Chapter Fourty Nine

23 1 0
                                    

Paolo's P. O. V.

Pagbalik namin sa Condo may malaki kaming problema. Isa lang ang kama tatlo kami.  Queen size siya ang kaso masmalaki ako sa dalawang babae na kasama ko. Sa height at sa muscles pa lang kalahati na siguro ng kama nasakop ko na. Buti na lang may sof-
Bigla umupo dun si Rellane saka ngumisi at sinabi "Kayo na magtabi diyan sa kama basta walang spg ha,  gagala pa tayo bukas kasama si Sensui my loves" sabi niya habang unti-unting humiga sa sofa at ito naman si Geovy kumuha ng kumot sa cabinet saka ibinigay kay Rellane.  "Dun ka na lang kaya sa tabi ko kesa diyan okay lang naman kay Paolo na diyan matulog..  Di ba Paolo? " sabi ni Geovy na medyo namumulang tumingin sakin.

"Okay lang naman sakin na sa ka-" pinanlakihan ako ng mata ni Geovy. Ang cute dapat pala inaasar ko to.

"Oh di ba dun na kayo..  Magyakapan na kayo sa kama" sabi ni Rellane.

Nagpadyak ng paa si Geovy papuntang kama. Sumunod naman ako sa kanya. "Ano ba masama sa pagtabi sayo sa higaan? " tanong ko

"eh kasi ano.. Basta.. Tara na nga matulog.. " sabi niya.

Tumabi na ako sa kanya at aakmain na yakapin siya ng biglang linagyan ng unan yung gitna naming dalawa.

Isa lang sa isip ko ang sinabi ko "Kj mo. " nagulat ako at nasabi ko tapos napaharap tuloy sakin si Geovy.

"Ako kj?  Eto sayo" hinampas niya sakin yung unan at tumawa. Syempre natawa din ako at hinampas din siya ng unan.

Nagtawanan kaming dalawa at pumalakpak si Rellane kaya napatingin kami sa kanya.

"Ayan ganyan magbati kayo tapos matulog na" napangiti naman kami parehas at humiga. Wala na yung unan sa gitna linagay na lang niya sa ulo niya.

Pinatay na yung mga ilaw at nagsabi kami ng sabay sabay na "Goodnight"

Pumikit naman ako agad pero kaharap si Geovy.

Geovy's P. O. V.

Malapit siya sakin.. Hindi ko to ineexpect parang hindi ko kaya onti na lang sasabog na ang puso ko sa kilig. Nakaharap din ako sa kanya. Malinaw mata ko kaya alam ko din malapit ang mga kamay namin sa isa't isa. Pumikit na ako pero napadilat din agad nang maramdaman ko ang mainit na kamay niya hawak ang kamay ko.

Bigla akong namula buti na lang at patay na ang ilaw. Pumikit na ulit ako at simulang mag hinga ng malalim hanggang sa makatulog na.

Rellane's P. O. V.

Ganito ako magpalaki ng anak. Ididikit ko talaga sila na parang glue para magkatuluyan na. Ang tagal kasi ng progress nila kung ako yan saka si Sensui, kasal na kami at may mga anak na. Halos 5 taon na silang walang matinong label. Kung nangigigil kayo mas nangigigil ako.  Tara na nga at matulog para bukas makita ko na naman siya bago kami umuwi at bumalik sa online classes.

Sensui's P.O.V.

Ang kulit pa rin ni Rellane,  konti na lang maniniwala akong gusto niya ako kung alam ko lang nangtitrip na naman yun tulad nung muntikan nitong halikan si Geovy. Meron pa rin akong nararamdaman para kay Geovy kaya medyo weird kanina nung nagtatawanan kaming lahat. Hindi ko alam kung makikitawa ako o masasaktan ako kasi naka akbay na si Paolo kay Geovy dati ako ang nakakagawa nun sa kanya ngayon iba na. Hindi man madali sakin mag move on, natuwa naman ako at binisita nila ako dito.  Matutulog na ako at bukas wala akong pasok sa trabaho pero sasamahan ko sila mag gala.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon