Chapter 10 - Kill Bella

14 0 0
                                    

Chapter 10

Kill Bella

Pagkahatid ni Raizel sa akin sa silid ay nanatili muna siya sa tabi ko. Naupo kami sa maliit na mesa habang kinakain ang pagkain na pinaakyat niya.

Ilang sandali lang ay si Enzo naman ang dumating habang nakangisi kay Raizel na parang nang-aasar.

"Mabuti na lang at marunong kang bumaril. Muntik na si Bella kanina," aniya at naupo pa sa harapan ni Raizel na masama ang tingin sa kaniya.

"Shut up," singhal ni Raizel sa kaniya ngunit hindi man lang naalis ang nakakalokong ngiti ni Enzo.

"Masama bang magbigay ng komento tungkol sa nangyari kanina? I'm amazed by your moves, Rai. I'm sure na sa akin mo natutunan iyon."

Hindi ko alam kung complement ba ang sinasabi nitong si Enzo o nang-aasar lang siya at pinupuri ang sarili.  Tinignan ko ang reaksyon ni Raizel sa kaibigan at nakataas ang dalawa nitong kilay dahil sa sinabi ng kaibigan.

"I think, you better leave us alone, Enzo," Raizel said.

Umiling si Enzo at biglang nagseryoso ang mukha. Inilapit niya ang mukha kay Raizel at bumulong sa paraang naririnig ko. "I have news. Sofia Altera already replied to Don's message. Kaya baka ipatawag ulit si Bella mamaya, so hindi pa rin safe si Bella ngayong araw."

Nakarandam ako ng kaba sa sinabi ni Enzo. Ano ang maaaring naging sagot ni Mommy kay Armando De Luca? Will she save me? Ano ang magiging hatol sa akin ng mafia De Luca?

"Who told you that?" Raizel asked.

Nagkibit balikat si Enzo. "I heard Fabio."

Nagkatinginan kami ni Raizel. Muling bumalik sa pagiging seryoso ang mata niya dahil sa balita.

"A-Ano ang naging sagot ng Mommy ko?" I asked nervously.

Lumingon si Enzo sa akin at umiling. "Hindi ko alam. Ang Don pa lang ang nakaka-alam."

Mas lalo akong kinabahan sa naging sagot ni Enzo. Napapikit ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay dahil sa nararandaman. Ayokong umasa na ililigtas ako ni Mommy sa lugar na ito, ngunit hindi ko mapigilan ang umasa na sana ay iligtas niya ako dahil kahit paano ay anak pa rin niya ako. I'm still her daughter at hindi iyon mababago. Hahayaan ba niyang patayin ako ng pamilyang kalaban ng asawa niya?

I grew up without my mom, I grew up in belief that she's already dead. But now that I already know the truth, I am still hoping that maybe she still cares for me. She abandoned me, but I know that I can still forgive her.

Katulad nga ng sinabi ni Enzo ay ipinatawag nga ulit ako. This time ay ang Don na ang nagpatawag.

My knees are shaking, my hands are trembling and my heart is beating so loud like it wants to get out of my chest. I am so damn nervous.

Habang naglalakad kami sa mahabang hagdan ay narandaman ko ang mainit na kamay ni Raizel na humawak sa kamay ko. He tightly squeezes my hands in a way that won't hurt me. Tinitigan ko siya at diretso lang ang tingin niya sa harap at walang reaksyon ang mukha.

Huminga ako ng maluwag at kahit paano ay nakarandam ako ng ginhawa dahil alam kong nasa tabi ko lang si Raizel. I know that he would not let them hurt me, I trust him. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako magtiwala sa kaniya, my heart trusts him more than I trust myself.

Sa mahabang mesa kung saan ako unang ipinatawag noon ay doon din ulit nila ako dinala. Ngunit katulad noong una ay nakatayo si Armando De Luca at nakatalikod habang nakatanaw sa veranda ng kaniyang mansyon.

Bella And The World Of MafiaWhere stories live. Discover now