💞Chapter 9💞

4.2K 90 0
                                    

Masayang nakatanaw si Krizzane sa bakuran ng mansion nila ng asawa niya. It's been a month simula noong may mangyari sa kanila ni Zeddrick. Sa araw-araw na kasama niya ito ay palagi siyang masaya. He always make her happy. Hindi niya inaasahan na magiging ganito kasaya ang pagsasama nila. But lately ay nagsusuka siya lalo na kapag umaga. Hindi niya na lang sinasabi kay Zeddrick dahil baka mag-alala lang ito sa kanya. Wala naman siyang sakit. Baka dahil lang iyon sa nakakain niya. Katulad na lang kanina nasuka siya nung kumakain siya yung sinangag ni Manang Elizabeth pero paborito niya naman ang sinangag lalo na ang bawang. Pero hindi niya na lang sinabi kay Zeddrick. She knows that this is not a big deal. Maybe ang pagkain talaga ang may problema.

"Ma'am Krizzane kumain na po ba kayo? Baka po kasi kapag nalaman ni sir Zeddrick na hindi pa kayo kumakain ay mapagalitan po kami." sabi sa kanya ng isang katulong. Ngumiti siya dito. Kahit kailan talaga ay napakaano ng asawa niya, siguradong sinabihan na naman nito ang mga katulong.

"Kumain na ako kanina, no need to worry, asikasuhin niyo na lang ang mga trabaho niyo, tatawagan ko na lang ang asawa ko para sabihin iyon." agad naman tumango ang katulong.

"Sige po ma' am tuloy ko na po ang trabaho ko." ngiti na lang ulit ang isinukli niya dito.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot. She knows na ang asawa niya ito.

"Wife hindi ka ba pupunta dito sa company ngayon?" paglalambing ng asawa niya. Gusto niya itong kutusan. Ito na nga ang may sabi na huwag siyang Pumunta dahil baka mapagod lang siya.

"Hindi ba ikaw ang may sabi na huwag na akong sumama sayo at magstay na lang ako dito sa mansion?" nakarinig naman siya ng mahinang tawa mula rito.

"I miss you." sabi nito sa kanya. Kaya napangiti na lang siya. Kahit kailan talaga ay parati siyang pinapakilig ni Zeddrick.

"Ayokong pumunta, I want to rest." binibiro niya lang naman ito sana ay huwag nitong seryosohin.

"Okay. Just always remember that I love you. I'll hang up now, we have a meeting." sabi nito at pinatay ang tawag. Mukhang nagtampo yata ito.

Agad siyang pumasok ng mansion at nagmamadaling Pumunta sa kwarto nila Zeddrick. Agad siyang pumasok sa banyo upang maligo. Pagkalabas niya ay nagbihis agad siya. She will go to her husband company. Miss niya na din kasi ito.

"Hija Saan ka pupunta?" tanong ni Mang Elizabeth sa kanya ng mapansin nitong nakabihis siya.

"Sa kompanya po ni Zeddrick." magalang niyang sagot dito.

"Ah ganun ba sige ingat ka." ngiti na lang ang isinukli niya dito.

"Ma'am Krizzane Saan po kayo pupunta?" agad na tanong ng isa sa mga nagbabantay sa kanya. Kagagawan ito ng asawa niya para daw Lagi siyang ligtas. Hindi niya naman ito masisisi. He only wants it for her own safety.

"Sa kompanya ng asawa ko." sagot niya dito.

"Ahh ganun po ba, hatid na po namin kayo, baka mapagalitan po kami ni Sir Zeddrick." sabi nito sa kanya. Pero hindi na lang siya umimik. At Sumakay na lang siya sa passenger seat. Ang nagbabantay sa kanyang lalaki ay nasa tabi ng driver sa may unahan. Ang driver kasama rin nito. Habang nasa biyahe ay nakatingin lang siya sa labas ng bintana.

"Ma'am nandito na po tayo." sabi ng lalaki kaya napaayos siya ng upo. Pinagbuksan naman siya nito ng pintuan at inalalayan makababa. Ayaw na ayaw kasi ni Zeddrick na nasasaktan siya o kung ano.

"Diyan na lang kayo, ako na lang ang papasok sa loob." sabi niya sa mga ito. Tumango na lang ang mga ito sa kanya bilang pag-sang ayon.

Habang naglalakad sa loob ng kompanya ay nakatingin ang mga empleyado sa kaniya.

My Heartless HusbandWo Geschichten leben. Entdecke jetzt