Chapter 6

7 1 0
                                    

Gusto ko ng libro. At Pera.

Naglalakad ako pauwi galing sa pag-ttutor ng bata, nakakapagod. Tapos pag-uwi pa, kaunti lang ang oras ko sa pagpapahinga dahil bibisita kami sa puntod ng lolo ko. Not direct lolo, kapatid siya ng lola ko— mama ni mama ko— so basically, lolo ko pa rin siya. Sembreak na kasi ngayon! Yassir! Death Anniversary kasi ni lolo Roman, sinabay na namin ang pagbisita kasi for sure, crowded ang Memorial Park 'pag undas na.

Pagdating sa bahay, agad akong humilata sa kwarto at nagpahinga.

"Isa, bumangon ka na." malumanay na boses at bahagyang tapik ang nagpagising sa'kin. Unti-unti kong minulat ang mata at nakita ang mukha ni Mama. Kinusot ko ang mata at tumango, nagsimula na rin akong mag-ayos para umalis.

Nagsuot na lang ako ng puting tank top, skinny jeans saka varsity jacket. Ang presko kaya doon! Tapos medyo gloomy pa 'yong weather kaya okay na 'to.

"Wow, nagputi! Glow in the dark 'yan?" pang-aasar ng bwakinangshit na kuya ko.

Sarkastiko akong ngumisi, "Wow, ang puti! Vhong Navarro 2.0, yan?"

"Manahimik nga kayong dalawa, isusumbong ko kayo sa nanay niyo." biglang sabat ni Papa. Yumuko na lang ako pero binelatan pa rin si Kuya. Ang pangit! 'Di ko 'yan kapatid! Tsh.

Nang lumabas na si mama, sumakay na kami sa kotse ni papa. Dumiretso agad kami sa Manila Memorial Park, kahit na sa Dasmariñas kami. Wowerz. Buong byahe, puro pangbabadtrip lang ang ginawa ng kuya ko. Sinasabayan pa ni Papa, pero dahil kakampi ko si Mama.. tahimik silang dalawa! Yehey!

"Kayong dalawa, 'wag kayong magaway doon, ah! Irespeto niyo ang puntod ng lolo niyo," paalala ni Mama sa'min. Sumaludo lang ako at pinandilatan ang kuya ko. "at ikaw naman.. 'wag kang mag-inom na naman ng madami! Sinong mag-ddrive mamaya, ha? 'Yang panganay mo? Muntik na nga kami mabangga no'ng nakaraan, ha!"

Natawa ako nang parehas silang mapagalitan.
"Okay, boss. Kaunti lang!" ani Papa.

Nakarating na kami sa Memorial Park, agad akong bumaba at nilibot ang tingin. Bukod kasi sa lolo ko, dito rin nakalibing ang iba naming kamag-anak. Medyo madami ang mga tao, puro kamag-anak namin.

Nagdasal kami tapos nagsimula nang magsikain, magchikahan o ano. Lumapit ako sa malaking puno para sana magpicture ng scenery. Kahit sementeryo 'to, ang ganda pa rin 'no. Ang lawak kasi tapos walang building. Kita ang malawak na kalangitan. Hindi man maulan, ay di rin maaraw. Sakto ang kulay nito na pinaghalong stormy kind-of white then sky blue with a twinge of baby blue. Ang ganda.

Naputol ang pag-hanga ko sa kalangitan nang mahagip ng mga mata ko ang isang bata, tingin ko'y mga freshmen high school? Matangkad siya pero hindi mukhang matanda. Nakatayo lamang ito at nakatingin sa puntod ni lolo na ilang metro ang layo mula sa pwesto niya. Naka-ponytail ang kulot at tila tsokolateng buhok na bumagay sa morena niyang balat. Naks! Na sa genes talaga ng mga Antoni ang pagiging morena o moreno!

Pero hindi naman 'yon 'yung napaagaw ng atensyon ko, kundi ang mata niya. Tila walang buhay. Iba siya sa 'walang buhay' na description ko sa bored lang na expression ni Markus tuod. Walang buhay, kunot noo at seryoso. Tinutok ko ang camera sa kaniya at di ko mapigilng mamangha dahil miski sa screen ay tila dama mo ang awtoridad, lakas at dilim ng aura niya. Niclick ko ang camera, napatingin siya sa direksyon ko dahil sa shuttersound ng camera ko. Kumunot ang noo niya at tinitigan ako ng ilang segundo bago tumalikod. Kahit na ganoon ay hindi siya mukhang spoiled brat na batang nagtataray, more like, batang kayang baliin ang bawat buto mo sa katawan 'pag ginalaw mo siya.

Ngumiwi ako at tumabi kay mama na kausap ang tita ko. Hinintay ko munang matapos sila bago kinilabit si Mama, lumingon ito at pinagtaasan ako ng kilay.

A (not-so) Cliché Love Story I: FriendsWhere stories live. Discover now