Chapter 5

10 1 0
                                    

'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
O ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabao—


"Maaaaaamsh!"

Huminga ako ng malalim para pigilan ang pagsapak sa inggratang 'to! Nag-eemote ako, e!

"Ano ba 'yon, bwisit ka!"

"Luh? Inaano kita?" maang ni Lyn habang hawak ang dibdib.

Inirapan ko na lang siya at niplay ang kanta pero nagsuksok na ako ng earphones. Wala akong tiwala sa mga bwakinangshit na 'to, e.

Malapit na ang sembreak, natapos na ang weekends after ng muntik-muntikang pag amin ni Bambie. Tapos.. 'yong indirect rejection pa..

Hay, putangina.

Gusto kong aluin si Bambie pero siya na mismo nagsabi na gusto niya daw mapag-isa. Dadamayan ko na lang siya pag ready na siya. Si Lexus, binobomba 'yung chat notification ko. Kaya hindi ko binubuksan data nitong cellphone ko, e. Chat nang chat ang pakshet. Si Lex, hindi ko alam pero for some reason.. medyo naging aloof siya. I mean, unlike nong isang linggo na ang ingay ingay ingay niya sa GC, ngayon biglang walang notification akong natanggap. Pinalitan siya nong bwisit niyang kakambal. Then si Aleeya at Markus? Another 'haaaay, putangina'.

Na-warshock ako doon sa nakita ko sa SSG Room! Neng, like, what the fuck?! N-e-ways, wala naman ako sa lugar at walang lakas para maging marites at ipakalat sa constituents out then and there. Dili na lang me mag-talk. Saka.. ang cute din no'n, no? From enemies to lovers? Cliché man pero ang cutie cutie nila. Hay, ewan.

Monday ngayon.. absent si Bambie. Si Aleeya, wala lagi sa timpla every morning, sanayan na lang kami diyan. Si Lex at Lexus na-late, nagkatinginan pa kami ni Lexus nong pumasok siya. Tsh. Panget mo, tungaw. Tapos si Markus, shala, blooming! Omg, ano meron? Bridge ako kay Lexus at Aleeya pero shemay, neng, bigla kong naship 'tong dalawa! Nadali ako sa pa-corner ni Markus. 'Di mo kaya 'yon!

"Na saan si Dela Cruz?" tanong ni— yep, buhay pa siya— sir Santi.

"Absent ata, ser?"

"Late lang yata yon, baliw."

"Kailan ba nalate 'yon?"

Umirap ako bago naglakad sa unahan para ibigay ang excuse letter ni Bambie. Ang bebe kong 'yon, tinatamad. BH amfee.

"May sakit siya, Marveles?

"Oho, sir." sakit sa heart.

"Sino nagbigay sayo nito?"

"Pinabigay ho ng kapitbahay nila, sir, sa kabilang section."

Tumango-tango siya at pinaupo ako. Nakita ko pang kumunot ang noo ni Lex, nagkatinginan ulit kami ng kambal niya. Mukhang iiyak, ampota. Inismiran ko na lang siya at bumalik sa upuan ko.

Ganon ang nangyari buong class period. Walang nag-absent na teacher, sinubukan akong kausapin ni Lexus pero napagalitan kami ng teacher namin kaya tumigil siya. Buti nga. Nong recess, buti pinatawag ako ni ma'am Tin sa faculty, doon lang ako nagpasalamat na inabala ako. Si Aleeya, wala rin pake. Pero.. parang galit ata siya? Anyare?

Uwian na at kasama ko si Chin, may gagawin kami kasi Feature Writer siya tapos ako naman Photo Journalist. Malapit na District School Press Conference kaya kailangan namin mag-train. Dito na kami nag-lunch, libre ni Editor in Chief kaya todo lafang ako. Kailan ba ako humindi sa libre?

Halos alas singko na kami umuwi, alas sais ang uwian ng mga pang-hapon kaya di crowded sa labas. Medyo madilim na ang kalangitan, tila gabi na kahit alas singko pa lang. Ang aga naman mag-set ng araw?
Nanlaki ang mata ko nang makita si Markus at Lexus sa labas, tinignan ko si Chin na nakangising-aso. Nag peace sign pa ang gaga.

A (not-so) Cliché Love Story I: FriendsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