Chapter 9 - Target

14 1 0
                                    

Chapter 9

Target

Nang dahil kay Raizel ay may isang bagay akong napagtanto. Ito ay ang magpatuloy na mabuhay kahit na anong hirap at sakit ang ibigay ng tadhana sa iyo.

Raizel's parents were murdered, ngunit hindi niya man lang naisip na tapusin ang buhay niya. Sa halip ay nagpatuloy siya sa buhay upang makaganti. Hindi man naging maganda ang landas na tinahak niya, pero kahit na ganun ay may layunin pa rin siya na gustong makuha.

"Pinapakuha ka ni Fabio," wika ni Enzo kinabukasan.

"Bakit?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

Nagkibit balikat siya, ngunit dahil sa seryoso niyang mukha ay alam kong hindi maganda ang dahilan ng pagpapakuha sa akin ni Fabio.

Ang akala ko ay dito lang sa loob ng mansyon si Fabio, nagulat ako ng dalhin ako sa labas ni Enzo at isinakay sa kotse. Perehas kaming nasa backseat ni Enzo at may dalawang tauhan ang nasa harap. May isang kotse din ang nakasunod sa amin.

"Naroon na si Raizel. And he is so fucking mad right now because of Fabio," bulong niya sa akin upang hindi marinig ng mga tauhan sa harap.

"Ano ba ang kailangan ni Fabio sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

Sandali siyang nag-isip bago sumagot. "Probably to torture you?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What the fuck?" Malakas kong sabi kaya kaagad napalingon sa akin ang dalawang lalaki sa harapan.

"Shh... I'm just guessing, okay? Hindi rin naman ako sigurado. Fabio is always unpredictable," bulong niya upang hindi marinig.

Tumahimik na lang ako. Nakarandam ako ng takot sa maaaring mangyari sa akin. Alam kong hindi ako papatayin ni Fabio, pero maaaring tama ang hinala ni Enzo... Baka pahirapan lang ako.

Naging tahimik na rin si Enzo hanggang sa makarating kami sa isang outdoor shooting range na alam kong hindi lang mga simpleng tao ang naroroon. Dahil bukod na sa malayo ito, ay nasa lugar ito kung saan hindi basta-basta mapupuntahan dahil madaming pasikot-sikot kaming dinaanan bago namin narating ang malawak na shooting range.

Pagpasok namin ay kaagad kong narinig ang mga putukan. Dito ba nagsasanay ang mga Mafia De Luca sa pagbaril? Ano ba ang gagawin nila sa akin dito?

Nang makita ko sina Fabio ay may hawak na itong baril at kasalukuyang bumabaril sa isang hugis taong target. Iginala ko ang paningin ko, at sa gilid ay nakita ko si Raizel na nakatingin sa akin at halata ang galit sa kaniyang mata. Tama nga si Enzo, he's so mad.

Gusto ko siyang lapitan, pero hindi ko magawa lalo na ng makita na rin ako ni Fabio na kaagad tumigil sa ginagawa at nakangising inilapag ang baril at naglakad palapit sa akin.

"Hello, Bella." He greeted me. Nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang mukha niya sa akin kaya kaagad akong napaatras palayo sa kaniya.

"What do you want?" Galit kong tanong habang nakatitig sa mata niya. Unlike the first time I met him, he's in a playful mood right now, para bang may kalokohan itong naisip at nais gawin.

Mas lalong lumawak ang ngisi niya at wala akong magawa ng hawakan niya ako sa braso at hilahin palapit sa kaniya. "You are here to play with us, Bella Rae Ramirez."

"Don't touch me!" I hissed while trying to get out of his touch. Pero mas lalo lamang na humigpit ang hawak niya sa akin habang hindi man lang nagbabago ang reaksyon ng kaniyang mukha.

Tinitigan ko siya ng masama. Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito? Nawala lang kay Fabio ang atensyon ko dahil sa matigas na kamay na humawak sa kabila kong braso, si Raizel.

Bella And The World Of MafiaWhere stories live. Discover now