Pagkapasok ko sa kwarto ko ay syang pagbuhos ng mga luha ko. Napaupo na lang ako sa sahig sa panlalambot ng mga tuhod ko.

"Mommy" sambit ko.

Basta basta akong pumasok sa classroom namin kinabukasan. Nagdidiscuss ang prof namin ng pumasok ako. Napatingin ang lahat sa ginawa ko.

"Ms. Cuantrillo, are you aware that you are late?" Sabi ng prof ko. Tiningnan ko sya ng matalim.

"Yes I am. How about you? Aware ka ba na pwede kang matanggal sa school na ito sa pangingialam mo sa akin?" mataray na sagot ko sa professor ko, with that ay tahimik na bumalik sa pagdidiscuss ang professor namin habang ako naman ay naupo sa pinakadulo at malayong tingin. Napatingin ako sa kambal at pareho silang nakatingin sa akin na parang nag-aalala.

"Tamara, are you calm?" Jenniva said.

Nasa open field kami for soccer. Nakahiga ako sa damuhan sa ilalim ng puno ng narra. Siya naman ay nakaupo lamang. Wala si Denniva dahil may inaayos sya para sa Event bukas tsaka sinamahan si Cazzy sa Elastic Salon for some make over.

It's already 5 PM, tapos ang ang klase namin para sa araw na ito. Maghapon akong walang kinakausap.

"Can you please leave me alone for now. Promise tatawag ako kapag nagkaproblema. And about sa band na tutugtog bukas, may nakausap na ako. It's settled." Sabi ko sa kanya habang nakahiga pa din sa ilalim ng puno.

Tumango sya at tinapik ako sa balikat tsaka sya umalis.

Pumikit ako at dinama ang hangin hanggang sa may naalala ako.

"Louisse, love mo si Mommy hindi ba?"

"Yes po, mommy. Syempre ikaw lang ang mommy ko kaya love na love po kita. Why did you ask po, mommy?"

"Baby if mawala si Mommy please don't cry. I love so much and ayokong makita kang nagkacry. Masasaktan ang heart ni Mommy kapag nagcry ka." sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko. 

"Mommy aalis ka po ba? Iiwan mo po ba ako? Mommy please wag po. Love naman po kita, promise magbebahave na po ako." ngumiti ito at lumuhod kapantay ko.

"Anak, may mga bagay na kahit anong kapit at pag-iingat natin. Dadating yung panahon na mawawalay tayo o mawawala yun sa atin. Ang mahalaga nasubukan mong lumaban at gumawa ng paraan."

"What do you mean mommy?"

She smiled. "Someday, maiintindihan mo din."

"Kapag big na po ako, Mommy?"

"Yes, my baby. I love you, my Louisse. Mommy will always guide you whenever you are." sabay halik sa noo ko.

"I love you more, mommy. You're the best Mommy po kaya."

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang nababasa ng luha ko ang mukha ko. It's been years and it's still hurts like it just happen yesterday. 

Mommy, sorry di ko kayang hindi umiyak kapag naalala kita. Mommy ano ng gagawin ko? Nagbalik na sya. Nagbalik na ulit lahat ng galit ko. Mommy please guide me.

Napamulat ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi. Handa na akong singhalan sya ng abutan nya ako ng panyo.

Hindi ko natuloy kung anong sasabihin. Nakita din nyang wala akong balak kuhanin yung panyo kaya sya na ang nagpunas ng luha ko gamit ang panyo na iniaalok nya kanina lamang.

Napaupo ako sa harap nya. "Zach" anas ko.

"I don't know why I am here beside you right now, wiping away your tears. I only know one thing. I don't want to see you crying." I don't know but my heart was beating so hard at what he said.

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now