Chapter Fourty Four

36 1 0
                                    

Tagalog/Normal

Tayo na?

Paolo's P. O. V.

Parehas na namin nasabi ng personal yung nasa chat lang dati pero ano na ba kami?  Pwede ko na bang sabihing may kami na?  "Tayo na ba?" may halong kunwaring proud na sabi at bigla siya tumawa, mas lalong ako nagtaka kung bakit siya tumawa, may mali ba sa sinabi ko? Naguguluhan ako eh, so itatanong. Ganon naman dapat di ba? Imbes na sumagot siya tinitigan niya ako ng mata sa mata, parang nakikita niya ang kaluluwa ko tapos ang ganda niya lalo.. 

Back to reality, psychology student nga pala ito, kaya kakaiba. Mapapa down to earth ka na lang talaga.

Geovy's P.O.V.

Ang weird nitong taong to kasi sabi niya noon kaibigan lang daw tapos tayo na?  Hindi niya siguro gets na madaming branches din ang "tayo na" na sentence.

Napangiti si Paolo tapos nagningning ang mata niya, ang ibig sabihin na ningning na sinasabi ko ay yung nakangiti pati ang kanyang mga mata.

Okay na dulas na naman ako,  sorry naman tao lang din nagkakamali.

"Ano na naman yang iniisip mo? " tanong niya.
"Anong nakakatuwa sa relasyon? Kung yung isa puro positive thinking tapos yung isa puro negative?" Tanong ko.
Gusto ko makita kung gaano kalawak niya sasagutin ang tanong na iyon kasi ganong tao ko rin siya maidedescribe.
"Uhm,  bat on the spot? " nahihiya siguro to
"Wala lang hahaha gusto ko lang malaman" ang cute niya mahiya. Hindi makatingin sakin tapos yumuyuko na parang itatago ang sarili.
"Oy, okay, Sa ngayon wala ka pang certainty sa mga bagay bagay, pero time have value din" sabi ko
"Katunog ka ng lola ko" sabi niya

"Thank you,  gusto ko din siya makilala." sabi ko
"Paano kita ipapakilala? Kaibigan ba?" tanong niya.

"Bakit kaibigan? Doon mo lang ba ako ikukulong?" tanong ko

"Nagrereverse psychology ka na naman eh" sabi niya at napatawa na naman ako.

"Reverse psychology, alam mo ba meaning nun? " pang aasar ko sabay ngisi.

Si ate mo hahaha ay I mean kuya pala ay seryosong seryoso sumagot ng "hindi ko alam".

"Bakit hindi mo alam? Mag-aasawa ka nang nag-aaral ng ganun tapos hindi mo alam?" sabi ko at napatitig na lang siya sakin habang nag-iisip ng next banat hahahaha

"Nahirapan ka pa? Kung hindi ka pa sigurado sakin.  Hindi pa kita ipapakilala sa pamilya ko,  hindi mo din sila mapapaniwala na seryoso ka pag hindi ka kumilos, kung isasummary natin itong araw na ito into thesis, walang significant relationship na mabubuo kasi hindi ka pasado sa ibang senses ko. Alam mo kung bakit?  Emotionally Attached lang ako sayo pero may iba pa tayong dapat pag tuunan ng pansin as tao" sabi ko na parang akala mo tamang tama sa sinasabi.  " Madali lahat sa umpisa pero lagi ka magtatanong eventually sa sarili mo kung bakit ako? Bakit tayo? Bakit ikaw? " tumatango si Paolo at nagugulat ako sa loob ng isipan ko,  hindi ko pinaakita okay?

"Bakit may monthsary?  Bakit may secondsary and Bakit may anniversary? Ganon mo ba ako kamahal? " napatahimik ako at umiwas ng tingin.

"Time has a value daw pero,  kasama kita hindi ng assignments mo.  Nerd" tawa niya saka tingin sakin.

Nakitawa ako "Nerd?,  nice precise". Alam ko kung anong meaning ng nerd na yun sa moment na iyon.  "Nerd ka din naman,  may thesis ka din at nagbabasa ng libro, magkaiba man ng napiling salita pero madami tayong pruweba na tao tayo. " tumango siya habang naglalakad kami pauwi sa bahay ko. Naguusap kami nakamask at face shield na ulit kasi bawal naman talaga lumabas pero bago pa naman ito ng NCR plus na yun eh.

