Chapter 3

10 1 0
                                    

"Andiyan na si ma'aaaaaam!" sigaw ni— as usual— Rashel mula sa pintuan at mabilis na umupo. Nagsi ayos na rin ang mga kaklase ko. Speed.

Tumabi na sa'kin si Bambie matapos siyag harot-harotin nong tarantadong kakambal ni Lexus.

Speaking of the devil.. naalala ko iyong naging pag-uusap namin ni Aleeya.

"May pabor akong hihingin sa'yo.." pagbasag niti sa katahimikan.

Kumunot ang noo ko. "Pabor?"
Saan 'to kumukuha ng lakas ng loob at tibay ng mukha?

Tumango siya at yumuko. "I.. ahm.. gusto ko sanang magpatulong sa'yo," tumigil siya at inangat ang tingin, seryoso ang mga mata. "i like Lexus. Can you help me with him?"

Umiling na lang ako dahil sa alaalang 'yon. Ebarg, beh. Natulala talaga ako, as in! Legit no lies! Isipin mo 'yon, si Aleeya.. nagpapatulong? At kay Marveles pa talaga? Shocker.

Anyways, hindi ako pumayag! Duh? Lovelife niya 'yon, no! Saka ayokong pag nagkaanak sila in the future (syempre, ninang ako.) ay sasabihin nila na nagpatulong lang siya kay ninang kaya nabuo siya. I mean, nagkaroong 'sila', noh?!

Act of clichéness 'yon! Ninang says no to cliché!
Bahala sila..

Oh well, come to think of it (wow).. si Aleeya na campus crush (yikes) ay nagkagusto sa serious (emz) guy na transferee. Then, there's Bambie who actually likes the (pa)playboy, bully, and a bad-ass (bad and an ass) Lexander who (may or may not) like her. Tapos ako.. ito.. tao lang. Gusto pa gawing tulay. Tama ba 'yon?!

Nag-ring na ang bell at lumabas na rin si Ma'am Rivelo. Commonly, tutulungan ito ni Aleeya and tha gang.. but, she did not. Instead, pumunta na naman siya sa direksyon ko... para pilitin. Hay nako. Hirap talaga maging maganda. Charot.

Vacant namin dahil absent si Ma'am. Ang usual na ingay sa clasroom na sa tingin ko'y kinasanayan ko na sa nagdaang taon ng pagiging estudyante ay tila mas lumakas pa lalo dahil sa ingay ng katabi ko.

"Marveles, sige na.. I'll buy you anything you want! Ano ba? Uhm.. books? Money? Ano?"

"'Di ba, childhood bestie naman kayo? Bakit sa'kin ka nagpapatulong, e, ikaw mas nakakakilala diyan!"

"You don't understand, i li—"

"Bakit ba ang ingay mo?!" biglang sabat ng tuod na nasa tabi ng bintana.

Umirap si Aleeya, "Pake mo ba?"

"Wala akong pake sa'yo, hinaan mo 'yang boses mo. Napaka-arte, maganda ka ba?!"

"Hoy! FYI, maganda ako!" ay wow. the aUdiOcItY.

"Oh, talaga? Bakit nagpapatulong ka pa? Honestly, sa ginagawa mong 'yan.. nagmumukha kang desperada!"

"Hoy, Perez!" inawat ko na ang ulikbang 'to. Pasmado bibig, ampota.

Inirapan lang ako ng walanghiya saka padabog na tumayo at nagwalk out. Atitchoda.
Dadaluhan ko sana si Aleeya nang tumayo rin ito at sinundan si Markus. Tumayo rin ako para sana pigilan siya pero hinaklit ni Lexus ang siko ko.

"Aray! Putangina naman.."

Tumawa siya, at pinadausdos ang kamay mula sa siko ko papunta sa kamay ko at ipinagsalikop 'yon. Ngumiwi ako nang maramdamang parang namimilipit ang sikmura ko na ano. Najejebs ata ako.

"Anong nangyari?" marahan ang boses na aniya.

Inagaw ko ang kamay ko at ibinulsa iyo, ang init ng kamay niya ay ramdam ko pa.

"Chismoso ka?"

"Medyo. So.. ano nga?"

"Tss. Away."

Ngumiwi siya, "Halata nga.." bubulong-bulong nitong pag-iinarte.

Bigla namang sumulpot ang ulikba niyang kakambal. "'Di niya dapat ginagalit si Mark, mas nakakatakot 'yon magalit kesa dito." anito habang turo ang kambal.

Tumaas ang kilay ko at bumaling kay Lexus na mukhang tanga. "Nagagalit ka pala?"

"Oo, kaya dapat 'wag mo akong galitin. Nangangagat ako. Rawr.." sabi niya with matching hand gestures pa na parang leon na umaangil. Mukha siyang tanga pero ang cute niya.

"Oh? Gagawin?"

Inirapan ako nito kaya inirapan ko rin ang kupal. Inggrata.

Binaling ko ang tingin sa kung saan at nahagip ang magkahawak na kamay ni Bambie at Lexander. Naningkit ang mata ko, napansin iyon ni Bambie kaya pilit niyang binawi ang kamay. Mas hinigpitan lang iyon ni Lexander, ngumisi at kinindatan ako.

Nagulat naman ako nang may tumakip sa mata ko. "'Wag mong pansinin 'yon, bobo 'yon." parang tangang bulong ng kambal niya.

Tinanggal ko iyon at sasapakin sana si Lex nang magring na naman ang bell at recess na. Biglang tumakbo si Lex palabas kasama si Bambie.

"Hoy, kupal! Bumalik ka dito!"

Umirap ako ng makita si Aleeya na namumula na naman dahil sa galit at si Markus na nakapamulsa at nakatitig lang dito, pero halatang nasisiyahan sa reaksiyon ni Aleeya.

Ang bilis ng panahon, potek. Malapit nang matapos ang 1st Grading at 'di pa rin ako tinatantanan ni Aleeya. Parang ewan.

"Marveles, pano naaa?!" mangiyak ngiyak na atungal ni Bambie sa'kin.

The nerd.. finally.. admitted to herself that she's inlove with a playboy slash her childhood bestfriend.

Kung noon, todo deny siya na inlove siya.. ngayon in-admit niya na sa sarili niya.

Pa-fall din naman kasi ang walanghiyang 'yon, "Kung ako sa'yo, sa 4th grading ka na lang magconfess. Less pahiya na, less awkward interactions pa after, 'di ba?"

Kumunot ang noo ko nang dumukdok siya sa balikat ko. "Maybe, i should kinda avoid him, no? Or, just completely ignore him?"

"Bonak, you can't do that! Aside sa fact na magkaklase kayo, that dude is persistent.. and annoying. Of course, magtataka 'yon pag bigla kang umiwas o hindi mo siya pinansin.. and he'll find a way to get you talk to him."

Pansin ko ang paglala ng problema niya. Tsh.
"'Yang mga ganiyan.. mahirap talaga iwasan," nilingon ko si Aleeya na nakatingin sa direksyon ni Lexus na nagbabasa sa tabi ni Markus.

Nagkatinginan kami ni Markus at sabay nag-iwas ng tingin. "Pero hindi mo naman kayang pigilan. Kusa at kukusa 'yan.. and it's up to you if you tell it, or keep it. Knowing you.. surely, you'll choose the latter, 'diba?" tumango naman siya.

"But.. you know? There's nothing wrong if you shoot your shot. Whatever it is, always remeber that i'm always here for you."

Ngumiti siya at niyakap ang braso ko, "I'm so lucky to have you.."

Ngumiti rin ako at napaisip. Ano nga ba ang pumupigil sa'kin na tulungan si Aleeya? Iniisip ko pa lang ang dahilan ko.. ayaw ko na lang isipin.."

"Aleng.."

Nakataas ang kilay nito nang bumaling sa'kin. "Don't call me 'Aleng'!"

"Oh, edi don't!"

"Ano ba 'yon?!"

Huminga ako ng malalim at inirapan siya. "Ikaw! Napaka— argh!" inambahan ko siya nang pabiro. Aalma sana siya pero nagpatuloy na ako.

"Tutulungan na kita sa kaniya."

A (not-so) Cliché Love Story I: FriendsWhere stories live. Discover now