CHAPTER ONE: CLOUDETTE // ODETTE

40 7 48
                                    

ODETTE

"Keya, I'll be leaving na. Be good," paalam ko kay Keya bago umalis ng condo ko.

Keya's my pet cat, I've had her for a while now. Mabait naman siya at marunong naman ako magalaga kaya pinayagan ako when I asked for permission. I mean, if they didn't I wouldn't move here.

After I made sure that I locked the door I went ahead and pressed the elevator button going down. Sinukbit ko na ang puti kong backpack. 

Pumasok na ako sa elevator pagkabukas nito at tumingin sa wristwatch ko. May time pa naman, breakfast kaya muna ako?

Bumukas ang elevator kaya naman nag-angat ako ng tingin at nakitang may babae na papasok, mukhang same kami ng school dahil sa I.D lace. Sabagay, expected naman na madaming nagaaral sa DUP na mga residents dito since malapit lang sa main campus.

Pero madami din talagang mga estudyante na nakatira dito, kahit mga taga ibang school, dahil sa may U-Belt lang din naman ang condominium na ito.

Nilabas ko ang phone ko at nakita ko ang mga messages ni Montreal. Naka do not disturb kasi lagi ang phone ko.

Rereplyan ko na sana si Mon na sasabay ako sa kaniyang mag lunch ng bigla kong makita ang message ni mama...

From: Mama

Odette, long weekend next next week. Uwi ka? 😊❤️

Napakagat naman ako sa insides ng cheek ko bago bumuntonghininga. Tumunog na ang elevator kaya nag angat ako ng tingin at nakitang na sa ground floor na ako.

Binulsa ko na ang phone ko at naglakad na palabas. Mamaya ko na lang rereplyan si mama...

***

Kumakain ako ng cordog habang nandito sa may benches sa school. Nag take out na lang ako dahil baka pag doon ako kumain ay malate pa ako. 

May mga iilan din akong estudyante na nakikita na dito nakatambay. Magandang tambayan nga naman ito dahil madaming puno kaya di ganoon ka init. 

Nag-set ako ng alarm, mga 20 minutes bago mag start klase ko. Nilapag ko na muna yung corndog na kinakain ko bago pinlug ang earphones ko sa phone.

Ayoko ng airpods, baka mawala ko lang.

Sinuot ko ang isa bago sinuot ang hood ko tsaka kinuha ulit ang corndog na kinakain. Nag-scroll ako sa playlist ko at pinlay ang She's in the Rain by The Rose.

The Rose is a Korean boy band, isa sila sa mga paborito kong banda na pakinggan.

Habang nakikinig ay kumakain ako, huminga ako ng malalim bago marahang pumikit, ninanamnam ang kapayapaan.

I stayed there until the alarm rang.

Well, back to reality I guess...

Tinapon ko na sa basurahan ang mga basura ko at chineck sa camera ko ang itsura ko, baka kasi may ketchup pa ako sa gilid ng labi ko. Pagkatapos ko ma-check na okay naman ang itsura ko ay binaba ko na ang hoodie ko at naglakad na papunta  sa klase ko.

***

["Where are you Odette?"] Nakaipit sa tenga at balikat ko ang phone ko habang inaayos ang laman ng bag ko habang naglalakad palabas ng classroom.

"Palabas na din, sorry di ako agad naka-reply," sabi ko naman bago sinara ang bag ko at hinawakan na ang phone ko.

["Anong oras ba next class mo?"] Tanong ni Mon kaya naman tinignan ko ang lockscreen ko bago nilagay muli malapit sa tenga ko ang phone ko.

September: Beneath The Hoodie She WearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon