Chapter 17: Impetuous

Start from the beginning
                                    

"T-tomodachi?" balik na tanong ko.

"Friend in english," nakangiting sagot nito.

"Ahmm... Okey lang rin," nahihiyang sang-ayon ko. Mukhang hindi naman ito masama at magaan naman ang feeling ko rito kaya bakit hindi pwede. Mas maganda nga at nadagdagan pa ang mga kaibigan ko.

"Yehey!" parang batang pumalakpak pa ito. "Starting today you will call me Akari-chan, okey."

"O-okey."

"Tapos ka na? We're going home," seryosong singit ng Primo.

"Hanggang ngayon napaka-selfish mo parin," pagmamaktol nito. "Itai! Oniisan!" reklamo nito sa kuya nito dahil sa pananapak nito sa ulo. Pero alam kong hindi naman yun masakit.

"Sige bro, ako nang bahala rito sa kapatid ko at pagsasabihan ko," sabi nito sa Primo. "Bye Krishna, see you when I see you," paalam nito sa akin. Tipid lang akong ngumiti.

"Ittekimasu Krishna-chan," malungkot na paalam naman ni Akari at yayakapin pa sana ako ulit pero hinila na ako sa kamay ng Primo. "Riko teki na kouno!" sigaw nito na hindi ko naman maintindihan dahil nga sa japanese. Pansin ko rin na hind yata takot ang dalawa sa Primo.

Nasa daan na kami pauwi pero ang isip ko ay naglalakbay parin sa nangyari kani-kanina lang. May parte ng isip ko ang naniniwala na napagkamalan lang ako ni Akari kanina, pero may rin parte na hindi. Na para bang may itinatago ang mga ito sa akin, pero imposible naman yun dahil sino naman ako para pagtaguan nila ng sikreto. Napapiksi pa ako ng may humaplos sa pisngi ko na nagpagising sa akin sa mula malalim na pag-iisip.

Lumingon ako at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa tuwing nagpapakita ng emosyon sa akin ang Primo. Pinagtagpo nito ang mga noo namin at nagtitigan sa isa't-isa. "I'm sorry sa nangyari kanina. Masyado lang talagang makulit ang babaeng yun."

"O-okey lang. Mukhang mabait naman si Akari," naiilang na saad ko. "Ahmm... Magkapareho rin ba kami ng pangalan nung bestfriend ni Akari?" tanong ko bigla rito. Pumikit ito ng mariin at hinalikan ang noo ko.

"I know your confuse of what happened. Just wha I said, I will explain it to you at the right time." Ipinatong nito ang ulo ko sa balikat nito. "Sleep. Malayo-layo pa ang byahe natin."

May dapat ba talaga ako malaman? At kailan naman yung right time?

Hindi ko na alam ang gagawin sa mga dumadaming katanungan sa isip ko. Kung pwede ko lang sana maka-usap ang papa ko baka maliwanagan ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Baka alam niya ang mga sagot sa katanungan ko, sa mga bagay na hindi ko alam. Pero ang tanong kung papa-ano ko makokontak ang papa ko eh bawal ang gumamit ng telepono na walang pahintulot. Kung magpaalam kaya ako rito, papayagan kaya niya ako.

Nakatulugan ko na ang pag-iisip sa mga ito. Nagising na lang ako na nasa isang malaking kama na ako. Napabalikwas pa ako ng mapagtanto na hindi pamilyar sa akin ang buong silid. Hindi ito silid ng Primo at lalong-lalo na hindi ito silid ko sa mansyon. Napaka-modern ng interior ng buong silid. It is a masculine room but with a feminine touch. Bukod kasi sa kulay ng ding-ding nito na black and white, may nakakabit na mga sunflowers painting rito. Sa kurtina, kumot, bedsheet, unan at carpet ay alam kong babae ang pumili. Ano pa ang saysay ng pagiging interior designer ko kung hindi ko ito alam.

Ang nakapagtataka pa ay pamilyar ang pagkakadesinyo at pagkaka-ayos ng silid na parang nadesinyo ko na ito dati. Tumayo ako at pumunta sa nasisigurado kong bintana na natatabunan ng itim na kurtina. Hinawi ko ito para mapanganga lang. All I can see are tall buildings in a broad day ligth. Buong bintana ay gawa sa salamin kaya kitang-kita ko ang nasa baba. And for goodness sake, I'm in the highest floor of a building. "Where the hell I am?"

Mabilis kong tinungo ang pintuan para lumabas. Napakalaking sala ang bumulaga sa akin. Even in here, the resemblance of my designing style are so uncanny. Ang layo ng dating nito sa mansyon. This house or maybe condo is full of life which the exact opposite of the dark mansion. Maaliwas itong tingnan at very homey kahit na nga ba mamahalin ang mga kagamitan. May narinig akong ingay na nagmumula sa kusina. Lumakad ako roon para lang matigilan.

Paano ko alam na galing yun sa kusina at bakit alam ko rin ang patungo roon eh ngayon pa ako nakarating rito.

Ipinilig ko na lang ang aking ulo at nagpatuloy sa paglalakad. Baka may napuntahan lang akong bahay na ganito rin ang pagkakagawa kaya pamilyar sa akin. Sumilip ako sa nakaawang na pintuan. Then I saw him. Naked from waist to top, his sexy back is in front of me and his wearing only his jeans. Kita ko rin ang garter ng underwear nito na may nakatatak na Calvin Klein. And the funny thing is, he is wearing a pink apron while cutting something. Kita ko sa mga galaw at pag-igting ng mga muscles nito na nahihirapan itong maghiwa ng kung ano.

"Are your sure you want to cook?" biglang tanong ko rito.

"Damn!" gulat na mura nito. Mukhang nagulat ko yata ito.

"I'm sorry. Mukhang nagulat ko po kayo." Lumingon ito at namumutlang humarap sa akin. Napakunot ang noo ko at ng magbaba ang tingin ko ay nakita ko ang daliri nitong dumudugo. "Gosh!"

Dali-dali akong lumapit rito. Kaya pala namumutla ito dahil nakakita ng dugo. Naikwento kasi sa akin ni Nate na may takot raw ito sa dugo kaya namumutla pag nakakakita. Nasugatan siguro nito ang sarili sa pagkabigla. Kinuha ko ang daliri nito at itinapat sa dutsa para mawala ang dugo. Maliit lang naman ang sugat pero ng ialis ko ito sa tubig ay nagsimula na namang umagos ng konti ang dugo.

Kaya ginawa ko ang kadalasang ginagawa ko kapag nasugatan ako ng kutsilyo sa daliri. I just put his finger in my mouth and sip it gently. May study kasi na madali raw magpahilom ng kaunting sugat ang laway. Narinig ko ang pag-singhap nito kaya napatingin ako rito. His eyes are already burning with passion and desire and I know my eyes shows the same. "Lick it," utos nito.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa isip ko na sumunod rito. I gently lick his wounded finger with my tongue. Pinaikot nito ang braso sa baywang ko habang tinitingnan ako. Then he bring out his finger from my mouth and licked it with his own tongue. "You really taste sweet," he said in a husky voice.

Napatili ako ng buhatin ako nito at ipatong sa counter top at pagkatapos ay hinalikan ako ng mapusok.

*****

-LG-

03-21-15

The Mafia Lord's PossessionWhere stories live. Discover now