa likod niya naman ay may nakangiting lalaki, which is si Raziel.

"Hmm, it's 5 minutes before 3pm. Sino pang kulang?" Tanong ni Rene.

Yung Paul ata...

"Si Paul, na chat ko na siya. He's on his way," sagot ni Raziel at tumango naman si Rene.

We stood there for a good minute in awkwardness.

Or baka ako lang yun. Naguusap kasi sila Liza at Perry, si Raziel naman at Rene naguusap din.

September: Beneath The Hoodie She WearsWhere stories live. Discover now