Agad din namang sinulat ni Pinunong Shintou sah ang ina ang kanyang sagot.

M A H A L K I T A S R

'Yan ang isinulat ni Pinunong Shintou pagkatapos ay hindi nagtagal at agad nang bumukas ang pintuan ng Niqueras. Agad din namang tumambad sa harapan ni Pinunong Shintou ang mga kagilagilalas na mga sandata.

"Oras na para gamitin kayo. Malapit na ang digmaan. Hindi pwedeng maghari ang kadiliman sa buong mundo ng Alynthi. Nawa'y gabayan kami ng Bathalang Trivino kung nasaan man siya ngayon. Alam kongbuhay ang mahal na Bathala. Ngunit pinalabas ni Veteris Quera Minerva na patay na ang nahuhuling bathala na is Bathalang Trivino. Kung ano ang dahilan? Iyon ang dapat kong alamin." Mahinang ngunit mahabang sabi ni Pinunong Shintou habang ang tingin ay nasa mga sandata na nasa loob ng Niqueras na nasa harapan na niya ngayon.

Nagsimulang humakbang si Pinunong Shintou papasok ng Niqueras nang biglang nanigas ang kanyang mga katawan. Kaya naman ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata habang naninigas ang kanyang katawan. Nakataas ang kaliwang paa ni Pinunong Shintou.

"S-Sabi ko na nga ba." Nauutal at mahinang sabi ni Pinunong Shintou.

"Paano ba 'yan? Naisahan kita tanda." Sabi ng kung sino. Pagkatapos ay agad na nagpakawala ng isang mala demonyong tawa.

Kaya naman ay agad siyang napatingin sa bandang likuran niya kung saan nanggaling ang isang napakapamilyar na boses.

"V-Valle Shanta?" nauutal na tanong ni Pinunong Shintou.

"Ako nga." Sabi ng isang pigura ng isang babae na nasa kanyang likuran.

Hindi niya ito masyadong nakikita dahil sa sobrang dilim ng buong pasilyo. Ang tanging nakikita niya lang ay ang mukha nito na naiilawan ng mga kulay pulang ilaw na sinag galing sa dingding.

"Napag-aralan ko na sa libro ng Voilamajica De Jivalo. Alam kong napakalakas ng kapangyarihan mo. Ngunit pinag-aralan ko rin kung paano kontrahin at takasan ang iyong kapangyarihan. Kaya bukod sa may katandaan kana na siyang nagpapahina sa iyong kapangyarihan ay nagawa ko itong kontrahin at takasan." Mahabang sabi ni Valle Shanta saka agad na gumuhit sa kanyang labi ang isang mala demong ngiti.

"Hindi nga ako nagkakamali sa aking akala, Valle Shanta. Napakatalino mong bata at napakalakas ng iyong kapangyarihan. Dahil bukod sa ipinamalas mo sa akin ang napakalakas mong kapangyarihan ay hindi ka nila gagawing Valle sa napakamura mong edad kung hindi ka magaling pagdating sa taktika at sa paggamit ng iyong kapangyarihan." Sabi ni Pinunong Shintou habang habol-habol ang kanyang hininga. Sinusubukan niyang kontrahin ang paninigas ng kanayng katawan ngunit hindi niya ito nagawa. Sa sobrang lakas ng kapangyarihan ay nangiginig na ngayon ang buo niyang sistema.

"Sabi ko na nga ba! May nakapasok na kaaway! Hindi talaga ako binibigo kutob ko!" nanggagalaite sa galit na sigaw ng kung sino.

Kaya naman ay agad na napalingon si Valle Shanta sa kanyang likuran kung saan ay punong-puno na ng liwanag ang buong pasilyo at agad niyang nakita sina Quero Kenneth, Quera Reina, ang mga cleo at pati na rin ang mga clea.

Napakasama ng titig ng mga ito kay Valle Shanta.

Agad din namang nakita nina Quero Kenneth ang isang mala demonyong ngiti na nakaukit sa labi ni Valle Shanta.

"Tuso talaga kayong mga Maligon kahit kailaaaaaaan!!!!" nanggagalaite sa galit na sigaw naman ni Clea Heya saka agad na inilabas sa kanyang kamay ang perlas ng Terra saka agad niya itong itinama sa katawan ni Valle Shanta.

Ngunit agad na nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa kanilang mga nakita.

Nakita nila kung paanong tatama na sana sa katawan ni Valle Shanta ang napakalakas na enerhiya mula sa perlas ng Terra. Ngunit agad na itinaas ni Valle Shanta ang kanyang kanang kamay. Saka agad na may umilaw na kulay lila at agad itong kumawala mula sa kamay ni Valle Shanta. Sinalubong kaagad nito ang napakalakas na enerhiya ng perlas ng Terra.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now