Chapter 5 - The Mafia Boss

20 1 0
                                    

Chapter 5

The Mafia Boss

A week passed.

Mahigit isang linggo na simula ng ma-kidnap ako. Naisip ko si Leo na alam kong walang tigil ngayon sa paghahanap sa akin.

Mahahanap niya kaya ako?

Mga Mafia ang siyang may hawak sa akin, at alam kong hindi magiging madali ang pagtunton sa akin dahil alam kong masyadong magaling ang mga Mafia sa pagtatago.

"Checkmate," ani Raizel sabay ngisi kay Enzo na kanina pa natatalo sa laro nilang chess.

Napangisi din ako. Sandali kaming nagkatinginan ni Raizel ngunit kaagad akong umiwas ng tingin.

Inis na ginulo ni Enzo ang kaniyang buhok at itinuro si Raizel. "Maybe you're cheating," pambibintang niya.

Nagkibit balikat lang si Raizel habang nakangisi pa rin. "Just accept your defeat."

Muling tinignan ni Enzo ang chessboard at seryosong pinagmasdan ito. Mukhang hindi niya pa rin tanggap ang ilang ulit na pagkatalo.

Tinapik ko ang balikat ni Enzo. "Okay lang yan."

Nakanguso siyang tumingin sa akin at tumango.

I chuckled because of his reaction. Sa ilang araw kong pagmamasid dito kay Enzo ay nakita kong hindi naman peke ang pagiging friendly niya. Kahit sa mga tauhan ni Raizel na narito ay ganun din ang tungo niya.

Nagtataka ako kung paano siya naging parte ng isang nakakatakot na organisasyon kung ganito siya.

Narinig ko ang pagtikhim ni Raizel, tinignan ko siya at kita ko ang pagkaseryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin, wala sa sariling inalis ko ang kamay ko na nasa balikat ni Enzo.

"Another game?" Tanong ni Raizel na nakataas na ang isang kilay kay Enzo.

Tumango si Enzo, ngunit bago pa man makapagsimula ulit sa laro ay kaagad akong napasigaw dahil sa malakas na putok ng baril.

"Fuck!" Pagmumura ni Raizel.

"What is that?" si Enzo.

Sabay ang dalawa na bumunot ng baril at tumayo. Samantalang nanatili ako sa pagkakaupo habang ang dalawa kong kamay ay nakatakip sa tainga ko.

Muli kaming nakarinig ng mga putukan sa labas kaya mas lalo lamang akong dinaganan ng kaba. Halos manginig ako dahil sa takot. Bakit may barilan?

Mainit na kamay ni Raizel ang humawak sa magkabila kong kamay na nakatakip sa tainga ko at ibinaba. "Bella, let's go."

Umiling ako. "A-Ayoko."

Saan kami pupunta? Paano kung matamaan kami ng mga putukan sa baba?

"We need to go, baka pumasok pa sila dito." Hindi na ako nakapagreklamo pa ng hilahin na niya ang kamay ko kaya napatayo na ako. Gamit ang kanan niyang kamay ay hawak niya ang baril at ang kaliwang kamay naman niya ang may hawak sa kamay ko.

Nasa harapan ko siya habang si Enzo ay nasa likuran ko. I can feel like they are protecting me from all the possible bullets.

Mabilis at walang palyang binaril ni Raizel ang dalawang lalaking nakaitim na paakyat na sa hagdan. Napalundag ako dahil sa gulat at takot, this is my first time to see him manipulate his gun and to kill. Halata sa kaniyang galaw na sanay siya.

"Sino ang mga iyan?" Dinig ko ang pagtataka sa boses ni Enzo.

Pagkababa ay nakita ko ang dalawa ulit na lalaki ang nakahandusay na sa baba at duguan.

Bella And The World Of MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon