Kaya naman ay agad na sabay na napalingon ang nga Valle at si Quera Violeta sa gawi kung saan nagmula ang isang napakapamilyar na boses.

Agad din naman nilang nakita si Viscus.

"Oo, alam kong hihingi sila ng patunay. Kaya may inihanda ako para gawing patunay na kunwari tayo ay sinsero sa ating paghahangad ng kapayapaan." Sabi ni Quera Violeta habang nakaukit sa kanyang labi ang isang mala demonyong ngiti at nakatitig sa kawalan nang may mga matatalim na tingin.

"Ano naman ang gagawin nating patunay?" Tanong ni Valle Shanta na ngayon ay punong-puno ng kuryosidad ang kanyang mga mata.

Makalipas ang isang oras ay natanggap ng mga Maligon ang tugon ng mga Agonian sa kanilang pinadalang liham. Nakasaad dito na makikipagkita ang mga Agonian sa mga Maligon roon sa masukal na kagubatan ng Yuconia.

Makalipas ang ilang oras ay tirik na ang buwan at madilim na ang paligid. Nandito na ngayon sina Quera Reina, Quero Kenneth, Clea Gia, Clea Usha, Cleo Deo at Cleo Ion. Habang ang natira naman ay naiwan sa kaharian upang magbantay.

Hindi nagtagal ay agad din namang dumating ang mga Maligon. Agad na dumating sina Quera Violeta, Valle Sheba at Valle Prospheta.

Kaya naman ay agad silang nagharap.

"Natanggap ko ang iyong tugon sa aming liham pangkapayapaan, Quera Reina. Ngayon ay narito kami upang patunayan sa inyo na kami ay sinsero at seryoso sa aming mga sinulat sa liham." Panimula ni Quera Violeta.

"Mabuti at naisipan nyong patunayan. Ngayon na nakipagkita kayo sa amin ay napatunayan kong totoo at seryoso kayo sa inyong paghingi ng tawad at paghangad ng kapayapaan sa pagitan ng kaharian ng Agonia at kaharian ng Maligouania. Dahil sa lalim ng gabi at lubhang mapanganib na ngayon ay pinili nyo pa ring makipagkita sa amin." Nakangiting sabi ni Quera Reina.

"Ngunit mahal na Quera. 'Yon lang ba ang hiningi ninyong patunay?" Nakakunot noong tanong ni Clea Gia na bakas na bakas sa kanyang mga mata ang isang tingin na tila ba parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Quera Reina.

"May iba pa ba, Clea Gia?" Pagbabalik tanong ni Quera Reina.

"Oo." Sagot ni Clea Gia saka inirapan ni Quera Reina.

"Kung gano'n ay ano?" Tanong ni Quera Reina.

Kaya naman ay agad na gumuhit sa labi ni Clea Gia ang isang mala demonyong ngito na tila ba parang nagbabalak. Saka agad na napatitig sa mga Maligon nang may mga matatalim na tingin.

"Ang perlas ng Liamen." Nakangiting sagot ni Clea Gia.

"A-Ano?" Nauutal na tanong ni Quera Violeta.

Kaya naman ay agad na napangiti si Cleo Deo.

"Ang talino talaga ng bebe loves ko." Nakangiting sabi ni Cleo Deo sa pamamagitan ng kanyang isip.

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Clea Gia sa kanyang isip tila ba kinakausap niya si Cleo Deo sa pamamagitan ng kanyang isip.

Kaya naman ay agad na napatingin si Cleo Deo kay Clea Gia. Nang makita niya si Clea Gia ay nakatingin na ito sa kanya nang may mga matatalim na tingin saka agad siyang inirapan.

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Clea Gia sa kanyang isip na tila ba kinausap niya si Cleo Deo sa pamamagitan ng kanyang isip.

Kaya naman ay agad na napatingin si Cleo Deo kay Clea Gia. Nang makita niya si Clea Gia ay nakatingin na ito sa kanya ng may mga matatalim na tingin saka agad siyang inirapan.

Kaya napangiti nalang si Cleo Deo saka kinindatan si Clea Gia.

