Chapter 6 - I Like You

17 1 0
                                    

Chapter 6

I like you

Paglabas ko ng sasakyan ay kaagad kong nakita ang isang private plane na halatang handa na sa paglipad at kami na lang ang hinihintay.

I can not believe this. Talagang dadalhin na nila ako sa Italy para ibigay sa leader ng Mafia nila. Finally ay malalaman ko na rin ang dahilan ng lahat ng ito.

Naunang naglakad si Raizel papasok sa loob ng eroplano at si Enzo ang nasa tabi ko at nagiya sa akin papasok. I know that Raizel is a cold type of person, pero ngayon ay hindi lang panlalamig ang nararandaman ko sa kaniya, para na siyang bato na walang pake sa paligid niya.

"Raizel is always like that. Actually, that is the real Raizel Monzanto that I know. The brutal, the cruel, and the evil Mafia." Sumulyap ako kay Enzo dahil sa sinabi niya. Ngumisi siya at itinuro si Raizel. "He is the evilest, that's the reason why the Mafia boss likes him."

Hindi ako nagsalita dahil hindi na ako nagulat pa sa nalaman. He is a Mafia, so I already expected that.

Sa buong biyahe ay hindi ko man lang nakita si Raizel, tanging si Enzo lang ang nakabantay sa akin at ilan nilang mga tauhan.

They offered me food, but I immediately decline. Wala akong gana. Sa haba ng biyahe ay tanging pagtulog lang ang ginawa ko.

Maraming mga possibilities na maaaring mangyari ang lumilipad sa isipan ko ngayon, at sa bawat naiisip ko ang ay posibilidad na patayin ako ang hindi mawala sa utak ko. What if they kill me right away?

"Bella..."

Agad akong napamulat ng marinig ko ang boses ni Enzo. Sandali siyang ngumiti sabay turo sa labas ng bintana.

"Malapit na tayo," aniya.

Tumungo ako sa bintana at kita ko na ang Italya na hindi ko inaakalang sa ganitong paraan ko mapupuntahan.

Sa paglabas namin ng eroplano ay may mga sasakyan na ang siyang nakahanda na para sa amin.

"Bella, you have to wear this." Kinuha ni Enzo ang dalawa kong kamay at malamig na posas ang siyang ipinasuot niya sa akin.

Napatitig ako sa kamay kong may posas. Ito na talaga ito. Nalalapit na ako sa katapusan ko.

Nakatunghay lang ako sa mga kamay ko at hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tumingin sa magandang tanawin ng Italya. Ano pa kung titingin ako? If this is the last day of my life?

The car stopped at the front of a big mansion. Only if I am in a different situation, I will surely be amazed by the beautiful scenery in front of me right now.

The mansion was surrounded by several guards, kaya wala talaga akong kawala sa kanila. I am so trapped.

Pagpasok sa loob ay umakyat kami sa mahabang hagdan na kadalasan ko lang nakikita sa mga palabas. Kahit sa loob ng mansyon ay mga bantay din na nakatayo sa bawat gilid, para bang napakaimportante ng nakatira kaya kailangan na bantayan.

"Nasaan na ang Mafia boss?" Pagtatanong ko kay Enzo. Raizel is not around, bigla na lang siyang nawala sa paligid. Galit ba talaga siya sa akin?

"May importanteng pinuntahan. Baka bukas mo pa siya makikita."

Pagdating namin sa pinaka taas ay binuksan ni Enzo ang isang malaking pinto at doon niya ako pinapasok. At masasabi ko na siguro sa lahat ng na kidnapped ay ako na ang may pinaka magandang kulungan. This room is pretty amazing! The bed, the walls, the curtain, and the whole room is flowing with so much beauty. Mas maganda pa ito kaysa sa sarili kong kwarto.

Bella And The World Of MafiaWhere stories live. Discover now