💞Chapter 14💞

3.9K 76 0
                                    

Nagulat si Zeddrick ng biglang may pumasok sa opisina niya. Hindi niya alam na darating ito. Mukhang tama siya na hinahanap na nga nito ang pinsan niya. Well its been a long time simula nung makita niya si Richard.

"Richard what are you doing in my office?! At kailan ka pa nakauwi sa Pinas!" ganun kasi ang batian nila ng Hello at Hi.

"I want to see my best friend at gusto kong makita ang brat mong pinsan! Where's Scarlett by the way?" balik nito sa kanya.

"You're interested in my cousin ha?" pang-aasar niya rito. Hindi naman siya nito sinagot. Alam niyang iba ang pinunta ni Richard dito. Hindi ito uuwi ng Pinas para puntahan lang ang pinsan niyang si Scarlett. Marami rin kasi itong inaasikaso sa States.

"You know dude. I came here dahil may kailangan kang malaman." seryoso nitong sabi sa kanya.

"What is it? Ganun ba yun kaimportante para umuwi ka pa ng Pinas para lang kausapin ako." sagot niya rito. Seryoso ang mukha nito well lagi naman pero he smells something. Mukhang may masama itong balita sa kanya.

"Dude you have to protect your wife specially she's pregnant. Baka maulit na naman ang nangyari noon." hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Richard.

"Why???" tanong niya dito. Pero hindi agad ito umimik.

"Huwag mong sabihin na nakalimutan mong nakapatay ka noon dahil sa sobrang galit mo dahil sa pagkamatay ng magulang at kapatid mo! You killed him that old man. Pinatay mo siya dahil pinapatay niya ang mga magulang mo at pinarape ang kapatid mo!" galit pero nag-alalang sabi sa kanya ni Richard. That old man the cause of her family's death, siyempre hindi niya makakalimutan iyon. It would be a forever memory.

"Ginawa ko lang iyon para sa kanila, alam kong hindi siya makukulong at makakalaya siya so I killed him. I killed that fucking old man. Bakit ba ang pamilya ko ang sinisisi niya sa pagbagsak ng negosyo niya!" sigaw niya kay Richard.

"Dahil ang daddy mo ang dahilan ng pagbagsak ng negosyo nila!" balik naman ni Richard sa kanya.

"He deserves to die! Siya ang dahilan kung bakit nawala ang pamilya ko sa akin! For his f*cking reason!" asik niya dito.

"At siya rin ang magiging dahilan para mawala sa iyo ang asawa at ang anak mo." nag-aalalang sabi sa kanya ni Richard. No hindi pwedeng mawala sa kanya si Krizzane at ang anak nila. He will not let that happened! Si Krizzane ang buhay niya, at hindi niya kakayanin pag nawala ito sa kanya. And If someone hurts his wife hindi niya na alam ang magagawa niya.

"What the f*ck are you talking about?" tanong niya rito. Pero hindi agad ito sumagot.

"Hindi mo ba alam na may anak si Gifford? At maghihiganti siya para sa tatay niya na pinatay mo." nabigla siya sinabi ni Richard. May anak pala ang matandang iyon.

"I don't f*cking care!!! Kung may anak siya!!! Hindi ko hahayaan na magulo na naman ang pamilya ko! I can kill again if ever!!!" bumabalik na naman ang dating siya. Ang dating Zeddrick, the heartless one.

"Bakit hindi mo na lang kasi hinayaan makulong noon si Gifford instead of killing him!" kahit kaibigan niya si Richard ay hindi niya pinakikinggan ang payo nito noon. He still kill that old man. Lagi niyang sinasabi na walang hustisya ang nangyari sa nangyari sa magulang niya at sa kapatid niya pero mayroon at siya ang gumawa noon na hindi alam ng lahat pati si Krizzane.

"How many times do I have to tell you, that old man deserves to die!!! Yung pakiramdam na wala ka doon para iligtas ang pamilya mo, gugustuhing mo ring patayin ang dahilan kung bakit sila nawala sila sayo. Ang mga taong katulad ng matandang iyon ay binubura na dapat sa mundo!" umiling iling na lang si Richard dahil sa sinabi niya.

"Dude you just make it worst, alam ko nasaktan ka dahil sa pagkawala nila tita at tito pati na rin si Zaserille, pero mas masasaktan ka kung mawawala ang asawa mo sa iyo dahil sigurado akong kumikilos na ang anak ni Gifford laban sayo. Alam na niya na ikaw ang pumatay sa tatay niya!" sigaw naman sa kanya ni Richard.

