💞Chapter 18💞

3.3K 71 0
                                    

"Mom hindi ako aalis mananatili ako sa tabi ng asawa ko. No matter what happend. Kakayanin namin ang mga problema ng magkasama." usal ni Krizzane sa mommy niya. Ngayon dapat ang flight nila papuntang Canada pero hindi na siya tutuloy. Kailangan siya ng asawa niya. Lalo na sa mga panahong ito at hindi niya dapat itong iiwan.

"Paano ka makakauwi sa inyo? You want me to call your husband?" pero agad siyang umiling sa mommy niya. Pwede naman kasi siyang magtaxi na lang. Baka makaabala pa siya sa kaniya.

"I'll just use taxi, dont mind me mom kaya ko ang sarili ko." pagkatapos ay ngumiti sa mga magulang niya.

"Krizzane remember your pregnant, what if something happends to you? We're just asurring your safety." kahit kailan talaga ay mahal na mahal siya ng mommy niya.

"Mom, hindi ko hahayaan na mapahamak kami ng baby ko." para mapanatag ang loob ng mga magulang niya.

"Are you sure? Icacancel na lang namin ang flight namin at hindi na kami tutuloy. Kami na lang maghahatid sa iyo sa mansion ng asawa mo." wika naman ng daddy niya.

"No need dad, just enjoy your vacation in Canada." pagkatapos ay niyakap niya ang mommy at daddy niya...

Natagpuan niya na lang ang sarili niya na nag-aabang ng taxi sa labas ng airport. Nakaalis na rin ang sinasakyang eroplano ng mga magulang niya.

Agad siyang pumasok sa taxi na tumigil sa harapan niya. Kailangan niya ng makita si Zeddrick. Miss na miss niya na ang asawa niya.

Habang nasa loob siya ng taxi hindi siya mapakali. Hindi mapalagay ang loob niya. Gusto niya ng bumaba sa taxing sinasakyan, parang may mangyayaring masama. Dahil Kinakabahan siya dahil sa driver nito. Sana nga ay tinawagan niya na lang si Zeddrick at nagpasundo dito.

Bigla siyang nakaamoy ng kung ano at nahilo siya dahil dito. Bago niya ipikit ang mga mata. Nakita niya ang isang lalaki.

"Tignan ko na lang kung ano ang mararamdaman ng asawa mo kapag nalaman niyang nasa sa akin ang babaeng pinakamamahal niya." huli niyang narinig bago niya ipinikit ang mga mata.

Si Zeddrick lang ang nasa isip niya sa oras na iyon. Ang kanyang sarili... ang magiging anak nila... at ang kaligtasan niya... sigurado siyang ang lalaking iyon ang kalaban ng asawa niya.

--------------------

"Zeddrick will you please stop walking nahihilo ako niyan sa iyo eh, bakit hindi mo tawagan si Krizzane o di kaya ang parents niya para malaman mo kung nakaalis na sila o kung ligtas ba sila." sinamaan niya naman tingin si Scarlett. Hindi ito nakakatulong. Nag-aalala siya para sa asawa niya sa kaligtasan nila.

"Bro, calm down okay lang ang asawa mo." pag papagaan na sabi naman ng kaibigan niyang si Richard. Alam niya na kung sino ang kalaban niya. It was Alexander Gifford, ang nag-iisang anak ng matandang pinatay niya noon na dahilan kung bakit namatay rin ang mga magulang niya. Marami ang nagsasabi na baliw ang lalaking iyon. Sinabi niya na sa may awtoridad ang tungkol sa lalaking iyon pero hindi nila mahanap. Kaunti na lang din ang mga tauhan nito. Malapit ng maayos ang lahat.  At kapag maayos na ang lahat magiging payapa at tahimik na ang buhay nilang mag asawa kasama ang magiging anak nila.

Ngayon Nasa loob sila ng kusina kasama niya sina Scarlett at Richard. At Kanina pa siya naiinis sa dalawang iti dahil walang ginawa ang dalawang kasama niya kung hindi ang magtalo. Naaartehan siguro si Richard sa pinsan niya.

"Sir Zeddrick nasa salas po ang mga magulang ng asawa niyo." sabi sa kanya ng isang katulong. Biglang nawala ang pangamba niya dahil baka kasama ng mga ito ang asawa niya.

"I told you she's safe at hindi na siya aalis. Omygosh! I miss her, where's Krizzane?" excited na tanong ni Scarlett.

"Can you just shut up, si Zeddrick ang asawa dito at hindi ikaw." inirapan lang ng pinsan niya si Richard.

"Pero hindi po nila kasama si Ma'am Krizzane." dahil sa sinabi ng katulong dali dali siyang nagpunta sa kinarorooonan ng mga ito.

"Hijo, asan ang anak namin? Nakauwi na ba siya rito? Tinatawagan namin siya pero hindi sumasagot eh. Hindi na rin namin tinuloy ang flight dahil pakiramdam kasi namin ay may masamang mangyayari." agad siyang kinabahan dahil sa sinabi ng nanay ng asawa niya.

"Ahm tita I'm Zeddrick's cousin and also I'm Krizzane's friend. Atsaka wala po dito ang anak niyo, ang alam po namin ay kasama niyo siya." sabi ng pinsan niyang si Scarlett sa mga magulang ng asawa niya.

"Asan ang anak namin? Ang sabi niya ay pupuntahan ka niya. Ni hindi nga niya itinuloy ang pag-alis dahil hindi ka niya kayang iwan. God, where's my daughter?" nag-aalalang tanong ng mommy ni Krizzane sa kanya.

"Calm down hon, ok lang ang anak natin." inalo ng daddy ni Krizzane ang asawa nito. Asan nga ba ang asawa niya?

Bigla namang may tumawag sa cellphone ni Zeddrick. At number iyon ng asawa niya. Kaya mabilis niyang sinagot.

"Is that my daughter?"

"Si Krizzane na ba yan, Couz?"

"Dude is that your wife?"

Sunod sunod na tanong ng mga nasa paligid niya.

"Hello wife, Where are you? We're all worried here about you." pagkausap niya.

"Kawawa ka naman Zeddrick Montefalco, hawak ko ngayon ang pinakamamahal mong asawa. Ang ganda niya pala, ang ganda din ng pangalan niya, Shainnarra Krizzane ang pangalan niya hindi ba? Hahaha, sayang at mamamatay lang din siya katulad ng kapatid at ng magulang mo." hindi hawak ng asawa niya ang cellphone nito. Sigurado siya na si Gifford ito.

"Fuck off Gifford! Huwag na huwag mong gagalawin ang asawa ko. I wont hesitate to kill you just like what I do to your father." tawa lang ang isinagot nito sa kanya.

"Ay magkakaanak na nga pala kayo, sayang naman at hindi niya masisilayan ang mundo hahaha, mamamatay silang dalawa dahil sayo." sabi ng anak ni Gifford sa kanya.

"Huwag mo silang idadamay! Huwag mong idadamay ang mag-ina ko." sigaw niya rito. Kaya napatingin sa kanya sina Richard, Scarlett, at ang magulang ng asawa niya.

"Gusto mong maligtas siya? Pwes kunin mo siya sa akin. Harapin mo ako. Para makabawi naman ako sa ginawa mong pagpatay sa tatay ko. Sinasabi ko sa iyo ikaw lang ang pupunta at huwag kang magsasama ng iba kung hindi babye sa mag-iina mo." at pinatay na nito ang tawag.

"What happened? Anong nangyari sa anak ko? Is my daughter alright? Where's Krizzane?" sobra ang pag-aalalang tanong ng nanay ng asawa niya sa kanya.

"Gifford got her." sapat na ang boses niya para marinig iyon ng lahat.

"Dude what?? But how?? Paano niya nakuha ang asawa mo?" tanong sa kanya ni Richard.

"Who's Gifford?" nagtatakang tanong ng pinsan niyang si Scarlett.

"Hes Zeddrick's enemy." si Richard na ang sumagot sa pinsan niya.

"Omyghod, anong gagawin niya sa anak namin?" naiiyak na tanong ng nanay ng asawa niya kaya agad itong niyakap ng asawa niya.

"Richard I need your help, kailangan natin iligtas ang asawa ko mula sa baliw na iyon." sabi niya kay Richard.

"Always dude." sabi nito sa kanya.

"Ililigtas ko po ang anak niyo sisiguraduhin ko pong hindi siya mapapahamak o masasakatan kahit kapalit pa po nun ang buhay ko." sabi ni Zeddrick sa magulang ng asawa niya.

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now