Chapter 1

22 2 5
                                    

"Hoy, late ka na naman!" sigaw ni Kryzel sa'kin.

"Oo, alam ko. Halata naman 'di ba?" inis kong sabat sa kaniya. Parang tanga, obvious naman, isisigaw pa. Tusukin ko lalamunan mo, e. Inirapan lang ako ng inggrata at nilagpasan.

"Very well, Marveles. Buti pumasok ka pa?" bungad ni sir Santi Dope pagpasok ko. Charot. Si sir Santino pala hehe.

Bro.. hehe charot ulit.

"Five minutes lang, sir, eh." katwiran ko.

"Kahit na! Umupo ka na nga doon, may quiz tayo!"

Ngumiwi lang ako at umupo na sa dulo. Makapag-react, minsan lang naman ako ma late. Thrice a week lang hehe.

Tumingin si Bambie sa akin at inabot ang librong hinihiram ko.

"Marveles, may transferee.." bulong ni Chin sa'kin.

"Oh? Gagawin?"

Umirap naman siya at akmang hahampasin ako, pinandilatan ko siya na ikinatigil niya. 'Yan.. matakot ka.

"Kamukha ni Zara 'yong isa, gagsti. Ang pogi nila," bulong ni Leng at bahagya pang humarap sa 'kin. "'di ba, crush mo 'yon?"

Sinamaan ko siya ng tingin at inambahan. "Bobo ka, ikaw 'yung may gusto do'n, di ba? Ba't ka mandadamay?" sinapok ko ito na ikina-inda niya.

Napatingin tuloy si sir sa'min. Trip talaga ako nitong matanda na'to. Tsk

"Marveles, nakikinig ka ba? Sagutin mo nga 'tong number 1. With complete solution."

Oh, kita mo na? May galit talaga, ampotek. 'Ta mo, oh? Bubulong-bulong akong pumunta sa unahan. Itong teacher na 'to, boset. Hays..

Umirap na lang ako nang matapos akong sumagot.. WITH COMPLETE SOLUTION!

"Paano mo nasagutan 'yan, e, hindi pa naman nadi discuss?" tanong ni Aleeya—ang campus crush (yak)— habang nakakunot ang noo. Duh? Brainy things. Char.

Hilaw akong ngumisi, pero sa loob ko, gusto ko nang sumigaw at magsabi ng masasamang words. 'Ta mo 'tong teacher na 'to, magpapasagot tapos di pa pala nadi discuss. TANGINA!

"Marveles?" tawag pansin ni sir Santi. 'Wag mo kong kausapin, sir. Napipikon ako sa'yo.

"Advance reading ho," ngiwing sagot ko na lang.

"Very well, then.. would you mind explaining us how did you get the answer?"

"Sir?!"

"Explain.." ngiting-ngiting sabi nito.

Iba talaga pag menopausal na, e, noh? Wowerz. Hindi niya pa nga nadidiscuss, e! Edi sana ako na lang nag siya.

Wala naman akong magawa, in-explain ko na lang sa kaniya 'yon.

"Therefore, the equivalent of X is negative five."

Kay aga-aga.. TANGINANG MATHEMATICS!

Matapos no'n ay tumahimik na siya (salamat naman). Second subject na at walang teacher, free time kaya ang gulo nong klase.

"Hoy, president! Tignan mo 'to, oh? Nagsusugal!" sumbong ni Joanalene habang tumatawa.

"Ang ingay, di ako makapag-focus." reklamo ng katabi ko, si Bambie. Tinitigan ko ang nerd na 'to, lakas maka-wattpad character ng dating nito, e. Manang manamit, hindi nag-aayos at nakasalamin. Shala, Betty La Fea! Emz. Ang ganda naman talaga niya, actually. Hindi lang mahilig mag-ayos. Tsk!

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng The Peculiar's Tale by AnakniRizal. Ang ganda nito, e. Astig.

"Hoy, makinig naman kayo, oh? President, magsaway ka naman!" dramatic na sigaw ni Jollibee— i mean, Roberto aka Ruby. Putanginang 'yan. Sa lahat ng beki, siya lang 'yong hindi ko gusto, e. Kinarir kasi ang kaartehan, di naman akma. Feeling sossy, e tig-50 pesos lang naman liptint niya

A (not-so) Cliché Love Story I: FriendsWhere stories live. Discover now