CHAPTER 22

7 1 0
                                    

Mabuti nalang at nakita agad ni Brix ang susi ng isa pang lumang kotse nila na dating ginagamit ng Mommy niya. May bago na kasing kotse ang Mommy niya. He hurriedly left and followed Jewel to their house. Pumunta agad siya sa kwarto ni Jewel dahil alam niyang nandoon lang siya but it was locked.

"Jewel!" Sigaw ni Brix sa pintuan ng bedroom niya. "Jewel!"

Hiningi niya ang duplicate key kay yaya upang mabuksan ang pinto. When he got inside her bedroom narinig niya ang malakas na shower sa banyo. He tried to get near the door at narinig niyang umiiyak si Jewel. He opened it slowly dahil hindi naman naka-lock ang pintuan. Malakas ang daloy ng shower and the water was overflowing the bathtub already where Jewel was soaked and crying hard. Suot pa rin ang damit niya kanina at basang-basa na siya. She was crying as she kept rubbing her arms with sponge, parang nandidiri siya sa nangyari kanina. Pinatay agad ni Brix ang shower at binuksan ang floor drain ng tub dahil basang-basa na ang floor sa banyo. Niyakap niya agad si Jewel kahit basang-basa na sila.

"Magkakasakit ka niyan." Sabi ni Brix. He grabbed a towel and wrapped her. "Huwag kang mandidiri. Ginusto natin 'yon nangyari kanina." Inalalayan niya si Jewel na makaupo sa tabi ng bathtub and he wiped her wet face and body. "I don't want you to get sick, okay?" Pinupunasan niya na parang bata. "Starting today, ako na ang mag-aalaga sa 'yo. Sa inyong dalawa ni Julie. Hindi na kita iiwan, I promise."

Umiiyak pa rin siya pero hindi nagsasalita. Brix tried to take off her wet shirt pero pinigilan niya. "Ako nalang magbihis dito." Nahihiya siya.

"Huwag ka nang mahiya. May nangyari na sa atin kanina at kitang-kita ko na lahat 'yan." Biro niya.

Sinapak siya ni Jewel sa towel. "Ako na nga. Magbihis ka na rin dahil basang-basa ka rin. Iwanan mo muna ako ditong mag-isa. Okay na ako." Sabi niya.

"I'll cook for dinner, anong gusto mong kainin?" Tanong ni Brix.

"Kahit na ano." Sabi niya habang nagpupunas ng buhok niya.

"Bukas na bukas isusuli mo 'yang engagement ring kay Clyde, okay?" Sabi ni Brix as he went out of the bathroom.

Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa hapong iyon. Dapat masaya na siya dahil sa wakas ay magkakasama na sila ni Brix and that they loved each other so much. But she felt guilty for Clyde. At mas lalong nag-aalala siya sa Tita Wendy niya. Ano kaya ang masasabi ng tita niya tungkol sa kanilang dalawa ni Brix.

She kept thinking on what to do or what to say to Clyde and to her Tita Wendy about sa kanila ni Brix habang nagbibihis siya. Alam naman niyang hindi siya pababayaan ni Brix pero kailangan din niyang magpaliwanag sa kanila. Bahala na, naisip niya. What matters most ay masaya na silang dalawa ni Brix ngayon.

She went downstairs dahil gutom na siya at dinner time na pala. Hinanap niya si baby Julie. Nandoon pala sa kitchen kausap ang kuya Brix niya habang naghahanda ng hapunan. She was watching them talking bago siya lumapit at ang sarap nilang tingnan. Para silang mag-ama na masayang nagkukwentuhan.

"Andito na pala ang Ate Jewel mo at kakain na tayo, okay? Tulungan mo akong maghanda ng table ha?" Sabi ni Brix sa bata.

"Wow, ang sarap naman nito. Ikaw ba talaga nagluto?" Sabi ni Jewel.

"Hindi. Si Julie." Biro ni Brix.

The three of them enjoyed the dinner na para bang isang happy family sila titingnan. Sa wakas matutupad na rin ang pangarap ni Jewel to have her own family with the man she fell in love for such a long time. Si Brix ang pangarap niyang makasama habangbuhay. Ever since they were young she already admired him. Kahit boyish siya nuon ay may lihim na pagtingin na siya kay Brix but she tried to disregard it dahil alam niyang hindi pwede because of their parents. But as years passed by, it kept recurring to her mind the possibilities that someday, they will both realize that they need each other because they love each other.

As usual, manonood ng TV si Julie before bedtime at sasamahan siya ni Jewel. Nagtataka ang bata kung bakit iba na naman ang kasama ng Ate Jewel niya this time na nasa likuran lang niya palagi sa entertainment room nila.

"Ate, hindi po ba darating si Kuya Clyde?" Tanong ni Julie.

"Hindi na darating ang Kuya Clyde mo kahit kailan, okay? Nasa malayo na siya, malayong-malayo." Sabi ni Brix sa bata.

Tahimik lang si Jewel. Maraming beses na pala nasamahan nilang dalawa ni Clyde si Julie dito at naglalambingan sila sa couch sa likod ni Julie. And this time si Brix na naman ang kasama niya.

"Mula ngayon, si Kuya Brix na ang palagi natin kasama dito manood ng TV, okay? Huwag mo nang hanapin si Kuya Clyde at hindi na siya darating." Sabi niya sa bata.

"May malaki pala akong problema." Sabi ni Brix as they were cuddling in the black couch behind Julie sitting in her favorite kiddie chair in front of the big screen TV.

"Ano na naman 'yan?" Sabi ni Jewel.

"Saan kaya ako matutulog tonight? Doon sa kabilang bahay or dito sa bedroom ko or sa kabilang bedroom? You choose for me." Biro niya.

"Sira ka talaga." Jewel slapped his face gently and kissed his lips. "Sa kwarto ko." Nakangiting sabi niya. "Baby Julie, it's bedtime na."

Kinuha na ng yaya ang bata upang patulugin at pumasok na rin sila ni Brix sa bedroom niya para magpahinga at may pasok na naman si Jewel kinabukasan.

"Ang dami mo palang pictures nating dalawa ano?" Napansin niya kanina pa ang mga pictures nilang dalawa na nakadikit sa malaking mirror ni Jewel sa dresser niya.

"Pucha!" She was about to stand up from lying in bed upang tanggalin ang mga pictures dahil nahihiya siya kay Brix.

"Huwag mo nang tanggalin. Kanina ko pa nakita 'yan." Biro niya at pinigilan siyang tumayo and he kissed her deeply. "Matagal mo na talaga akong pinagnanasahan, ano?" They kissed over and over again.

LOVED YOU FOR A THOUSAND YEARSWhere stories live. Discover now