"Richard stop saying those things, masaya na ako kasama ang asawa ko at hindi ko hahayaan na masaktan ang asawa ko. Wala akong pakialam sa anak ng matandang iyon!!!" dagdag niya pa.

"But you better watch out If you need help nandito lang ako I'm always in your side. I think you better tell you wife about your past." hindi niya kayang sabihin kay Krizzane ang lahat ng iyon dahil baka ito pa ang maging dahilan para Iwan siya nito.

Umalis na si Richarf sa opisina niya. Hindi niya na tinanong kung Saan ito pupunta pero alam niyang hindi naman nito guguluhin ang pinsan niya.

Bigla namang may tumawag sa cellphone niya at ang asawa niya ito. Si Krizzane. Kaya mabilis siyang kumalma.

"Hello Love, nasa Mall kami ni Scarlett nagshoshopping lang, don't worry may kasama kaming bodyguards." halata sa boses ng asawa niya na masaya ito.

"Are you finish doing shopping? Umuwi na kayo, sabihin mo kay Scarlett, sabihin mo na ako ang nagsabi." sagot niya dito. Narinig niya naman ang cute at mahina nitong tawa. Gusto niya tuloy agad itong makasama.

"Okay, uuwi na kami. Always remember I love you and our baby!"

"I love you too wife." sabi niya bago nito patayin ang tawag.

Matagal niya ng kinalimutan ang ginawa niya noon pero bakit bumabalik na naman ang multo ng kahapon? He will never regret na pinatay niya ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang mga magulang niya at ang kapatid niya.

Pero paano kung malaman ni Krizzane ang mga iyon mamahalin pa rin kaya siya nito? Sabi naman nito ay no matter what mag-iistay ito sa tabi niya and she loves him.

Pagkatapos ng mahabang araw ay umuwi na rin si Zeddrick sa Mansion nila ni Krizzane. Medyo ginabi rin siya dahil sa dami ng ginagawa sa opisina.

"Couz!!! Nasa kwarto niyo na si Krizzane kumain na kami! Hinihintay ka nga niya kanina eh." sabi ni Scarlett ng makita siya nito.

"Thank you for taking care of her." usal niya kay Scarlett. Ngumiti lang ito sa kanya at naglakad na paalis.

"Scarlett." tawag niya dito kaya lumingon ito sa kanya.

"Richard is in already here, in the Philippines." sabi niya dito at ngumiti. Narinig niya naman na pumadyak ito at parang Inis na Inis. At Tuluyan na itong naglakad paalis.

"Bakit ang tagal mong umuwi?" sabi sa kanya ni Krizzane ng makapasok siya sa kwarto.

"May inayos lang, dapat natulog ka na hindi mo na dapat ako hinintay pa." sabi niya dito pero tinaasan lang siya nito ng kilay. Ang cute talaga ng asawa niya.

"Bakit ayaw mo na hinihintay kita ha? Hmp bukas hindi na ngarud kita hihjntayin." may halong Inis nitong sabi. Lumapit siya dito at niyakap ito. Iba talaga ang buntis. Laging may Moodswing.

"Wife?" pagtawag niya dito.

"Bakit?" pagsagot nito sa kanya.

"You said you love me right?" gusto niya lang talagang sinasabihan siya ni Krizzane na mahal siya nito.

"Oo naman, I always love you, kayo ng baby natin." sagot nito sa kanya.

"Paano kapag nalaman mo na may ginawa ako noon na hindi tama, would you judge me?" sabi niya dito. Akala niya ay hindi nito sasagutin ang tanong niya pero sumagot ito.

"It depends kung sa ibang tao, pero sayo nah never kitang ijujudge." sabi ng asawa niya at ngumiti pa. Hindi niya mapigilan mapatingin sa mapupulang nitong labi kaya hinalikan niya iyon and she responds. And then hindi niya na napigilan ang sarili niya and something happens. He really miss her. Krizzane is his happiness.

"I will always love you Zeddrick, always. Remember that." sabi nito sa kanya habang nakaunan sa braso niya at yakap siya. Nakatulog na ito.

"I love you wife, I will not let anyone hurt you. I'll protect you matter what." pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.

--------------------

"You killed my father, now this is my revenge I will do everything para mawala sa iyo ang asawa mo at pati na rin ang magiging anak niyo! Get ready Zeddrick Montefalco. Susunod ka na sa magulang mo at sa kapatid mo!!!"

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon