Chapter Twenty Eight

34 2 0
                                    

Paolo's P. O. V.

Ano yun Paolo? Tanong ko sa sarili ko pagkatapos lapitan si Geovy ng ganun.   Hindi makapagpigil o ano? Naweweirduhan ako sa sarili ko pag kasama ko siya. Hindi ko ginagawa yun sa mga babae kahit na mas madami akong babaeng kaibigan kasi rinerespeto ko sila at may control ako ng katawan ko.

Pero yung kanina..  Hindi ko gustong gawin yun pero namagnet ako.  Nakita ko yung confused na tingin ni Geovy kaya agad ako lumingon o tumingin sa pheripheral vision ko kung ano nasa likod niya saka may sinabi at umalis na sa ganung pwesto saka naglakad.

Umuwi na kami habang nakatitig pa din ako sa panyo na binili ko dahil nagpatulong ako. "Ano gagawin ko dito? Wala naman talaga ako pagbibigyan.. " Nang sinabi kong wala akong pagbibigyan bigla may naisip akong tanong.

Bakit ko ibibigay sa iba? Remembrance yan ng date namin. Tumango ako at agad na tinago yung panyo bago pa makita ng mama ko.  Naalala ko na naman mga ngiti niya saka ako napangiti.  "Ang ganda niya talaga"

Aaaaaaaaaa sigaw ko sa utak ko bago matulog at tapos umikot sa kama.

Geovy's P. O. V.

Unang una na ginawa ko pagkauwi ko, nagpalit ng damit na pambahay at tinignan ang messenger ko para makita kung may nagchat.

Hay babae, magkasama lang kayo ni Paolo kanina.  Katok ko sa ulo ng mahina saka biglang nagvideo call tong si Rellane.

Rellane: (smiling)  oy musta anong ganap sa date niyo?
Ako: date?  Date na ba yung tinutulungan ko lang siya mamili ng regalo?
Rellane: (rolled eyes)  oo, kumukuha lang yun ng idea sayo dahil panigurado yung gusto mo ang sasabihin mo.
Ako: So?  Sabi ko naman sayo hindi ako umaasa, magfofocus muna ako sa sarili ko saka s-
Rellane: saka sa studies mo (rolled eyes)  kung dun ka nakafocus bakit hindi mo na patigilin yung isa?
Ako: Hindi ko kasi alam kung kaya niya, (stop gesture na gamit ang kamay)  wait, alam kong mas matanda sakin yun pero mas sensitive kasi kaya naaawa ako.
Rellane: Nako Michelle bahala ka na nga mas maganda the sooner, the better ang kaso ilang taon na din nanliligaw, sabihin mo na ang totoo.
Ako: (fake smile)  sige sige subukan ko.

Naisip niyo na ba yung mapagaan yung pagrereject?  Ang hirap mag reject ng tao kapag determinado at lalo na..  Pag nakikita mo na ganun ka din dati ka desperado.  Hindi lang siya yung salamin nung dapat na nasa tabi ko ng mga taon na yun kundi pati salamin na din kung gaano ako kasweet sa taong mahal ko. 

Paano mag m-move on kung pati sa taong yun nakikita mo lang ang mga bagay na yun hindi siya mismo? Pero may paraan bang hindi masasaktan ang tao sa pagrereject? Sinubukan ko balensahin lahat,  yung pagkakaiba nilang dalawa at pagkakatulad namin, akala ko ayun na magugustuhan ko na.

Kaso sa huli,  nandito ako nakahiga na sa kama at ang iniisip kung gaano kadami ang memories namin kaso lahat yun natatabunan ng mga mukha ni Paolo.  Arghh send help.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan dahil sa pagod.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon