CHAPTER 20

8 1 0
                                    

Maagang nagising si Clyde dahil may business meeting siya. He didn't wake her up dahil ilang oras lang ang tulog niya. He prepared her a breakfast and then left a note on the side table of his bed with the duplicate keys of his condo unit on top of the note. He liked the idea that Jewel can come to his unit anytime she wants so he shared the duplicate keys.

She woke up because of her cellphone kept ringing. Ang Tita Wendy niya kanina pa tawag ng tawag. Late na pala siya. Sinabi nalang niya sa tita niya na matagal siyang nakatulog kaya matagal nagising at tatanghaliin na siya sa work niya.

Nainis siya dahil iniwan siya ni Clyde. Pucha iniwan akong mag-isa, naisip niya. But she smiled when she saw the note and the duplicate keys on the side table. She saw the dining table na may nakahanda nang breakfast at nagmamadali siyang kumain dahil gutom na siya at very late na sa work niya.

Maya-maya ay tumawag si Brix. Naninibago siya dahil very unusual na tatawag siya at this hour, sa gabi kasi siya palaging tumatawag. She answered her phone as she continued eating.

"Hey, wazzup?" Sabi ni Jewel. "Hindi ka na ba galit?" Biro niya.

"Tumawag ako sa bahay kanina at wala ka raw doon. Tumawag din ako sa office at wala ka pa rin doon. Where are you ba? Ba't ang aga mong umalis?" Tanong ni Brix.

"I'm here sa condo ni Clyde. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya umalis ako sa bahay at naisipan na pumunta dito. Pero huwag kang praning. Walang nangyari, promise!" Depensa niya agad dahil alam niyang magagalit na naman si Brix.

"Pucha! Ba't ka ba natulog diyan? Ba't hindi ka umuwi? At malay ko kung may nangyari o wala. Pasaway ka talaga." Galit na naman si Brix.

"Hoy, baka nakalimutan mo bahay 'to ng boyfriend ko. Welcome ako dito anytime. Sinorpresa ko lang siya kagabi dahil baka may milagro na naman akong madatnan. Pero wala naman, alam kong nagbago na siya. What do you want ba? I'll call you back nalang dahil nagmamadali ako, uuwi pa ako para magbihis at naghihintay na ang Mommy mo sa office. Late na kasi akong nagising at iniwan na nga ako ni Clyde dahil may business meeting siya." At nagpaalam siya agad dahil nagmamadaling umalis para umuwi.

Hindi na mapakali si Brix. Masyado nang malalim ang relasyon nila ni Jewel at Clyde, naisip niya. Buo na ang isip niya na harapin ang katotohanan na kailangan niya si Jewel dahil mahal na mahal niya ito higit pa sa isang kapatid. Hindi niya matatanggap na mapunta ito sa iba. Wala na siyang pakialam kung magagalit ang Mommy niya.

Marami silang clients kaya busy ang showroom nang dumating si Jewel. Pinagalitan siya ng tita niya dahil kanina pa siya hinahanap.

"Jewel, you have to be serious with your job. Malapit na akong mag-retire at ikaw na ang papalit sa akin dito. Kaya huwag kang palaging late. Hindi porke't manager ka pwede ka nang ma-late any time. Saan ka ba galing ha at pati si Brix sa akin ka hinahanap kanina?"

"Doon po sa condo ni Clyde, tita. May pinag-usapan lang po kami. Pasensya na po." Nahihiya siya.

"You seemed serious na with Clyde. Did he propose na ba?" Tanong ng tita niya.

"Ay naku, hindi pa po. At saka I'm not ready yet sa marriage. Nandyan naman si Julie so ayokong magmamadali." Sabi niya.

A few weeks later, biglang sinabi ng Tita Wendy niya na sa Friday ay hindi niya kailangang pumasok ng maaga. Pwede siyang mag late in for an hour at sinabing may general cleaning lang sa showroom. Eight am kasi ang pasok nila so natuwa siya at hindi siya gigising ng maaga dahil nine na siya papasok.

When she arrived at the showroom kompleto na ang staff nila at may dala-dalang long stem red roses at isa-isang sinalubong siya at binigay ang flower sa kanya. She slowly climbed upstairs as the music, Be My Lady, was played.

"Para saan 'to? Hindi ko pa naman birthday ah." Natawa siya.

When she arrived on top of the stairs sa second floor nandoon si Clyde naghintay at may dalang bouquet of flowers and handed it to her. Nakatingin ang mga tao sa kanila at kahit na nasa baba ay makikita silang dalawa. Clyde suddenly knelt down and proposed to her and she was shocked.

"Will you marry me?" Nakangiting tanong ni Clyde as he offered the ring.

"Oh my god! Tumayo ka nga nakakahiya sa mga tao." Namumula siya sa hiya as their staff applauded. Everybody was excited pero siya ay hindi. Nagsisigawan ang mga tao ng Yes. Hindi pa siya handa pero nahihiya naman siya at ayaw rin niyang mapahiya si Clyde so she accepted the ring that he offered. She didn't say yes but she was teary eyed and hugged him instead. Natuwa siya dahil hindi niya in-expect na mangyari 'yon sa loob ng showroom nila at saksi ang lahat.

"I love you, Jewel." Sabi ni Clyde as they hugged each other. Nagsibalikan na rin ang mga tauhan nila sa work nila upang mabigyan na rin sila ng privacy.

Hindi siya sumagot doon pero masaya na rin siya dahil totoo ngang seryoso na talaga si Clyde sa kanya. "Alam mong hindi pa ako handa, di ba? So please, let's not rush things. Ang importante masaya tayo."

"I know, pero I just wanna make sure na akin ka lang kaya gusto ko nang ma-engage tayo agad. I'm willing to wait kung kelan ka handa basta magpapakasal tayo someday. If you change your mind tomorrow na magpakasal na tayo agad just let me know, dritso na tayo sa city hall, ano?" Biro niya.

"Sira!" Natawa siya. "Halika muna sa office ko at nakakahiya tayo dito. Mabuti nga at wala pa si tita."

"Nagpaalam ako sa kanya na mag-propose dito. This was her idea actually." Sabi ni Clyde at niyakap uli siya nang makapasok sa loob ng office niya and kissed her. "I have to go na at baka marami ka pang gagawin. Let's have dinner nalang tonight, my place or your place?" Biro niya.

"Loko-loko ka talaga. Sa bahay, magdinner tayo mamaya para mag-celebrate na rin. Ihatid na kita sa labas." Sabay silang bumaba papunta sa parking lot.

"Thank you, guys." Sabi niya sa mga tauhan nina Jewel nang bumaba na sila sa showroom.

"Magkano bang binayad niya sa inyo ha?" Birong tanong ni Jewel sa mga staff nila.

"Naku may pangmeryenda na po kami mamaya ma'am. Congrats po sa inyo." Sabi ng isang staff.

She can't believe they were already engaged. Pero feeling niya hindi pa rin siya handa kahit na sa isang taon pa or sa susunod na taon pa sila magpakasal. Gusto niyang sabihin kay Brix pero she was hesitant dahil baka mas lalong hindi na ito magpapakita pa sa kanila dahil sa sobrang galit. Ayaw kasi talaga ni Brix kay Clyde dahil babaero daw. Palipasin na muna niya ng ilang araw saka sasabihin at parang galit pa rin kasi sa kanya si Brix.

LOVED YOU FOR A THOUSAND YEARSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora