Chapter One - "I'm His Bride"

3.8K 33 7
                                    

IhEaRtZeRoThEhErO’s Important Note:

Bago muna ako magtype ng kahit na ano sa kwentong ito, gusto ko munang sabihin na ang mga karakter sa akdang ito ay di ko orihinal na pag-aari. Si C.C./Cera ay orihinal na karakter sa Code Geass : Lelouch of the Rebellion, si Light Yagami ay mula naman sa Death Note at si Lelouch Lamperouge naman ay mula din sa Code Geass : Lelouch of the Rebellion, ang tatlong nabanggit na karakter ang siyang magiging pangunahing karakter sa Fan Fiction na ito. Sa mga CG at DN fans, sana di ko kayo madisappoint sa gagawin kong cross-over ng dalawang naturang anime/manga. I both love that Anime/Manga Series guys! Hope you’ll all love it. Expect characters to be out of characters, and expect EXPLOSIONS in this story. So START?

Created : January 16, 2013

Ended : ???

Status : On-going

Genre : Fanfiction, Humor, Romance, Fantasy, Slice of life and all the other possible genre...

Summary : Isang baliw na kwento.

I'm His Bride

by IhEaRtZeRoThEhErO

 Chapter  One

“I’m His Bride”

***Start Of The Craziness***

Walang mahirap na bagay para kay Light Yagami, dahil para sa kanya isang laro lang ang lahat. Ang mga exams niya ay tinutulugan niya lang, ang mga babae ay dinadaanan niya lang, ang lahat ay madali para sa kanya. Maaaring masabi natin na perfect na siya as in PERFECT!

Wala siyang problema. Yun ang sabi niya. Isa ba siyang abnormal? Kayo na ang humusga.

Isa siyang malaking sinungaling. Lagi niyang sinasabing ayos lang siya kahit watak-watak ang pamilya niya. Lagi niyang sinasabing masaya siya kahit na ang tanging taong mahal niya ay pag-aari na ng iba. At lagi niyang pinapakitang perpekto siya sa harap ng iba, kahit na ang totoo ay tulad lang din natin siya.

Umiiyak, nasasaktan, tumatawa...

Pero ang tanging may alam nito ay ang best friend niyang si Misa Amane, na madalas na niyang di nakakasama dahil sobrang busy sa modeling nito…

***

As usual, tinatamad na naman siyang sumagot sa quiz nila. Hindi dahil di niya alam ang mga sagot kundi dahil para sa kanya piece of cake lang ang lahat ng ito, samantalang yung mga classmates niya ay halos paduguin na ang mga ulo nila sa hirap ng exam.

Nang matapos ang exam ay kinausap niya si Misa…

“Sigurado ka na ba talaga sa lalaking ‘yan, Misa?” tanong ni Light sa babaing petite na nakasuot ng black na jacket at itim na boots, na nag-aayos ng bag sa loob ng kanilang classroom. Kung titingnan, iisipin mong 13 or 14 years old lang ito, subalit ang totoo ay 18 na ito.

Siya si Misa Amane, isang baguhang modelo sa tinitingalang Britannia Modeling Agency. Dito galing ang mga sikat na modelong sina Kirarin, Euphy, Lacus, Kagani Eula Atla, Carrah Louise, Glydel B. at marami pang iba. Pinamamahalaan ito ni Ms. Hana, isang kilalang modelo sa France na ngayon ay nagbabalik Pilipinas na.

Napansin ni Light ang isang kulay itim na notebook na nasa bag ni Misa...

“Hindi mo pa rin ba tapos basahin yang 'Twilight Series' ni Grace?” tanong ni Light sa kaibigan.

Sa totoo lang nagtataka talaga siya kay Misa kung bakit niya binabasa ang librong iyon...Hindi niya kasi type ‘yon. VAMPIRE-HUMAN love story? Oh come on, mas prefer niya pa ang Diary ng Panget ni HaveYouSeenThisGirl, kung love story lang ang pag-uusapan, o di kaya ang Bago Matapos Ang HaySkul Layp KO! ni IhEaRtZeRoThEhErO, excited na nga siyang magkaroon iyon ng Season 2 e. Lagi niyang inaabangan ang mga updates nito sa wattpad, ffnet, booksie at maging sa Lavender Book Of Stories sa FB. Siya rin ang no. 1 supporter nito sa kanyang blog na matthewssarah09.wordpress.com, excited na siya malaman kung anong message ni AC sa Class’s After Story...

I'm His Bride (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora