Chapter Thirty Nine

22 1 0
                                    

Tagalog/Normal


Geovy's P.O.V.


Gumagawa ako ng mga gawaing bahay ko saka ko naisip na naman itong si Paolo. Sa pagkakakilala ko sa taong yun ang isang paraan pala malaman mong gusto ka niya ay dahil sa kilos. Paano siya kikilos kung pandemic at impossible namang pumunta siya sa harapan ng bahay namin tulad ng dati. Bakit impossible? Kasi hindi na kami parehas tulad ng dati. Baka ako lang nag-iisip ng ganun? Dahil nga pandemic, lahat ng tao nasa harap na ng teknolohiyang kanilang ginagamit para kumunekta sa tao. Sobrang baligtad namin talaga, mas gusto ko yung kaming dalawa lang magkasama pero oo nga no mas maganda pag madami.

Pero nakakahiya din kung tutuusin paano kung madulas ang dila ko at magsalita ng kung ano-ano. Teka wala naman akong pakielam sa mundo dati kahit nga naka tshirt na fitted ako tas basketball shorts. Nagtatraining pa nga kami sa public court at naka ilang takbo,squats at iba pang excercises. Ayan na nga namiss na nga ang pagbabasketball. Self-love nga muna tayo ngayon dahil nga hindi naman siya nagpaparamdam at kung ano.

Nung nakita ko ang mga hugot shared posts ni Althea, nakakarelate ako at nagkataon na may ibang mga kaibigan pa ako na nasa newsfeed tulad ni Rellane na nagshashare ng memes kaya ayan ang ending, mix ng hugot, memes  at inspirational quotes for positivity. Mahirap na nga ang realidad pagkatapos magiging negative pa ang pag-iisip mo? edi mas tumanda ka agad niyan?


Paolo's P.O.V. 


Ang lakas ng loob niyang magshared ng mga hugot posts na animo'y single at walang n- teka di nga pala malinaw ano pero paano magiging malinaw? Bawat shared posts niya nakikita ko kasi konti lang naman kaibigan ko sa account na ito. Humuhugot tapos nang iinspired saka ano to? memes? Napatawa ako kasi iba-iba talaga tapos hindi ko na natiis at flinood ko na ng reactions.

Wala siyang response sa ginawa ko, tinignan ko yung day niya sa fb tapos yung bulaklak pa din ang nandoon. Effective ba? Namimiss ko na siya kaso ayaw ko unang mag pm, nakakahiya kasi. Ilang oras na akong nag-aantay buti na lang at walang pasok ngayong araw na ito.

kaya level up ang gaming natin, medyo komplikado nga ang babae di niya magets na gusto ko na siya ang magchat. Ang ginawa ko nag comment ako sa isang hugot post niya.

Iinaasar ko siya at pinapakita na iba ang pag-iisip ko sa kanya. Simula nung nakilala ko kasi yang babaeng yan ang hilig hilig mang asar kaya subukan natin kung tatalab sa kanya yung gagawin ko.

Geovy's P.O.V.

Online ako, Online siya
Sinabi ko pero alam niyo naman na ata, nakita ko yung notifications at napatawa. Reactions tapos comment niya ay mukhang nang-aasar, sus mas magaling ako mang basag ng mood niya. Alam na alam ko kasi hindi kami pinalaki sa puri ng magulang ko,puro asaran kami sa bahay at pag sinabihan ka ng compliment ng isa samin, ang ibig sabihin nun ay seryoso siya. Cool no? Kailangan niya pa mag-aral kung paano mang asar sa open-minded na tao.

Alam mo ang counter attack ko sa mga pang asar na comment niya? Nag-aagree ako dahil unang una alam ko na yung sasabihin niya at pangalawa, alam kong may iba iba tayong idea saka pangatlo hindi ko hawak ang emosyon niya, ni hindi ko nga sigurado kung ako ang nasa utak o isipan niya.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon