CHAPTER 16

9 1 0
                                    

Brix was thinking deeply while looking outside from the window bus on his way back to Baguio. Alam niya sa sarili niya that he loved her more than just a sister and it was not impossible to win her heart. Pero iniiwasan niya ang damdaming ito noon pa dahil alam niyang magagalit ang Mommy niya. His Mom kept reminding him na hindi pababayaan si Jewel at aalagaan ng mabuti kung wala na sila ng Daddy ni Jewel dahil napamahal na talaga ito ng Mommy niya bilang tunay na anak. Kaya nga nagpakalayo siya para hindi niya nakikita si Jewel everyday because he knew he would be madly in love with her if they kept being together as they were almost inseparable. He sacrificed his feelings para lang maiwasan ang posibleng mangyari sa kanila but the more he kept deceiving his own self the more it tortured him lalo na 'pag nakikita niyang nalulungkot si Jewel dahil mag-isa nalang ito. Then he called her when he arrived at the school campus kahit na madaling araw na.

Maaga namang pumasok sa work si Jewel dahil siya ang magma-manage ng business nila dahil wala nga ang tita niya. Sinabi ng OIC na tumawag daw 'yong ale na may dalang bata noong Saturday at hinahanap siya. She called her other tita, 'yong Ate ng Daddy niya upang sabihin ang tungkol sa bata at magpapatulong siya sa pagpapa-DNA test nito. Nagulat din ang tita niya pero wala na silang magawa at nangyari na.

It was proven na anak nga ito ng Daddy niya. She learned na dati pala nilang sales agent ang babae ng Daddy niya at kaya nagresign dahil nabuntis ng Dad niya four years ago. Apelyido rin naman nila ang dala ng bata na si Baby Julie. She was named Julie dahil July ang birthday niya ang sabi ng ale na nagdala ng bata. She got the authenticated birth certificate na rin ng bata kaya she was convinced na half-sister nga niya talaga ito. She told Brix everything and he supported her decisions. Excited na siyang umuwi para makita ang bata.

Kumuha si Jewel ng bagong katulong na pamangkin din lang ng yaya niya. It was very difficult at first dahil iyak ng iyak ang bata. Nag-shopping siya agad ng mga gamit at laruan ng bata at natuwa naman ito. She was very thankful sa kanyang yaya dahil magaling ito sa bata. Ito na kasi ang yaya niya since she was five years old. Nagtulong-tulong silang tatlo sa pag-aalaga sa bata hanggang nasanay ito sa kanila at hindi na palaging umiiyak. Sa sobrang busy sa work at sa pag-aalaga ng bata ay nakalimutan ni Jewel pansamantala ang mga probema niya.

Bumalik na rin ang tita niya sa work but she decided to stay back at their own house na dating nilang tinitirhan ni Brix before she got married to her Dad. Umalis na rin kasi ang nangungupahan kaya doon nalang muna siya titira at ayaw niyang makita ang bata na kinuha ni Jewel.

"Tita, hindi mo pa rin ba matatanggap si baby Julie?" Tanong niya sa Tita Wendy niya noong naglunch break sila sa office. "Please, bumalik na po kayo sa bahay para magkakasama ulit tayo."

"I'm sorry, Jewel. I really don't know when but I'm still not ready to see that child. Hayaan mo na at maayos naman ang situation natin. I'm happy na rin dahil naging isang responsible kang anak at kapatid sa bata. I'm so proud of you at kung buhay man ang Daddy mo ay very proud din 'yon sa narating mo. You can always call on me anytime kung may kailangan ka kahit hindi na tayo nakatira sa isang bahay, okay?"

Three months passed yet still she wasn't ready to talk to Clyde. Lagi pa rin siyang pinapadalhan ng flowers at laging tumatawag sa kanya pero hindi pa rin niya ito kinakausap. Hindi rin niya hinarap noong pumunta sa bahay nila. Wala siyang time muna sa lovelife dahil masyado nang busy ang buhay niya.

LOVED YOU FOR A THOUSAND YEARSWhere stories live. Discover now