Chapter 15

854 39 15
                                    

Chapter 15

Shameful. That the word I could describe as my mother's hand landed on my cheek once again. The heaviness of her hand made my body paralyzed. This became a habit to her, and I could no longer count how many times she slapped me. I was on the verge of crying already, but I'm still locking my tears as if they are prisoners. I don't want to cry... I don't want to look weak in front of her.


"You lied to me again, Rigan." She couldn't maintain calm after I said to her that Paris got me pregnant. I want to hide. It's really a shame that all the people inside the house were hearing my unscrupulous schemes.


Even though I got slapped, I still have the strength to reach her hands. "M-Ma, I'm sorry..." I apologized with my voice rattling, but she removed my hand aggressively as if she doesn't want to get stained by someone's dirt.


"Sinungaling ka talaga. Kahit ako pinaglalaruan mo," aniya sa nangigigil na tono kaya umiling ako, desperadang humihingi ng kapatawaran.


"I'm sorry, Ma... Natakot lang ako. Alam kong mali." I was beneath her. Duwag ako pagdating sa kanya. Sa kanya lang ako umaamo dahil alam ko kung anong kaya niyang gawin.


She suddenly cupped my cheeks violently, and I could feel her long nails digging on my skin. Her eyes became round as her face went closer to me. I whimpered because of pain, and my legs were about to collapse underneath me.


"Don't ever let the public know about this. Kapag nalaman nilang pinaglaglag mo ang baby mo, tapos ang career mo," diin niya na may halong pagbabanta. Kahit napupuno ng takot ay tumango ako sa kanya. Walang makakaalam ng ginawa ko. Hindi ko hahayaan na makalabas 'yun sa publiko dahil magbabahid 'yun ng dumi sa pangalan ko pero paano si Paris?


Padabog niyang inalis ang pagkakahawak sa pisngi ko kaya muntikan na akong mawalan ng balanse.


"Inutil ka talaga. Ikaw at ikaw lang rin ang sumisira sa pangalan mo." Tama naman siya. Ako ang gumagawa ng paraan para malagay sa alanganin ang pangalan ko. Kahit naman naging maingat ako ay may magiging mali pa rin. Kailangan kong harapin ang galit ni Mama at Paris. Pareho ko silang binigo sa magkaibang kagustuhan nila.


"Umalis ka na dito. Hindi kita kayang tingnan ngayon," sabi niya at kahit gusto kong manatili ay mas pinili ko na lang na sundin siya. Nakayuko akong nilisan ang sala pero pagdating ko sa arko ng pinto ay naramdaman kong may nakatayo sa harapan ko.


Unti-unti akong nag-angat ng tingin at nung masilayan ang taong nasa harapan ko ay nawala ang pagiging maamo ng mukha ko, bagkus napalitan ito ng pagkalamig na tingin.


"What are you looking at?" I asked coldly, and the way she's looking at me was like an insult. Her eyes were chanting pity towards me, but I know that it's just a show-off.


"Why did you even do that? Hindi 'yun patas kay Paris."


I laughed with an edge when I heard her speak. Here she comes again, acting as if she knows everything.


"You're being naïve. Hindi ka rin naman naging patas kay Paris noon kaya huwag kang mag-marunong," pambabara ko sa kanya at nakita kong bumilis ang pagkurap ng mga mata niya, mukhang naapektuhan sa sinabi ko.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now