Chapter 7

109 4 0
                                    

*Ultear's Pov*

Nakatingin lang ako sa kanya ganun din siya sa akin.

"Ahm.. Pasok muna ako sa loob ha?" Basag ni Jellal at pumasok sa loob.

At kami nalang dalawa ni Gray ang nandito. Awkward.

"A..ah whats up?" Tanong ko. Hindi ko na kaya ang katahimikan.

"Okay lang naman"sagot niya sabay kamot sa ulo niya.

Napatawa nalang ako sa ginawa niya.

"Bakit ka tumatawa?"tanong niya.

Tumahimik naman ako at tumingin sa kanya.

"Wala ka paring pinagbago eh. Nagkakamot ka parin ng ulo kapag nahihiya"sabi ko.

"Ahh"sabi niya.

Tahimik ulit. Ayoko nito.

"Ahm Gray.. Can we talk?"tanong ko.
"Sure"sagot niya.

Ito na ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang totoo. Sana naman maintindihan niya.

"Tungkol ito sa pagbrebreak natin eh kasi..."hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
"Ano? Anong dahilan?"tanong niya.

Kaya mo toh Ultear! Sabihin mo na!

"Nung tayo pa, hindi ko alam na may fiancee na pala ako, tapos nalaman ko lang that day we broke up. Mom forced me to break up with you, or else, sa America na daw ako titira kasama yung fiancee ko. Wala akong magawa kundi sundin ang utos ni Mom" paliwanag ko.
"Then why did you hide? Why didn't you tell me about this?! May karapatan ako na malaman toh Ultear! After all these years. Ngayon mo lang toh sasabihin? Damn. Alam mo ba simula nung nagbreak tayo nagiging paranoid na ako?! Nadadamay na ang mga kaibigan ko dahil sa kaartehan ko!"
"Im so sorry. Pero ngayon pinaglaban kita Gray! Pinili kita kaysa sa parents ko! Mahal parin kita hanggang ngayon!" Sigaw ko at humagulgol.

Nagulat siya sa sinabi ko.
"A-ano? You choosed me over your parents?"tanong niya.
"Oo! Kaya nga ako nandito sa harapan mo eh! Ginawa ko lahat upang mahanap kita Gray!"

Humagulgol ulit ko pero nakaramdam ako mainit na kamay na nakayakap sa akin.

Tinignan ko kung sino ito.. Si Gray.

"Shhhh... Naintindihan ko na lahat. Wag kanang umiyak. Mahal din naman kita hanggang ngayon eh. Maraming salamat Ultear"sabi niya at tumingin sa akin.
"So napatawad mo na ako?"tanong ko.
"Hindi naman ako galit sayo eh so wala akong sasagutin sa tanong mo"sagot niya at ngumiti.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso niya.
"Aba aba! Hoy Gray?! Dapat galit ka sa akin eh!" Singhal ko sa kanya.
"Tss. Nagpaliwanag kana sa akin, and yes napatawad na kita"sabi niya.

Napangiti naman ako dun.
"Ultear? Can you be my girlfriend...... Again?"tanong niya.

"Yes Gray"sagot ko at niyakap siya.

Sobrang saya ko na kami na ulit ni Gray. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo.

Ang dali lang kay Gray na patawarin ako.

Simula ngayon hindi ko na sya papakawalan.

*Juvia's Pov*

Waaaah! Nabadtrip talaga ako dun sa babae kanina. Hanapin ba naman si Gray sa amin?

Nacocurious kasi ako eh. Kaano-ano kaya yun ni Gray? Hindi naman pwedeng kapatid mukhang magkasing-edad lang sila eh. Di din pwedeng pinsan hindi sila magkamukha. Baka--! Girlfriend niya? Akalain niyo yun? Unbelievable.

Kung girlfriend niya yun, bat hindi niya alam ang bahay nila Gray? I mean bilang girlfriend dapat alam niya ang bahay ng kanyang boyfriend. Do you get my point readers?

"Hoy abnormal?"

Eh dapat naman talaga alam nung babae kung saan talaga ang bahay ni Gray eh.

"Juvia?"

Bakit hindi alam nung babae? At talagang sa amin pa hinanap?

Nacocurious na talaga ako ah.

"HOY JUVIA!!!"
"Ay! Labyu Gray!" Nagulat ako sa sigaw na yun.

Napatingin naman ako kung saan galing yung sigaw.

Si Mira at Erza nanlaki ang mga mata nila sa akin.

"What?!!! Nagdedaydream yung tao! Manggugulat kayo?" Asar kong sabi.
"Sinabi mo bang Labyu Gray?" Mira asked.

Huh? Wala nama-----

"Ano?! Nasabi ko pala yun??? Hoy! Kung ano man ang iniisip niyo. Stop that! Sadyang nagulat lang talaga ako dahil sa sigaw niyo kaya yun siguro nasabi ko"paliwanag ko.

"Eh sabi mo magdedaydream ka? Hoy Juvia! Ikaw ha! Pinagpapantasyahan mo siguro si Gray noh? At kung di ako nagkakamali pati rin abs niya? Ayieeeeee" sabi ni Erza.
"Pwede ba! In him dreams. Never kong papantasyahin abs niya. Che!" Sabi ko.
"Sabi mo eh" sabi ni Mira at nagtaas ng kilay.
"Tigilan niyo ako sabi eh!"sabi ko ulit.
"Wala naman kaming sinasabi ah? Masyado ka namang defensive tss"sabi ni Erza na umiiling.

Tumahimik na lang ako baka may malisya pa kung patuloy akong magsasalita.

Bakit ko ba kasi nasabi yun? Eh ang topic naman eh yung babae! Shunga na ba ako? Ahhhhhhh. Move on Juvia Lockser.

Pretty and JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon