Chapter 2 - Mafia

27 2 0
                                    

Chapter 2

Mafia

Siguro ay sobra na ang pagnanais ko na sundan ang pamilya ko sa kabilang buhay kaya hindi man lang ako makarandam ng takot sa pagkuha sa akin ng lalaking nag ngangalang Raizel.

I am being kidnapped, but here I am... Chilling like there's nothing happened.

Kakagising ko lang at kasalukuyan akong nakatanaw sa balkonahe ng kwarto at pinagmamasdan ang buong paligid. Ang tatlong lalaking nagbabantay ay nakatingin sa akin na para bang hinihintay nila ang maaari kong gawin na pagtakas. Sorry na lang sila dahil wala akong balak na tumakas. Kung babarilin nila ako ngayon, sige lang.

"Bella." Nilingon ko ang lalaking tumawag sa pangalan ko. Si Raizel na may dalang pagkain.

"Hindi ako gutom."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at ipinatong ang pagkain sa maliit na mesa na nasa silid na ito.

"Hindi mo ba ako itatali? Diba at ganun ang mga kinikidnap? Tinatali?" Pagtatanong ko at lumapit sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin.

"You want me to tie you?" He asked.

Ngumiti ako at nilapit ang dalawa kong kamay sa kaniya. "I'm always wondering how it feels to be tied up while being kidnapped. Sige itali mo ako."

Itinali niya ako kahapon, pero mabilis lang.

Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. Hindi siya marahil makapaniwala na ako pa mismo ang nagsasabi na itali ako. Hindi ba at ganun naman talaga pag na kidnap? Itinatali? Ganun ang nakikita ko sa mga movies.

"Are you enjoying this? Hindi biro ang pagkuha namin sa'yo. My boss may kill you."

"That is good. Kill me now, Raizel." Mas lalo akong lumapit sa kaniya at tinitigan ang kaniyang kulay abong mata.

Nakipaglaban siya ng titigan sa akin. Ang kulay abo niyang mata ay parang naghahanap ng dahilan kung bakit ako ganito. Nagtataka ba siya kung bakit parang atat na atat akong mamatay?

"If you will kill me, kill me already." I almost beg.

Gamit ang kamay ko ay hinawakan ko ang braso niya at niyugyog siya.

"Kill me, Raizel. Tapusin mo na lang ako. Shoot me in my head, kill me without mercy. Tapusin mo na ang kalungkutan ko sa mundong ito. Ayoko ng mabuhay pa. Just kill me." Hindi ko namalayan na umiiyak na ako habang nakatitig ako sa kaniya. Ganito na ako kasabik na mamatay, halos magmakaawa na ako.

Mabilis niyang kinuha ang kamay ko na hawak siya at mahigpit niya akong hinawakan habang ang mata niyang kulay abo ay biglang nagdilim sa sobrang sama ng tingin niya sa akin.

"What the fuck? Don't you fucking beg me to kill you!" He shouted, pero hindi ako natinag sa sigaw niya.

"Bakit? You kidnapped me, kaya maaari mo rin akong patayin diba? Magkano ka ba at babayaran kita para patayin mo lang ako. I can pay you to double."

Mas lalong sumama ang tingin niya at sa galit niya ay binitawan niya ako sabay sipa sa mga vase na nasa gilid. Nagulat ako sa reaksyon niya. Ano ang problema niya?

"I can pay you to triple if you-"

"Shut the fuck up, Bella! What happened to you?!' Muli niyang sigaw na nagpatalon sa akin.

Nagtataka ko siyang tinignan. "What?"

"Ganiyan kana ba kasabik na mamatay ha?" He grunted.

"Ano bang pake mo? Kinidnap mo nga ako e. Stop acting na parang concern ka."

Bella And The World Of MafiaМесто, где живут истории. Откройте их для себя