Chapter 11 - Escape

8 0 0
                                    

Chapter 11

The Escape

Sa pagsakay namin sa bangka ay mahigpit ang naging hawak ko kay Raizel sa kaniyang braso. Paano ba naman ay ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa isang maliit na bangka na katulad nito. My dad and I with my brother always on board in a big yacht.

Ilang tili pa ang nagawa ko dahil sa mga malalaking alon.

"Raizel, b-baka tumaob itong bangka," nag-aalala kong wika sa katabi ko na hindi ko man lang makitaan ng kahit na kaunting takot.

He encircled his arm on my waist and whispered. "Wala kang na dapat ikabahala. I'm just here, I can always save you, Bella."

Imbis na kumalma ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa mainit niyang hininga na naglandas sa balat ko dahil sa pagbulong niya at sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. I look straight into his gray eyes with astonishment...

Paaano niyang nagagawa sa akin ang ganito? Walang kahirap-hirap niyang napapakabog ang dibdib ko dahil lang sa mga simpleng ginagawa niya. Masyado akong mahina pagdating sa kaniya.

Matapos noon ay hindi na ulit ako nagsalita pa. My mind is clouded by the fact that he is holding me. Yun lang ang nasa isip ko, ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa baiwang ko at tila ba unti-unting nawala sa utak ko kung nasaan kami ngayon.

Nakakabaliw ang ganitong pakirandam. Parang kanina lang ay napupuno ako ng takot dahil sa utos ni Armando De Luca na ipapatay ako. Pero ngayon ay nawala lahat ng takot na iyon at napalitan ng nakakakiliting pakirandam dahil sa mga mumunting paro-paro sa sikmura ko dahil kay Raizel.

Dahil wala sa sarili ay hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa aming destinasyon. Sa isang isla.

Kulay puti ang buhangin na nakapalibot sa buong isla at may mga puno at mga halaman nakapaligid sa isang matayog na bahay na nakatindig sa pinakagitna ng isla. Actually ay hindi na siya bahay, isa na itong mansyon!

Kumunot ang noo ko at nilingon si Raizel. "Kanino ang islang ito?"

Halata kasi na isang private island ang isang ito. I'm sure na mayaman ang may-ari dito.

"Sa isang kaibigan," aniya habang inaalalayan ako sa pagbaba sa bangka. Muli silang nag-usap ng binatilyong naghatid sa amin at ilang sandali lang ay lumayo na kami at naiwan ang binatilyo na mukhang walang balak na sumunod sa amin at nanatili lamang sa kanyang dalang bangka habang nakaupo.

Sa paghakbang namin papasok sa mansyon ay may nakita pa akong pangalan na naka ukit sa itaas ng front door nito. The Dembel Mansion.

I wonder who's the owner of this wonderful mansion. Napakaganda.

"Wala bang nakatira dito?" Pagtatanong ko habang nakatitig sa mga kagamitang narito. Malinis ang paligid at makintab ang sahig, halatang hindi pinapabayaan ang lugar.

"Wala. Isa lang itong bahay bakasyunan ng isa kong kaibigan."

Sino kaya ang kaibigan ni Raizel bukod kay Enzo? At gaano kayaman ang kaibigan niya para makabili ng ganitong klaseng pag-aari. Kahit malaki ang iniwang pera sa akin ni dad ay alam kong mahihirapan ako na bilhin ang isang ganito kagandang isla.

"So, dito mo ako itatago?" Muli kong tanong at humarap sa kaniya. Kaagad naman siyang huminto sa paglalakad at tumingin sa akin.

"I have to hide you from the De Luca family, Bella. Hiding you is my only option for now. I'm sorry." Kaagad akong umiling dahil sa pag sorry niya. Bakit siya hihingi ng tawad? He is only trying to save me.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 24, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Bella And The World Of MafiaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