Chapter 7

6 1 0
                                    


"Bakit nakasimangot 'yang mga 'yan?" tanong ko kay Lexus. Ang tuod at si Lex ay nakasimangot na parang tanga. Well, si Markus or Mark or whutever, hindi naman halata na nakasimangot. Kunot-noo, iwas ang tingin, at bahagyang nakanguso lang. Si Lex naman, kunot na kunot na kunot ang noo. Gagi, ang sagwa na talaga tignan nong itsura niya kasi parang pag tinapik mo, sasabog na, e.

Narinig ko ng tawa ni Lexus sa tabi ko, yumuko siya at bumulong, "Hindi pinapansin ni Aleeya si Markus, si Lex? Do you.."

"Bam?"

Nilingon ko siya at nakitang nakangiti. "Yeah. Alam mo talaga, huh?"

"Uh-hmm."

Nilibot ko ang tingin at nahagip si Aleeya na tila naiilang na ano. Nakatitig kasi sa kaniya si Markus at pinapanoood ang bawat kilos niya. Naalala ko, sinabi sa'kin ni Aleeya na nag-away daw sila ni Markus no'ng time na nagburst out siya. Then, sinabi niya na never niya daw magugustuhan si Markus bago iniwan doon. Nagkasakit si Markus kinabukasan kasi nga umuulan that time at naiwan siya doon, tulala. Cliché.

Ang alam ko lang ay nagusap sila during the week na hindi siya pumasok, inaalagaan kasi niya si Markus. Tinanong ko kung ano ba 'yon pero namula lang siya at di na nagsalita. 'Yon din ang reason kaya nagmuni-muni siya sa sementeryo last last month.

Last month ang birthday ko, naghanda lang si Mama. Si Lexus? Patuloy ang panghaharot sa'kin. Hindi naman ako dense, di rin naman ako tanga at mas lalong hindi rin naman ako assumera. Sadyang nagbibigay lang si Lexus ng mixed signals. Hilig ko naman ang pag-iignore ng mga bagay-bagay so, no problemo.

Last week nag-start kami sa pag-peprepare para sa Christmas Party. Si Aleeya at Bambie ang naging organizer, super hands-on ng sila, e. Naol. Si Bambie? Na sa phases ng moving on. Though, medyo suspicious ako sa inaakto ni Lex. Kung hindi ko lang talaga narinig na inamin niyang may gusto siya kay Aleeya? Baka maisip ko na may gusto siya kay Bambie at bothered siya dahil hindi siya pinapansin nito. Pero naisip ko rin na baka bothered siya dahil they're friends. Or, just like Aleeya.. he's confused? But.. hindi ko na alam ang iisipin. Unti-unti na siyang nagbabago. Proving what point? Hmm..

"Zha, ambag mo?" tanong ni Bambie. Inabot ko ang 100 para sa ambag ko. Dapat talaga, oorder na lang kami sa McDo para sa buong klase, pero di sila pumayag at mag-aambagan na lang daw. By group siya, kami ni Bambie, Lyn, Chin, ako, si Lex, at Lexus ay magkakagrupo. Spaghetti at Hotdog on stick ang sa'min . Sila Aleeya ay cake at drinks, kasama si Markus. Ahem, humiwalay talaga si Markus sa dalawa para kay Aleeya. Naol pt. 2

Nakapikit lang ako habang tinatalian ni Lexus ang buhok ko. May balak atang magtayo ng salon at pinag-papractice-an ang buhok ko. Tinuturuan naman siya ni Chin mag braid. Nakapangalumbaba lng ako habang naghaharutan sa harap ko si Lyn at Mark— pinsan ni Aleeya. Pinapanuod ko ang mga kaklase kong mag-ingay, mga babaeng nagchichika-han, may naghaharutan na magjowa, awkward na mag-ex, at mga bida-bidang nagpupulbo at liptint kahit na makapal na ang na sa mukha nila. 'Yung mga pasaway na lalaki sa likod na puro ML, yung iba pinagt-trip-an pa 'yung mga adib-adib sa gedli. Kahit ang annoying at nakakaurat na rin minsan ang ganitong scenario, mami-miss ko rin 'to.

Mark Andrei Perez.

Siya ang nabunot ko para sa exchange gift sa Christmas Party, tinanong ako ni Aleeya at nakipag-palit nang malaman niya na ako ang nakabunot sa crush niya. In the end, si Lyn ang reregaluhan ko.

Nandito kami sa Kadiwa, doon kasi kami mamimili ng pangregalo. Kasama ko si Lexus, Bambie, Lex, Aleeya at Markus. Maaliwalas ang mukha nong dalawang hunghang, katabi nila kasi 'yong dalawa sa siksikang lugar na'to. Crowded naman kasi dito since para siyang tiangge.

Hahawakan ko sana si Bam dahil malamya pa naman ang isang 'to pero pinigilan ako ni Lexus, yumuko naman si Lex at bumulong, "Ako na, Ei. Mmm?" aniya at nag-puppy eyes pa.

A (not-so) Cliché Love Story I: FriendsWhere stories live. Discover now