CHAPTER 7

11 1 0
                                    

Two year passed and Brix graduated from high school. He took up Business course to help run his family's business someday. Pero iba ang pangarap niya. Hindi niya tinapos ang Business course and after three years he quitted at nagpaalam sa Mommy niya. Pangarap niyang pumasok sa PMA. He wanted to be a soldier just like his Dad who was a soldier and died from a war. Umiiyak na naman si Jewel dahil this time si Brix na naman ang aalis.

"Brix, huwag ka nalang umalis. Kailangan kita dito. Sige na please dito ka nalang mag-college. Dalawa na kayo ni kuya ang mawawala." Pakiusap niya habang nag-aayos ng mga gamit si Brix sa kwarto niya.

"Pangarap ko 'to. Maliit pa ako noong buhay pa ang Daddy ko gustong-gusto ko na talaga maging sundalo. Pwede niyo naman akong dalawin doon sa school ko kung weekend eh." Sabi ni Brix. "Sige na magbihis ka na at aalis na tayo."

Ihahatid si Brix ng Mommy niya kasama ang Tito Jim niya. Jewel was hesitant dahil nalulungkot siya at ayaw niyang sumamang maghatid. Napilitan din siyang sumama dahil mas lalo sayang malulungkot kung iwanan siyang mag-isa sa bahay.

"Ikaw, ano ba'ng kukunin mo sa college next year?" Tanong ni Brix while they were on their way to Baguio City.

Magkatabi silang nakaupo sa likod ng sasakyan. Gamit ang family van nila kasama ang driver dahil malayo ang pupuntahan nila. Ang Daddy at Tita Wendy niya ay tulog habang bumabyahe.

"Ewan ko. Parang nawalan na ako ng gana mag-aral dahil lahat nalang kayo umaalis." Malungkot na sabi ni Jewel.

"Please don't ever say that. Kailangan mong magsikap para mabuhay kang mag-isa kung kinakailangan. Hindi sa lahat ng oras may nakaalalay sa 'yo. You have to be independent, hindi ka na bata, okay?" Sabi ni Brix.

She was silent. She was thinking deeply about her life. Maraming tao ang nagmamahal sa kanya pero unti-unti naman siyang iniwanan. She realized that there is really nothing permanent in this world but change.

She cried when Brix entered the Military school barracks. Hindi nila alam kung kelan sila uli magkikita but they can visit him anytime after the first semester. Four years siyang mamalagi doon sa PMA. The family stayed overnight in Baguio and went home the next day.

Their big house seemed quieter now than before. Wala na siyang palaging kausap at wala nang mang-aasar sa kanya. Few days pa lang umalis si Brix ay sobrang miss na niya ito.

"Dad, pwede po bang pumunta sa bahay nina Clyde? Mag-jajamming lang po kami. Mag-practice lang po sa banda namin dahil pasukan na naman at tutugtog kami sa acquaintance party sa school." Paalam niya sa Dad niya dahil nalulungkot siya. Pinayagan naman siya ng Daddy niya.

LOVED YOU FOR A THOUSAND YEARSWhere stories live. Discover now