Chapter 2

16 2 1
                                    

"And that's the report of group five!" parang tangang sabi nong isa kong kaklase. Grade school ka ba? Punyemas.

"Mimaaaaaa!"

Nilingon ko ang sumigaw, si Chin. Kumunot ang noo ko, "Ba't?"

"Mars, perfect tayo! 100 score nati sa reporting, gagi!" anang niya at tumalon-talon pa.

"Okay.." bumalik ako sa pagbabasa at pagsasagot ng assignment. Magtu-tutor ako bukas, may raket din ako sa linggo dahil ako muna magbabantay ng lugawan nong kapitbahay namin. Pera din 'yon, noh. Wala na akong oras sa pag-sagot nito kaya kebs. Humihigop lang ako ng Delight habang nagsasagot. Five minutes late na si Sir.

"Penge sagot," bulong ni Leng.

"Kakainin mo?"

"Letse ka!"

"Hoy, nandiyan na si Seeer!" humahangos na sabi ng babae sa pintuan, si Rashel. Nagsi-ayos sila kaya tinago ko na ang notebook ko.

"Good morning, class!" bati ni Sir Fres.

Nagsitayo kami. "Goodmorning, sir Freeees!" bati pabalik ng mga kaklase kong akala mo'y kinder kung bumati. Inchoir na malamya.

"'Di na ako magpapaligoy-ligoy pa.. malapit na ang Intrams, nabanggit na ba ng adviser niyo?" tanong nito, tumango naman kaming lahat. "Pinaka project ng Grade 10 students ang booths for intramurals.."

"Pero, sir.. anong booth po 'yung gagawin namin? Sabi ni ma'am Tin, kayo daw po bahala, e." tanong ni Aleeya.

"May sinabi si ma'am?" tanong ko kay Bambie.

"'Di ka kasi nakikinig, e." bulong rin nito. Asan do'n 'yong sagot? Ngumiwi ako at bumaling sa kung saan ang tingin, nahagip ko si kuyang Neutral na nakatingin sa'kin. Sabay kaming nag-iwas ng tingin. Tingin-tingin pa siya, tusukin ko mata niya, e.

"As i said, kasama niyo ang g-10 Quezon sa paggawa ng task. Kaya.. president? Sino class president niyo?" nagtaas naman ng kamay si Aleeya. "Herman, kasama 'yung vice president, mamayang uwian ay makipag-usap kayo sa officers ng Quezon. Nakausap ko na rin sila.." blah blah blah.

Nagdi-discuss siya habang ako'y phikab hikab lang sa gedli.

"Bam, ano daw booth na'tin?"

"Nakikinig ka ba?"

"Mukha ba?"

"Hmp. Party booth daw."

"Huh? Ano daw 'yon?"

"Ewan ko, makinig ka na nga lang.."

Psh. Ang attitude talaga ng nerd na 'to!

"Huy, group 2 'to, diba?" tanong ni Reyes sa'kin.

Sumimangot ako at lumipat ng sa dulong upuan. Group 4 kasi ako, si Bambi ay group 3. Ang daming eme ng subject na 'to, mas critical pa kesa sa major sub. Tsh. Mali na talaga 'to, maling-mali. Pumwesto ako sa dulo, sa tabi ng bintana.

"Ganiyan ang magiging seating arrangement niyo this quarter. Every quarter, mag-iiba 'yan kaya wag panghinaan ng loob ang umaasang makakatabi ang mga crush nila, okay?" tudyo ni Sir na ikina- ingay ng mga mahaharot kong kaklase. Mahaharot. Nagugutom na ako. Mga kingina.

"Group 4 'to, 'di ba?" napaangat ng tingin ko sa taong nagsalita, yung Lex-something. Tumango lang ako at nakinig na sa pinagsasabi ni Sir. Puro about sa booth kinyeme lang naman. Umupo naman tabi ko.

"Hi! Eieezha Marveles, 'di ba?"

Kunot-noong tumango lang ako, "Bakit?

Ngumiti lang siya at nilahad ang kamay, "I'm Lexander Anton Fernandez." tinanggap ko iyo at tumango at saglit na ngumiti. Lexander pala, Lex-something ampota. Ang bobo mo, Eieezha. Napatingin pa ito sa lalaking na sa tabi niya na nakatingin pala sa'min. Kumunot lang ang noo niya at bumaling muli sa unahan na ikinangiwi ko. Awit. Attitude s'ya, mars.

A (not-so) Cliché Love Story I: Friendsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن