💞Chapter 19💞

3.4K 72 0
                                    

Nagising si Krizzane na nakatali ang kamay at paa niya. May busal rin ang bibig niya. Hindi niya alam kung saang lugar siya naroroon. Ang natatandaan niya lang ay ang lalaking huli niyang nasilayan bago siya mawalan ng malay.

"BOSS!!! Gising na siya!!" sigaw ng isang lalaki at sigurado siyang binabantayan siya nito. Nakarinig siya ng yabag na papalapit na sa kinaroroonan niya.

"Shainnarra Krizzane, ang reyna ni Zeddrick Montefalco. Malas mo lang at naging asawa ka niya. Tsk tsk tsk kawawa ka naman nakapag-asawa ka ng mamatay tao ng hindi mo nalalaman." siguradong ito ang anak ni Gifford na sinasabi ng asawa niya sa kanya. "Hayop ka!! Pakawalan mo ako dito." ngunit tinawanan lamang siya nito.

"Ni Hindi pa nga ako nakakaganti sa asawa mo dahil sa ginawa niyang pagpatay sa ama ko tapos papakawalan na kita. Siguradong mas sasaya ako kung makikita ka niyang nasasaktan at wala man lang siyang pwedeng gawin para maligtas ka." nag-aalala siya para sa asawa niya. Kung hindi lang sana naging matigas ang ulo niya. Hindi mangyayari ang lahat ng iyon. "Mamamatay ka ng Hayop ka!!!" sigaw niya dito. Lumapit naman ito sa kanya at hinawakan ang mukha pagkatapos ay sinampal siya ng napakalakas. Ang sakit non ah.

"Mas Hayop ang asawa mo. Hayop ang pamilya niya. Mabuti na nga lang at namatay na ang mga magulang at kapatid siya at ngayon susunod ka na sa kanila!!!" sigaw nito sa kanya. Pinipilit niyang tanggalin ang pagkakatali sa kanya ngunit hindi niya magawa. Hindi niya kaya masyadong itong mahigpit at wala siyang lakas para tanggalin ang tali nito.

"Wala kang mapapala sa ginagawa mo. Sa tingin mo ba kung gagawin mo ito mabubuhay mo ang tatay mo!!! Hindi!!! Kaya Wala kang mapapala!!!" Sigaw niya rito pero Hindi ito umimik.

"Wala akong pake sa sinasabi mo! Siguro nga wala pero ang makita kong nasasaktan ang asawa mo ay sapat na para sa akin, ang mapatay siya ay sapat na. Hahaha!" sabi nito at naglakad papalayo sa kanya.

"Pakawalan mo ako rito!!!" sigaw niya pero hindi siya nito pinakinggan at tuluyan ng umalis.

"Boss, pwede ba namin galawin ang babae?" sabi ng isa dahilan para kabahan siya. "T*nga pare hindi pwede at tsaka buntis yan, baka mapatay tayo ni boss niyan!"

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon