Wren:
Bida bida ka wag na nga mamaya na tayo gumala

Saisha:
Y? Where r u?

---•---
Saisha
8:17 AM

Wren:
Saish shuta wag ka makulit

Mamaya na tayo

Wala ako sa bahay ngayon

Saisha:
Asan ka nanaman?

Ang aga-aga wala ka sa inyo

Wren:
Dito ako nakitulog kay gian

Saisha:
WHAT THE HELL?!

Wren:
Hoy wag kang epal

Sinamahan ko lang since di na ako makauwi kagabi

Magkahiwalay kami natulog bobo ka alam ko madumi utak mo

Saisha:
Bakit kasi andiyan ka sa condo?!!!

Wren:
Sadboi kagabi

Nag-inom ulit

Saisha:
Oh ba't hindi ka pa umuuwi ngayon?

Go home wren

Wren:
I can'tt

Dito na ako mag-almusal

Nagluto ako

Saisha:
Sinong niloko mo hindi ka marunong magluto

Wren:
Pancake nga lang

Sigurado sakit ulo nito paggising

Saisha:
Oh ba't pancake niluto mo

Sabaw kailangan niyan tanga

Wren:
Nagpadeliver akong mami

Pota pag ako nagluto baka sabay kaming malason at paglamayan

Kape kape na lang siya maya

Saisha:
Kinareer mo talaga pag-aalaga diyan ha

Nanay duties

Wren:
Ang tawag dito

Acts of a concern citizen

Saisha:
Ay kelan ka pa nahilig sa charity works?

Ang bata-bata mong naging ina

Wren:
Kesa iwan ko to kagabi

Wala na rin ako masasakyan

No choice

Saisha:
May choice ka ayaw mo lang

Ano yon nagcamping ka diyan hanggang umaga

Wren:
Tanga nito

Tayo nga nagssleep over naman sa bahay nila caleb e

Saisha:
Ewan ko sayo wren

Jowain mo yan para masaktan ka ha

Wren:
Advance nito

Gaga sinisigurado ko sayo i treat him the way i treat migs and caleb

Ang nangyayari lang e these past few weeks eto nag-aaya sakin lumabas- di pala aya namimilit

Sanay na akong may mga close friends na guy

Alam mo yan

Saisha:
I know naman gaga

Pero iba pa rin yung nag-iingat ha

Hindi naman ako against kung sasaya ka sa kaniya at magugustuhan mo nga pero habang wala pa

Habang maaga

Kung wala ka pang nararamdaman mas okay na pigilan na, para di dumating sa point alam mo na

You know his situation naman

Tutal isang buwan pa lang kayo magkakilala

Nagsasabi lang ako ng possibilities

Wren:
Yezz nay

I know i know

Wag ka mag-alala para lang akong takas mental pero strong talaga pag-iisip ko

Tingin ko rin matagal pa bago ako pumasok sa paganyan ganyan

I don't think I'd feel that any sooner

Saisha:
Ay ano yang peg mo ang babaeng walang pakiramdam?

Pafall lang ganern

Wren:
Hoy anong pafall

Fake news yan ha

Saisha:
May binasted ka pa lang na archi last month

O diba kaibigan mo rin yon dati

Buti nga si caleb matibay e

Wren:
Eh sa hindi ako ready

Pano mo ba malalaman yon di ko feel, kilig kilig lang

About caleb naman friends na lang talaga turing non sakin I swear

Tigilan niyo kakaasar don jusko grade 10 pa yon

Osige na see u later, kailangan ko na kumilos gising na ang kamahalan

Cupid's ChokeholdTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang