CHAPTER 9

11 1 0
                                    

In one year time Jewel will be graduating with her Business course. Kahit minsan nahihirapan siya pero nagsusumikap siya dahil laging paalala ni Brix sa kanya to finish her education so she can live on her own when everything else is gone. Hindi habang-buhay na may family siyang umaalalay sa kanya at hindi habang-buhay silang may pera. Nakatapos na rin ang kuya niya at nakapagtrabaho na rin kaya mas lalong minsan nalang ito nakakauwi sa bahay nila dahil nasa barko na ito nagtatrabaho palagi.

Napansin ni Jewel na madalas na nag-aaway ang Daddy at Tita Wendy niya. Malungkot na naman siya. Ang dating masayahin at kompletong pamilya niya ay unti-unti nang nawawasak. Gusto niyang mabuo muli silang lahat pero parang mahirap na. She needed someone to talk so she decided to call Clyde. It's been a very long time na rin mula noong nag-away sila dahil nainis siya dahil niligawan siya. It was weekend naman kaya sigurado siyang available ito.

Pumunta si Clyde sa bahay nina Jewel at tuwang-tuwa ito nang makita siya. Niyakap siya ng mahigpit ni Clyde at ramdam nito ang lungkot sa mga mata niya. They talked at the pool side habang kumakain ng meryendang hinanda ng yaya ni Jewel. Nawala na rin ang galit niya kay Clyde at parang kailangan niya si Clyde sa mga panahong ito na lagi nalang malungkot ang buhay niya.

"So, sino'ng girlfriend mo ngayon? Do I know her? Madami namang magagandang babae diyan sa school niyo kaya hindi ka siguro nahihirapang pumili ano?" Nakangiting tanong niya kay Clyde.

"Ang daming babae sa buong mundo. Anywhere you go, there are pretty and sexy women around. Pero 'yong babaeng gustong-gusto ko na maging girlfriend ko ay isa lang." Seryosong sabi ni Clyde. "Look, we have a good foundation dahil close na tayo since high school pa, di ba mas maganda 'yon? We have known each other for such a long time na at napamahal na talaga kita. Hindi mo ako mapipigilan dahil since high school crush na kita kaya lang nag-aalanganin ako dahil akala ko tomboy ka. But when I saw you have grown as a lady na, I was convinced na gagawin ko ang lahat para magiging akin ka."

"I can't imagine us being a couple, parang ang sagwa." Natatawa si Jewel.

"Why don't we try it, please?" Nakikiusap si Clyde habang nakatitig sa mga mata niya.

Jewel was silent. She was thinking that maybe she will learn to love him soon if she would give him a chance. He was good looking naman at may kaya rin ang family nila.

"Jewel, alam kong malungkot ka. Nakikita ko sa mga mata mo. I'm going to make you happy. I will take care of you, I promise. Just please give me a chance. If it won't work out then hindi naman kita pipilitin."

"Kailangan kita, Clyde. I feel so alone though I am not lonely. Andiyan naman ang Daddy at Tita Wendy pero lagi nalang silang nag-aaway. Bihira nalang si Kuya umuuwi at si Brix naman matagal pa yata 'yon makakauwi dito. Ang laki-laki ng bahay namin pero parang ako lang mag-isa ang nakatira. I feel like I am deprived of real happiness na pangarap ko sa isang family. Maaga kasing nawala ang Mommy ko. May tita naman ako pero masyadong busy sila ni Daddy. Si yaya na nga lang ang palagi kong kausap araw-araw dito." She started to cry.

Clyde hugged her tight and kissed her forehead. Naawa siya kay Jewel. "I will always be here for you no matter what, okay?"

"Dito ka nalang mag-dinner then let's watch movie after." Sabi ni Jewel. "Umalis na naman kasi ang Daddy. I have a feeling that he's having an affair. Nakakahiya na kay Tita Wendy."

"Really? Paano mo nalaman?" Tanong ni Clyde.

"I have a feeling lang. Lagi kasi siyang galit at lagi silang nag-aaway ni Tita and he's always out for a few days, business trip daw, but I doubt." Sabi ni Jewel.

They had dinner together kasama ang Tita Wendy niya. Natuwa naman ang Tita niya nang magpaalam si Clyde na nililigawan niya si Jewel upang tuluyan nang iwan ni Jewel ang pagiging boyish nito.

After dinner ay nanood silang dalawa ng movie sa entertainment room habang pumasok na sa kwarto ang Tita Wendy niya. Hindi naman mapigilan ni Clyde ang damdamin niya kay Jewel at yakap-yakap niya ito as they enjoyed the movie. He tried to kiss her lips but umiiwas si Jewel. But later on nagpaubaya na rin siya and finally they kissed. It was her first kiss ever at nahihiya pa siya. Magkayakap pa rin silang nanood ng movie until they fell asleep sa black couch.

LOVED YOU FOR A THOUSAND YEARSWhere stories live. Discover now