Lumabas ako ng bahay para bumili ng as usualcoke. Para sa Tito kong nangangarap ng diabetes. Sabado ngayon ng gabi at nasa bahay lang si Tito buong araw. Wala ring klase sila Mike kanina pero sabi naman niya ay bibisita siya sa akin ngayong gabi. Kaya kailangan kong magpa good shot sa Tito'ng araw-araw may dalaw.

"Tao po, pabili," sabi ko sa tindahan ni Ate Daisy. Himala yatang mag-isa lang akong bibili ngayon. Dahil wala pang sumasagot ay napabaling ako sa boarding house ng mga police. May mangilan-ngilan na nasa labas tumatambay sa isang bilyaran. I even saw the guy getting his friend's attention at napa tingin silang lahat sa akin.

Dummies. Ngayon lang ba nakakita ng babae? At para mas lalong tumulo ang laway nila ay umupo ako sa isang upuan na gawa sa kahoy. I let my long legs rest while their eyes are now eye raping me.

"Uy! Unsay imo, Lana?" ani Ate Daisy nang makitang ako ang bumibili. My jaw dropped open. I didnt understand what she just said! Nang makita niyang parang hindi ko nakuha ang sinabi niya ay tumawa siya.

"Ay, sorry! Hindi ka pala nakakaintindi ng bisaya," I smiled awkwardly. "Anong sayo?" tanong niya.

"Coke po," sabi ko.

Kumuha siya sa ref na nasa mismong tindihan at iniabot sa akin iyon.

"Ang hilig niyo sa coke, ah." I sighed.

"Gusto po kasing magka diabetes ng Tito ko, ate," I answered her jokingly. Tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko kaya akmang iaabot ko na ang pera nang may ibang naunang mag-abot ng pera.

"Mike.."

Nagulat ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko at halatang bagong ligo siya. There's that smirk on his face and my eyes darted to his muscle. Parang mapupunit na ang t-shirt niya sa sikip nito!

"Huwag ka masyadong uminom niyan," aniya. I gulped.

"I'm not. Si Tito lang ang mahilig," sagot ko.

"Mike, sukli mo," si Ate Daisy. Saka ko pa naalala na siya ang nagbayad sa binili kong coke.

Pinakita ko sa kanya ang pera sa kamay ko at kinuha niya ang coke na hawak ko. He smirked even more na parang naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Nagtaas ako ng kilay.

"I know, may pambayad ka. Tara na, hatid na kita," aniya habang hindi nawawala ang pilyong ngiti sa mukha at agad akong nataranta.

"N-No. Malapit lang naman, ako na," sabay kuha ko sa coke sa kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

"Mawawala ang lamig nitong coke kung magpipilit ka," banta niya sa akin. Umirap ako sabay buntonghininga.

"Fine," saad ko.

"Wow sir, ha. Speedboto ako sayo sir Mike!" pahabol ni Ate Daisy at napailing na lang ako habang humalakhak lang siya.

Habang naglalakad ay napapatingin sa amin ang mga kapit-bahay. Hindi pa nakatulong na kasalukuyang nagme-meeting ang mga human CCTV's malapit sa may kapilya. Hindi naman sila sa akin nakatingin kundi sa katabi kong bitbit ang coke. Nagmumukha tuloy coke sakto 'yon dahil sa laking tao niya.

"Dadalaw ako mamaya. Okay lang ba?" aniya. Hindi pinapansin ang mga matang nakatitig sa amin na wala yatang balak kumurap.

"Okay. I will tell Tito," I said and glanced at him. Napalunok ako nang makita ang paglunok niya. His adams apple moved up and down, saka pa siya tumingin sa akin. Nagkatitigan kami at sandaling umikot ang sikmura ko. Kinunot ko ang noo ko. What was that?

Napansin niya iyon at malapit na kami sa bahay.

"Are you okay?" takang tanong niya at tumango ako sabay bahagyang ngumiti. Ano iyong naramdaman ko kanina sa titigan namin?

Nang makarating sa gate ng bahay ay naroon na si Tito, nakahalukip. I gasped subtly. Kunot ang noo at nakahilig sa pintuan habang mariin ang titig sa amin.

"Sa mall ka ba bumili ng coke, Lana? Mahaba ba ang pila sa counter?" he said sarcastically.

Kinuha ko ang coke sa kamay ni Mike saka siya sinagot.

"Si Ate Daisy ang matagal, Tito," kalmado kong sagot.

"Good evening, sir," bati ni Mike. Tito Marky just gave him a poker face kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumango siya kay Mike sabay pumasok na sa loob ng bahay.

"Sorry about that. He's having a bad day," sabi ko sabay tingin sa kanya at nakitang nakangiti siya. Nawawala na halos ang mata niya at hindi niya alam na mas lalong nagpapaluwang ng panty garter ang ngiti niya.

"It's fine. Mukhang mahihirapan yata ako sa Tito mo," biro niyang sinabi.

That's a fact. Akala mo naman talaga siya ang nililigawan.

"Nah. Walang magagawa si Tito kung sasagutin kita," pa simple kong sagot at humalakhak siya.

"So, sasagutin mo 'ko?" manghang tanong niya at hinuli ang tingin ko. I bit my lower lip to supress a smile.

"It's up to you, kung gagalingan mo," giit ko at pumasok na sa loob ng bahay nang hindi nagpapaalam. I heard him chuckle. My chest is thumping crazily while hearing his chuckle. Nate-tense rin ako. This feeling is foreign to me. Ito na kaya ang tinutukoy ni Tita Veronice?

Dumiretso ako sa kusina at nakaupo na roon si Tito Marky. Nakataas ang kilay niya at nakatingin sa akin.

"You're shamelessly blushing, Lana. Kinikilig ka," giit niya at napahawak ako sa pisngi kong medyo maiinit.

"Of course not!" sikmat ko at naupo na para kumain.

Tito Marky shook his head and sighed na para bang ang laki-laki ng problema niya.

"Lana, ayokong pangunahan ka sa mga gusto mo at ayaw mo. But please, huwag mo sabihin sa aking hindi kita pinagsabihan," paalala niya at nagsimula na siya kumain.

Alam ko ang ibig niyang sabihin. He doesn't trust Mikenow. Pero iba an narararamdaman ko kay Mike. He has this aura that could make the people trust him immediately. He's very transparent and kind. Nararamdaman ko 'yon.

Tutulungan ko si Mike na makuha niya ang tiwala ni Tito at patutunayan kong hindi kagaya si Mike sa mga police na iba-iba ang babae.

The Mistress Onde histórias criam vida. Descubra agora