Chapter 17 Formal Boys

80 3 0
                                    

*Mira's Pov*
After 2 days

Ngayon na ang araw na magkikita kami nila Mama.

Kinakabahan tuloy ako. Tinext ako ni Mama na dapat 6pm ay nandun na daw kami at magsuot ng maganda.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Erza. Naghihintay ng himala.

"Ano susuotin mo mamaya?" Tanong ni Erza.
"Dress. Magdress nalang din kayo, at dapat litaw ang ganda niyo." Sagot ko at nagsmile.
"Matagal nang litaw ang ganda ko, simula ng lumabas ako sa tiyan ni Mama." Hirit pa ni Erza.

Umirap lang ako sa kanya. Nambabara na naman eh.

*Lucy's Pov*

"Lumayas ka na nga dito!" Sigaw ko kay Juvia.

Nandito kasi siya sa kwarto ko, dito na nga natulog kagabi, dito parin siya hanggang ngayon? Aba, walang kwarto Juvia Lockser?

"Maya na. Aalis din naman tayo." Sagot nito at humiga sa sofa ko.

"Bahala ka." Sabi ko nalang at umirap.

Kakapod makipag-away ngayong araw. Pagod pa din ako dahil sa outing namin.

"Ano kayang gagawin natin dun?" Biglang tanong ni Juvia.

Nagshrug lang ako.

"Sa tingin mo, may balak kaya si Tita kay Mira?" Tanong pa niya.
"Like what?" Tanong ko.
"Mmmm...... Fiancee?"

Agad kaming nagulat, oo nga noh. May point siya.

"Baka gusto na ni Tita na magka-apo?"-Juvia.
"Ganon? Pag fiancee, apo agad ang kailangan ng parents? Di pwedeng, mga business?"bara ko.
"Tama ka nga."-Juvia

~Fast Forward

Naghahanda na kami ngayon, para pumunta sa bahay nila Mirajane.

"Hala. 4:47pm na oh. Dalian niyo mga babae!" Sabi ni Mira.

Nagmadali naman akong ayusin yung buhok at mukha ko, at inayos ko ang dress ko.

Ayan. Maganda na ako! Mas maganda na ako sa tatlo XD

"Tapos na ba kayo?" Tanong ni Mira sa amin.

Nagnod lang kaming lahat.
"Tara na. May sundo tayo sa labas." Sabi ni Mira at pumunta na sa labas.

Sumunod naman kami sa kanya.

Nang makalabas na kami sa gate, ang sosyal talaga nila Mira, ako'y nahihiya sa magarang kotse niya.

"Wow. Bihis na bihis." Napatingin kami sa nagsalita.

Biglang uminit ulo namin.

"May dinner kasi." Sagot ni Juvia.
"Okay, goodluck." Sabi ni Kulot at umalis na sa harapan namin.

Goodluck? Para saan naman yon?

"Dont mind her, sakay na kayo dali." Sabi ni Mira at sumakay sa front seat.

Sumakay kaming tatlo sa ika-dalawa.

Sinara na ni Erza ang pintuan, at sinimulan na ni Manong ang pagdrive.

"May clue ka na ba, Mira?" Tanong ni Erza.

Umiling lang siya "wala kahit ni-isa man lang."

Nagkatinginan kami ni Juvia.

Di kaya, tama yung hinala namin na may fiancee siya? Wag naman sana.

Ang boring po dito sa kotse.

After 30 minutes

"Matagal pa ba Manong?" Tanong ko.
"Malapit na po Mam." Sagot nito.

Natutulog si Mira. Samantalang sila Erza at Juvia, naglalaro ng Candy Crush.

Naiihi na kasi ako, hindi ko na mapigilan, jusko po!

Naramdaman ko na huminto ang kotse, kaya sumilip ako sa bintana.

Andito na kami sa bahay ni Mira, pero teka? Bat may nakaparking na kotse? Tapos familiar pa sa akin.

"Mam Mira, nandito na ho tayo." Sabi ni Manong.

Nagising naman si Mira at tumingin sa bahay.

Napasmile naman siya "Salamat manong, tara na girls. Baba na tayo."

At bumaba na kami, grabe wala pa ding pinagbago ang bahay nila, malakastilyo pa rin.

Binuksan naman ni Mira ang gate at pumasok na kami.

"Ikaw na Mirajane." Sabi ni Juvia na mangha-mangha sa bahay nila.
"Hindi ko alam pinagsasabi mo. Kaya tara na!" Mataray na sagot ni Mira.

Napatawa na lang kami. Ang sungit.

"Ay!" Sabi ko at napahinto.

Napahinto rin sila at tumingin sa akin.

"Ano?" Erza asked.
"Naiihi kasi ako, pwedeng bang umihi muna ako? Susunod lang ako sa inyo, promise." Sabi ko sa kanila at nagsmile.
"Samahan na kita." Presinta ni Juvia.

Umiling lang ako at sinabing "wag na. Pumasok ka na dun, alam ko kung nasaan ang cr noh!" Confident kong sabi.

Nagnod lang sila.
"Geh. Di ko na mapigilan eh." Sabi ko at umalis na.

Nagwave lang ako habang nakatalikod sa kanila.

Pumunta na ako sa hallway. May cr sila dito sa may garden, kaya dun ako pupunta.

At nang mahanap ko yung cr, pumasok na ako at umihi.

Lumabas ako sa cubicle at tinignan ang sarili sa salamin.

Nakakatakot dito, baka biglang may multo ang magpakita sa akin. Sabi ko sa isip ko.

Kaya nagmadali akong lumabas sa cr.

"Ewan ko tol." Hala? Nakakarinig na ba ako ng mga taong multo? -,-

Nandito pa ako sa hallway, at ang dilim. Pakiramdam ko may mga tao dun sa garden.

At teka! Familiar sa akin yung boses! Parang si?

Sumilip ako sa mga bunches of leaves, para makita kung saan galing yung boses.

At pagkakita ko, halos kainin ako ng lupa! Tama nga ako, si Freed, kasama ang mga lalaki.

At anong ginagawa nila dito, aber? Diba kina-Mira itong bahay?

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Pumasok ako sa loob na gulong-gulo ang isip.

Ano kaya ang ginagawa nila dito? At take note! Ang formal pa ng mga suot nila.

Wala akong balak na sabihin sa mga babae, malay mo naligaw lang sila dito sa bahay. Tama! Baka yun nga!

Pretty and JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon