CHAPTER 24

8 1 0
                                    

Hinatid ni Brix si Jewel sa office kasama si Julie. Late na naman siya at pagagalitan na naman siya ng tita niya. And they totally forgot na ayaw palang makita ng Tita Wendy niya ang bata. Pero huli na nang ma-realize nila dahil pumasok na sa loob si Brix at Julie. Tuwang-tuwa naman ang bata.

Natuwa naman ang mga staff ng makita muli ang bata na maayos na ang itsura at tumaba na. Wala nang pakialam si Jewel sa sasabihin ng mga tao dahil parang eskandalo sa family nila kung iisipin ang mga pangyayari. Lalo na ngayon na si Brix ang makakatuluyan niya at hindi si Clyde na doon pa naman nag-propose sa showroom nila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi talaga magkadugo si Brix at Jewel but they grew up together as siblings. Pero hindi na ito pinapansin ni Jewel dahil masaya naman sila maliban sa Tita Wendy niya na hindi pa alam ang tungkol sa kanila ni Brix.

Nang umakyat silang tatlo sa second floor ay saktong lumabas ang Tita Wendy niya sa office dahil hinahanap siya.

"Jewel, you're late again." Nagulat siya ng makita si Brix dala ang bata. She hurried back to her office but Brix called her.

"Mom, wait!" Habol ni Brix. "I think it's about time na harapin mo si Julie bilang stepmother niya. Kawawa naman 'yong bata wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Let's move on na please, matagal nang patay si Tito Jim kaya tanggapin na po natin si Julie." Sabi ni Brix as they got in to his Mom's office kasama si Julie na kinarga ni Brix at sumunod si Jewel.

Tahimik lang ang Mommy niya at hindi makatingin kay Brix dahil sa bata. She just sat down in front of her desk and busy doing some paperworks.

"Mom? Please. Wala namang natuwa sa mga pangyayari pero wala na tayong magawa. Harapin mo naman si Julie, please." Pakiusap niya sa Mommy niya.

"Ate Jewel." Mangingiyak na tawag ni Julie sa Ate niya. Parang naiintindihan ng bata ang mga pangyayari at tinawag ang Ate niya seeking for comfort.

Kinuha agad ni Jewel ang bata dahil naawa siya. "Tita, hindi ko po pipilitin if ayaw nyo po talaga kay Julie, but just please don't ignore her as if she doesn't exist. Kahit mag mano po nalang po siya sa 'yo please allow her po."

"Mom, she's so adorable, nakakatuwa siyang kausap kung subukan mo lang... Halika Julie, mag-mano po ka sa kanya." Sabi ni Brix.

Tumulo ang luha ng Mommy niya habang nag-mano po ang bata. Parang naantig naman ang puso niya and realized how cute the child was at mukhang mabait. Niyakap ni Brix ang Mommy niya at si Julie. Nagyakapan silang tatlo. Sumali na rin si Jewel.

"You can call me, Mommy." Sabi ni Wendy sa bata.

Pagkatapos ay pinasyal ni Brix si Julie at nagshopping silang dalawa. Naiinggit si Jewel dahil hindi siya nakasama dahil busy sa work. They invited her Tita Wendy to have dinner mamaya in their house dahil sasabihin nila ang tungkol sa kanilang relasyon. Brix prepared for their dinner.

Tinapos muna nila ang hapunan bago sasabihin ang tungkol sa kanilang dalawa dahil baka masira pa ang masarap nilang hapunan.

"Brix, you need to tell me something sabi mo, what is it about?" Tanong ng Mommy niya. "Jewel, how's Clyde. Di ba may itatanong ka rin sa akin about sa engagement niyo ni Clyde?"

"Wala na ho kami ni Clyde, tita. Sinuli ko na rin po ang engagement ring." Kinakabahan si Jewel.

"Why? It was all my ideas pa naman 'yong ginawa niyang proposal kasi he asked for my opinion. What happened ba?" Tanong ng tita niya.

"Mommy, hindi niyo po ba alam na napaka-babaero 'yang Clyde na 'yan? I've been telling Jewel before pa na hiwalayan si Clyde dahil wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yon." Sabi ni Brix.

"Really? I didn't realize that. So, how did you know, may ebedensiya ba kayo?" Tanong ng Mommy niya.

"Tita, I caught him twice po sa condo unit niya na may kasamang iba't-ibang babae. Hindi ko naman po talaga siya mahal kaya lang napakalungkot pong mag-isa at nandyan naman po siya palagi kaya naging boyfriend ko po siya." Sabi ni Jewel.

"Mommy, huwag po kayong magagalit sa sasabihin ko... matagal na ho namin ni Jewel mahal ang isa't isa kaya lang po pinipigilan namin dahil akala namin hindi tama. Pero Mom, this time hindi na po namin mapigilan ang damdamin namin. It's been a very long time that I kept deceiving myself dahil iniisip ko po ang pamilya natin kaya rin po ako umalis at sa malayo nag-aral pero hindi ko na rin po natiis Mom. It really hurts when I know that she's with Clyde kaya binawi ko talaga siya." Mahabang paliwanag ni Brix.

"What? Are you crazy?" Nagalit ang Mommy niya. "Hindi niyo ba naisip kung ano'ng sasabihin ng mga tao, ha? My god, para na kayong magkapatid."

"Mommy, hindi naman kami magkadugo. I don't care kung anong sasabihin ng mga tao. What's important is we love each other and we need each other." Sabi ni Brix.

"Tita, everybody knows naman na hindi kami tunay na magkapatid. Mga bata pa lang ho kami gusto na namin ang isa't isa pero pinipigalan namin." Sabi ni Jewel.

"This is insane! Masyado nang madaming eskandalo ang pamilya natin huwag niyo nang dagdagan!" Biglang tumayo si Wendy at kinuha ang bag niya. "Don't you ever talk to me until maghiwalay kayong dalawa dahil nakakahiya kayo, ugh!" At nagmamadaling lumabas papunta sa kotse niya at umalis.

Hinabol ni Brix ang Mommy niya pero hindi na niya mapigilan dahil umalis na agad. Tumakbo si Jewel papunta sa kwarto niya at umiyak. Sinundan siya ni Brix at niyakap. Hindi sila nawalan ng pag-asa that someday matatanggap din ng Mommy niya ang relasyon nila bilang magkasintahan.

LOVED YOU FOR A THOUSAND YEARSWhere stories live. Discover now