Mahirap maging ako,  buti na lang madami ako kakampi sa loob ng utak ko.  Buti magaling ako sa pakikiramdam.

Pakikiramdam ay kailangan talaga ng intensyon kung tutuusin lahat ng tao kailangan ng intensyon. Pero sa larangan ng imahinasyon,  pagiging tao ay kailangan pa din ng eksplenasyon.  Hindi ko alam kung magiging isang instrumento ito para makatulong sa ibang tao dahil yun talaga ang aking gusto pero mas maganda na itong isulat at kalaunan balikan ang hirap gawing aksyon.

Tahimik kaming naglalakad habang iniisip ko yan at biglang natanong siya.  "Kamusta ka naman? " ang random ng tanong, siguro inaanalyze din ako nito akala niya hindi ako masaya.  "Iniisip ko lang,  kung ikaw tulad ngayon" napatigil kami ng medyo malapit sa bahay. "Sigurado ka na ba sakin? "

Pagiging sigurado ang tawag sa ginawa ko."Huh? Paexplain nga ng maigi" Pagiging tao ang pangungusap na iyan. "As a partner" sabi ko sa kanya.

Mattrigger niyan awareness mo,  been there, done that.  Ilang beses ko ng naranasan o napagisipan yang mga bagay na yan kasi alam ko hindi naman ako bumabata bawat taon.

"Bumalik ka na lang pag seryoso ka na,  kasi naniniwala naman ako kung ikaw nga talaga ang makakatulong sakin bilang makatulong pa sa plano ko sa buhay,  ikaw lang din makakasagot niyan.  Hindi ko kailangan ng pera mo, hindi ko din kailangan ng emosyon mo, kailangan ko ng sagot na totoo para hindi ko maisip na isa lang akong assumerang tao" kapag na gamit mo talaga ang sarili mong labi tapos makita mo mapaghinaan sila ng loob.

Nakakalungkot, kasi alam ko naman magkaiba kaming tao tapos naghahangad ako ng sagot pero yang sagot na yan gusto ko maintindihan kung bakit niya ako minahal.  Hindi ko nakikita na nakakaapekto ang pagsasalita ko kasi lagi ko lang kausap ang sarili ko sa utak ko.

Hindi lang tao ang kailangan ng psychology student,  kailangan din namin matuto para sa sarili namin. Nawawala din kami at nasasabihan ng masasakit na salita. Kasi animo'y salitang "baliw" ay tinuturing nilang kakaiba at nakikitang impossible. 

Karamihan hindi maintindihan kung bakit may stigma ang "baliw", alam namin ang sakit pero alam din namin gamitin yang pang biro kasi, pagkatapos pa naman ng isang araw,  Tao ka pa din,  May chansa talaga na magiging malungkot ka pero hindi dapat yun tambayan.  Patuloy mo lang hanapin.

"Geovy,  Okay ka lang ba? Nababaliw ka na ba? " titig ko sa kanya nung sinabi niya yun.

"Anong pagkabaliw ba gusto mong makita? Yung nagwawala, yung nakangiti, yung nagpapanggap na okay pero hindi okay? Wala ako sa choices niyan may sarili akong standard ng pagkabaliw, At the end of the day wag mo lang talagang kalimutang tao ka kasi kung alien ka,  mas alien ako, madami akong kausap sa utak ko bago ko isabi sa bibig ko and I thank you hahaha" tawa din niya pabalik.  "Umuwi ka na baka mapano ka pa, Ingat" sabi ko
"Wow ang sweet" sabi niya

"Mahalaga ka sa ecosystem na ito kaya mag-ingat ka, okay? " sabi ko

"Wala bang I love you? " asar niya sakin

"Saka na pag na balanse mo na ang lahat,  ayoko ng isang parte lang ng tao ang pagkatao ang makikita ko gusto ko yung totoo at buo, physically, mentally, internally pero kung hindi ka buo at alam mo naman na ang sagot,  tanungin mo lang ulit ako" sabi ko

"In Marketing,  lahat ng bagay may presyo at may ibat ibang paraan ng pag eendorso sa isang produkto, pero mahahanap mo lang talaga ang sarili mong estilo pag nakinig ka lang ng maigi sa sarili mo" sabi ko habang nag wawave hand at pasok sa bahay.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon