Chapter 7

7.9K 236 27
                                    

Silang tatlo na lang ang nagset-up ng mga gamit. Hindi nila puwedeng iasa nalang sa cameraman ang lahat at baka hindi nila kayang tapusin ang huling taping ng buong araw. Kailangan makauwi sila ng Friday at madaanan ang nakaconfine na director.

"Okay na ba?" Tanong ni Lara sa cameraman.

"Ready na, Ms. Lara." Sagot naman nito.

"Good day! Welcome back again! In this last segment, we are honored to show you guys the most historic and memorable house of Apo Endo. Let's go take a look!'' Masayang wika ni Lara bilang panimula.

Giliw-giliw talaga si Lara sa paglilibot ng buong bahay. Nakakamangha naman talaga ang pagkakadisenyo nito. Pati hardin nito'y hindi niya rin pinalampas. Sari-sari mga halaman ang nakatanim pati mga iba't-ibang uri ng rosas. Sabagay, may rose farm nga naman ang pamilya kaya dapat lang na maging palamuti ang mga ito sa bakuran nila. At huling dinakuan nila ay ang antiques place ng pamilya.

"So, this is it! One of the most interesting things here is their antiques place. For the very first, they open it to public and we are very honored to feature those antiques exclusively. Come on, let's go in!"

Nang mapasok nila ang naturang lugar, mas lalo silang napahanga. Sobrang luma na talaga ng mga nakadisplay doon na mga collections. Siguro nga sa tantiya niya mga lampas isang daang taon na ang mga ito. Ang husay talaga ang pagkakamantene ng mga ito at napanatili pa rin nito ang taglay na kagandahan. Habang abala si Lara sa pagsasalita, may nakatawag sa kaniyang pansin. Nakasandal ito sa sulok na bahagi pero sadyang may kung anong magnetong kumakabig sa kaniya para lapitan ito. Kakaiba talaga ang disenyo nito anupa't waring nanghahalina itong hawakan. Hindi niya natiis at kaniya itong hinawakan at inilapit pa sa camera.

"This is awesome! I think their ancestors used this during their ruling hundred years ago. How amazing it is to see that they preserved the original color! I wonder how their ancestors look like during their time..." Biglang napatigil ng bahagya si Lara sa kaniyang pagsasalita nang makitang papasok si Ariya at sumisenyas itong bitawan ang hawak-hawak niyang tungkod. Siyempre hindi naman puwedeng basta niya lang itigil ang eksena at recorded ito. Pero napansin niyang parang nalulungkot at natatakot ang reaksiyon ni Ariya, kaya minabuti niyang tapusin nalang ito sa pamamagitan ng spiel.

"So, after three days of exploring here, I could say we have something to be proud of. The well preserved historic heritage and the lifestyle of our very own native fellow men here, tell us more about the lives of our ancestors. It's a certain look in the past that can help us, who are living in the modern times to show appreciation and gratitude. I hope you enjoy the show. I'm Lara Sandoval and this is 'Our Heritage'."

Sumenyas ng 'ok' ang cameraman na nagpapahiwatig na naging matagumpay ang kanilang taping. Kaya nang mapansin ni Ariya na natapos na ang taping ay agad-agad ito lumapit kay Lara.

"I told you not to touch anything, bakit mo hinawakan ang tungkod ni apo?" Napakaseryoso nitong wika na para bang naka-amoy ng paparating na malaking problema.

"Huh? Ah, iyon ba? Nakapaganda niya kasi. Kailangang makita ng malapitan sa camera kaya dinampot ko na. Iyon lang naman ang hinawakan ko. Sorry ha?" dispensa ni Lara.

"Naku! Bakit ba naman kasi 'yon pa ang dinampot mo?" Napalakas ang kamot si Ariya sa kaniyang ulo dahil sa disappointment.

"Bakit? Ano bang mayroon kung hahawakan iyon, Mrs. Ramos?" Hindi na nakatiis ang cameraman at sumabad na ito.

"Oo nga po. May sumpa po ba iyon?" Segunda naman ng P.A.

"Naku! Malala pa sa sumpa. Napakalaking problema ng ginawa mo. Sana hindi ito malalaman ni apo..." Naputol ang mga sasabihin ni Ariya nang may sumabad sa kaniya.

My Native Wife 2: The Jason & Lara Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon