Nakita kong nanunuod lang noon si Noel at sa inis ko dahil nanunuod lang siya ay nasigawan ko na siya. Pero mali pala ang ginawa ko. Nalaman namin ni Jestoni mula kay Ryan na ayaw ni Noel ng away at ng dugo sa totoong buhay. Umamin din siya na nakalimutan niyang takot doon si Noel.

"Alam mo naman pala bakit nakipag-away ka pa?! Lumayo ka na sa kapatid ko! Masasaktan lang siya sa'yo!" sigaw ko at inalalayan ko si Jestoni sa loob ng canteen. Mas napinsala kasi ito sa naganap na suntukan.

Nawala sa isip ko habulin si Noel. Magiging okay lang naman siguro siya, hindi naman siya 'yong nabugbog. Isa pa mararamdaman ko kung may masamang mangyayari sa kaniya, may nag-uugnay kasi sa amin na higit pa sa pagiging simpleng magkapatid.

Gayon pa man, pakiramdam ko may mangyayaring masama sa kapatid ko ngayong araw kaya iniisip kong magingat na lang sa lahat ng pagkakataon at bantayan siya sa abot ng makakaya ko.

Bumalik siya sa silid aralan na parang nahypnotize ni sir Matt at natigil lang siya ng lampasan siya nito.

May ginawa kayang masama yung si sir kay Noel kaya ganoon siya umasta? Hindi ko talaga siya pinagkakatiwalaan dahil pakiramdam ko may mangyayari pa. Noong PE na namin, naihi talaga ako pero noong nasa loob pa kami ng gym para sa basketball kinausap ako ni Jestoni.

"Salamat talaga Nathan. Malaki ang utang na loob ko sa'yo paki-kumbinsi naman yung mga girls mamaya na palibutan si Mr. McGeorge para mapalitan mo siya ng damit na ito. Tingin ko kasi sweet kapag naka couple T-shirt." Man, saan bang sweet island napunta itong lalaking ito at abot langit ang kasweetan sa katawan.

Boto na ako sa kaniya para kay Noel. Mukha namang magiging masaya ang kapatid ko kapag itong mokong na ito ang mapapangasawa niya. Pwede naman ang magkaroon ng asawa sa Scotland at hindi naman siguro tatanggi si papa kapag nagmahalan yung dalawa. Pops loves us kaya hindi niya kami matatanggihan.

Noong nasa field na kami ay nagawa naman namin ng maayos. Ang katangahan lang sa lahat ng ito ay dumating si Ryan. Nakatingin siya kay Noel ng lapitan ito ni Jestoni kaya bago pa man siya makapageskandalo nilapitan ko na siya.

"Huwag kang lalapit!" banta ko sa kaniya.

"Totoo ba yan? Imposibleng magustuhan din siya ni Honey. Imposible yun dahil.." agad kong kinontra ang sinabi niya.

"Dahil ano? Dahil tingin mo ikaw ang gusto niya? Nagkakamali ka. Isang kakilala ka lang sa kaniya kaya huwag ka ng umasa! Tigilan mo na ang kapatid ko!" bahagya ko siyang itinulak pero nagpumilit pa rin siyang lapitan yung dalawa.

Kaya nauwi kami sa larong patintero.

"YES!!!" pareho kaming natigilan doon.

Kita ko ang ngiti sa mukha ni Jestoni. Pumayag na ang kapatid ko na ligawan siya ni Jestoni pero bakit parang hindi ako masaya para sa kanila. Hindi rin nakangiti si Noel sa pangyayaring ito. Ito ba ang nararamdaman kong masama kanina?

"Tama ka nga. Mukhang hindi ako ang gusto niya." Malungkot na sabi ng katabi ko at lumakad siya palayo.

Sorry Ryan. Kung ako na lang ang mamahalin mo, baka pupwede ka pang sumaya. Ipapadama ko sa'yo ang tunay na pagmamahal.

Dahil sinundan ko ng tingin si Ryan hindi ko na napansin ang pagkawala nina Noel sa field. Bigla din akong kinabahan kaya agad kong tinawagan si papa. Alam kong marami siyang camera sa buong school at may mga nagagawa ang pera niya para lang mahanap ang mga taong gusto niyang ipahanap. At sa pagkakataong ito si Noel ang nawawala at kailangang hanapin.

Higit pa sa importante si Noel para sa pamilya namin. Hindi lang niya alam kung gaano siya kaimportante sa amin.

Agad akong umuwi ng bahay pagkatapos noon. Nakita ko si mama na naghuhugas ng pinggan.

"Oh, Nathan welcome back." Bati niya sa akin ng bahagya siyang mapasulyap. "Nasaan ang kapatid mo?" Tanong pa niya.

"Ah eh.. may ginagawa pa po pero uuwi na rin po yun. Si papa po ang kasama niya." Sabi ko na lang at nagdasal na sana makita nga siya ni papa.

"Naku yang papa mo. Malaman ko lang na kumain yan ng kung anu-anong ikasasama ng tyan niya mababatukan ko talaga siya." Natawa ako sa sinabi ni mama.

Para kasi silang mga aso't-pusa ni papa kapag wala kami. May CCTV ako sa buong bahay na kahit si papa hindi madaling makikita. Ganito din ako magprotekta. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mga taong mahal ko at mahalaga sa akin.

Pero bakit ko hinayaang lapitan ng lalaking nagbigay ng CD ng kahirapan ang kapatid ko? Ganoon na ba ako katanga sa pag-ibig para lang ipagpalit ang kapatid ko sa simpleng mga salita?

Hindi. Hindi ako ganoon. Siguro naawa lang ako kay Jestoni. Oo. Ganoon nga. Siguro nga... naawa lang ako.

Matapos ng isang oas din sigurong paghihintay namin kina papa ay nakauwi na rin sila.

Sinabi niya sa akin ang nangyari at pinakiusapan niya akong huwag ng ilalgay sa panganib ang kapatid ko. Wala na rin naman akong balak gawin yun dahil sa prinotektahan din ako ni papa kay Noel para hindi masira ang relasyon ko dito. Gagawin ko ang gusto ni papa hindi dahil sabi niyang gawin ko iyon kundi dahil...

... mahal ko ang kapatid ko.

Hindi ko hahayaang mangyari sa kaniya ang nangyari sa akin noon.

'ܘX 

Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)Where stories live. Discover now