CCH #57

1.7K 45 32
                                    

"Good afternoon po." His mom smiled at me maikli lang, sa tabi niya is tita ata ni Gian. Busy sila sa pag-eentertain ng mga dumadating na kamag-anak.

I swear my legs are shaking, kabadong kabado ako ngayon pati yung hawak kong cake nasheshake.

"Oh isama mo na yang kasama mo sa loob Gi. Gild kunin mo nga sa kasama ni kuya mo yung hawak niya baka nangangawit na."

Yun yung sabi ng mama niya bago inutusan yung kapatid ni Gian na kunin sakin yung bitbit kong cake. Nasa gilid ko si Gian na busy rin sa pagbati sa mga kamag-anak niya.

Lumapit sakin yung kapatid ni Gian I guess nasa grade 10 or 9 pa lang, kumpara sa magaan na aura ni Gian itong kapatid niya ay mukhang maamo yung mata pero over all parang walang pakialam sa paligid, mukhang masingit.

I've never been this intimidated by a child my entire life. Nginitian ko siya ng kaunti, tinignan lang niya ako saka mabilis na sinunod ang mama niya sa pagkuha ng cake na nasa kamay ko.

I guess he's not really that friendly?

Nakatayo kami don at inaya ako ni Gian papasok sa loob ng bahay nila kung saan konti lang yung tao, sa garden sa harap kasi nakaset up yung mga tables.

Kasabay sa pagpasok namin yung tita and mom niya. Nagkaron ako ng pagkakataon na masdan yung mama niya, mukhang nasa 30 pa lang kahit na 40 plus na siya. Mas kamukha ng mama niya si Gild, si Gi siguro mana sa papa niya.

Mula sa lamesa umupo ako sa gilid. Tanginang yan nakakakaba. May iilan sa mga pinsan niya na natingin sakin pag dumadaan pero di naman lumalapit. Kita ko yung mga pagkain sa lamesa na hinahain ng mama ni gi sa harap namin.

"Eto o kain na kayo." napalingon ako sa pinsan niya na lumapit samin para tignan yung mga hinain sa harap namin, may hawak siyang graham cake, tiramisu ba yon?

Akala yata ng tita ni gi gusto ko non kasi nakita akong nakatingin don.

"Ay pasensya na, gusto mo bang graham? Naubos kasi ng matakaw na ito a." Sabi niya't kinurot ng marahan yung pinsan ni gi na anak niya pala.

Ngumiti lang ako.

"Ma, si Wren po." Pakilala sakin kinawayan niya ako bago at sinabihang kumain saka naging busy n rin siya ulit.

"You good?"

Tanging tango lang ang nasabi ko kay Gian, ilang sandali lang binalita sa kaniya na dumating yung mga pinsan niya galing daw ng Canada, sakto daw na birthday ni Gian sila na nasa Pilipinas kaya kahit na hindi ako masyadong komportable ay sinabihan ko siyang salubungin yung mga pinsan niya.

Kanina pa kasi siya sa tabi ko hindi na niya nakausap mga tito at pinsan niya.

Naiwan ako sa loob habang kumakain, minsan nadadaan mama at tita niya pag may kukunin.

Hanggang sa biglang umingay sa labas may bagong dating, saktong ilang hakbang ang layo sakin ng mama ni Gian at tita niya na malapit sa pinto. Maging sila ay napatingin don sa labas. Biglang parang nagliwanag ang mga mukha nila at parehong napangiti.

Medyo nagulat ako sa naglakad papalapit para magbless sa mama at tita ni Gian.

"Kim anak! Buti dumating ka? Nagtatampo na sana ako ilang taon ka di pumunta." Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng mama ni gian, yung tita naman niya ay tuwang-tuwa din, lumapit sa ref at may inilabas na tupperware.

"Ay teka sandali eto pinagtabi kita ng graham, favorite mo to alam ko. Saka alam kong darating ka. Nako kaganda ganda lalo."

"Tita! Namiss ko po kayo. Hala andami po nito sobra hindi ko mauubos." Natutuwang sabi niya at tinanggap yung tupperware na may lamang graham.

Pagkarinig ng pinsan ni Gian sa boses ni ate Kim bigla siyang napatayo, malapit kaso siya sakin at di agad napansin ang pagdating ni ate Kim.

"Ate kim? Andiyan si ate? Maaaa." Excited na sabi nito bago umalis.

"Nako tama talaga nakasalubong kita sa grocery at naaya kita ngayon." Sabi ng mama niya.

I just sat there watching the whole scene.
Aminin ko man sa sarili ko, medyo mabigat kasi sa pakiramdam.

Medyo naiilang ako at baka makagulo sa eksena nila kaya bago pa dumugin si Ate Kim ng iba pang pinsan ni Gian napaparating hindi ko na inubos yung kinakain ko at walang sabi na dumaan doon sa pinto sa likod para umalis. Naabutan ko doon yung lumang garden ata nila, tapos bubungad agad sayo yung kalsada, highway.

"Oh? May naligaw na maganda dito? Anak bakit andito ka nasaan si Gi?"

Nagulat din ako na nakasalubong ko yung papa ni gian. Pinakilala niya ako kanina at ang cute nila mag-usap, astig yung papa niya.

"Nako dumating daw po yung pinsan niya na galing Canada. Pinaalis ko muna po sakin buntot ng buntot e." Masiglang sabi ko na tinawanan naman ng papa niya.

"Wag kang masyadong magstay diyan at mausok kapag may nadaang truck. Sabihin mo samin ni Gian kung may kailangan ka nak ha?"

"Opo."

Nakangiti niya akong tinignan habang sumaludo ako sa kaniya.

"Galing talaga pumili ng anak ko mana sakin. Pano pasok muna ako nak?"

"Sige po, salamat tito."

Naiwan ako doon at umupo sa sulok.

I heaved a sigh. I never thought socializing like this would tire me. Did I socialize at all?

Hindi naman ako ganito non, well saming apat nila Saisha ako madalas yung nakakahakot ng kung sino-sino para kausapin. I was an extrovert, was. Pwede bang maging introvwrt yung extrovert? O dati pa talaga akong introvert akala ko lang extrovert ako?

Or hindi lang talaga comfortable sakin yung mga tao dito?

I'm a bit hurt tho. Hindi lang dahil sa graham na pinagkait sakin ng slight, but with the way how they treat me, I can't blame them tho, bago labg naman nila ako nakita.

Maayos din naman pakikitungo nila sakin well except dun sa isang pinsan ni Gian na inirapan talaga ako. His mom, although tinanggap niya naman ako sa loob ng bahay at nginingitian, I can see indifference through her eyes.

I can say they don't hate me but I can also see that they don't like me. Kitang-kita ko kanina nung nakita nilang ako ang kasama ni Gian na pumasok sa gate yung pagkagulat nila. Maybe they expected na si ate kim yung kasama niya.

Well at least yung papa ni Gian approachable?

With these thoughts running in my mind I know it'll led to overthinking and hurting myself.

Habang nakatitig sa dumadaang mga sasakyan napagdesisyonan ko na lang din na lumabas na ng gate.

Rinig ko pang may tumatawag yata sa pangalan ko sa loob pero nagmadali na akong lumabas don.

Cupid's ChokeholdWhere stories live. Discover now