prologue

32 3 5
                                    

"Bakit hindi mo ako pinili? Bakit mo 'ko iniwan? Bakit mo 'ko pinalitan? Minahal lang naman kita.." mangiyak-ngiyak kong saad.

Napatayo ako nang may humampas sa pinto ng C.R.

"Lumabas ka na diyan! Mahigit isang oras ka na, ah? Ano bang ginagawa mo? Susumbong kita kay papa," sigaw ng kuya ko mula sa labas. Napairap ako sa hangin. Anong isang oras? FYI, kakapasok ko pa lang! Ni hindi pa nga ako nangangalahati sa chapter nitong binabasa ko, e. Papansin naman, to!

Agad kong pinatay ang cellphone ko at nagmadaling naghilamos para di halatang umiyak ako. Tinignan ko ang sarili sa salamin, shet ang pangit ko.
Nagkunwari akong nagbuhos sa kubeta dahil wala naman kaming flush.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng C.R. Sinamaan ko ng tingin ang kuya kong papasok sa banyo. Ang sarap ilublob sa inidoro, nag-eemote ako, e! Istorbo.

Umirap akong muli at pumasok sa kwarto habang binabasa ang nobela. Maganda naman 'yong story, medyo cliché nga lang. Ang ganda ng character development nong bida, kasi, hindi siya nagbago para doon sa taong mahal niya. Nagbago siya para sa sarili niya, para maging better siya.

Kung tutuusin, itong buhay na meron ako, napakacliché sa tunay na buhay. Pero.. itong klase ng buhay na never magiging cliché sa fictional stories. I mean, hindi maganda, hindi gaanong matalino, tatamad tamad, tapos hindi pa mabait. Putangina, sumpa e. At walang ganitong bida sa mundo ng mga istorya. Wala..

Huminga ako ng malalim habang nagbabasa. I realize, even those fictional characters have their own flaws, imperfections, insecurities and such. But that doesn't change the fact that they are the main leads. For me, it's not true that we are all main leads of our own stories. Because.. i'm just an extra of my own.

But.. right now? I prove that wrong. I am the main lead of MY own story, I write my own plot. I am the author of my book.

Ito? Ito ang storya na sumasalamin sa katotohanan, ito'y storya na medyo-medyo cliché.

A story of a normal girl, fell inlove, succeeded in life and how did she achieve it despite of her shits in life.

It's a not-so cliché love story of a highschool lovers.

In front of this man, kneeling infront of me, people surrounding us..
even if this kind of proposal is very cliché in so many ways, my answer will always be..

"Yes."

A (not-so) Cliché Love Story I: FriendsWhere stories live. Discover now