"Ibigay nyo sa amin ang perlas ng Liamen. Kung totoong sinsero  at seryoso nga kayo sa paghangad ng kapayapaan sa pagitan ng kaharian ng Maligouania at kaharian ng Agonia ay ibibigay nyo kay Quera Reina ang perlas ng Liamen." Dagdag ni Clea Gia.

Kaya naman ay agad na nagkatinginan sina Valle Sheba, Valle Prospheta at Quera Violeta. Agad din namang napalunok ng ilang ulit si Quera Violeta.

"Labas man sa aking kalooban ngunit k-kung 'yon ang inyong nais. S-Sige." Nauutal na sabi  ni Quera Violeta.

Agad na pinakawalan ni Quera Violeta ang perlas ng Liamen at saka agad na ibinigay kay Quera Reina.

"P-Pwede nyong subukan kung 'yan ay tunay ba na perlas ng Liamen o huwad." Sabi ni Quera Violeta.

"Hindi na kailangan. Dahil nararamdaman ko na ang enerhiya ng perlas ng Liamen sa aking buong sistema." Nakangiting sabi ni Quera Reina.

"Kung gano'n ay magkakaroon na ng kapayapaan ang kaharian ng Agonia at ang kaharian ng Maligouania." Nakangiting sabi ni Quero Kenneth saka inakbayan si Quera Reina.

Agad din namang lumapit si Cleo Ion kay Clea Usha saka niyakap ito habang nakatingin si Cleo Ion kay Clea Usha. Kaya naman ay agad na nanigas ang buong sistema ni Clea Usha.

Lalapit din sana si Cleo Deo kay Clea Gia. Ngunit hindi pa siya nakakalapit ay agad na umaksyon si Clea Gia na para bang sisikuhin niya si Cleo Deo. Kaya naman ay napanguso nalang si Cleo Deo.

"Kung gano'n ay nay kapayapaan na sa pagitan ng ating mga kaharian." Sabi ni Clea Gia.

"Ngunit may isa akong ipagbabawal na lugar na inyong pupuntahan. Ang Yuconia, malinaw ba?" Tanong ni Clea Gia.

"Opo, kung 'yon ang inyong nais." Nakangiting sabi ni Quera Violeta habang suot ang isang mala anghel na ngiti.

Makalipas ang ilang oras ay narito na ngayon sina Clea Gia, Clea Heya, Clea Usha, Clea Fortia at Quera Reina sa lagayan ng mga perlas. Nang makauwi sila ay agad silang nagpulong at sinabi ang lahat ng napagkasunduan. Ngayon ay nandito na sila sa lagayan ng nga perlas.

Kakalagay pa lang ni Quera Reina sa perlas ng Liamen sa bilog na mesang gawa sa bato na lagayan ng mga perlas.

Agad din namang sumunod sa paglagay ng perlas si Clea Heya at Clea Usha.

"Bat inilagay nyo ang inyong mga perlas?" Nakakunot noong tanong ni Clea Gia.

"Sapagkat kampante na ako na wala nang gulong mangyayari." Namangiting sagot ni Clea Usha.

"Ako rin. Mababakas mo sa mga mata at ngiti ni Quera Violeta na siya ay sinsero at seryoso sa kanyang mga sinabi." Nakangiting sagot naman ni Clea Heya.

Inilagay nila ang perlas ng Aqua na mula kay Clea Usha at ang perlas ng Terra na mula kay Clea Heya.

"Ah. Pero ako, dito kang sa'kin 'tong perlas ko." Sagot ni Clea Gia.

"Ayos lang naman 'yon, Clea Gia." Nakangiting sabi ni Quera Reina.

Saka agad na silang naglakad palabas sa lagayan ng nga perlas.

Narito ngayon itong perlas ng Liamen kasama ang perlas ng Aqua at perlas ng Terra. Agad na may lumabas na kulay lila na usok mula sa perlas ng Liamen. Saka agad na kumalat ang kulay lila na usok sa kabuuan ng perlas ng Aqua at perlas ng Terra.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now