Chapter 6

8.2K 222 21
                                    

Sa sobrang pagkabanas, hindi nakatulog ng maayos si Lara buong magdamag. Kaya naman maaga siyang bumangon at pinaghahampas ang unan sa kama para makapagrelease ng galit. Naisip nalang niyang lumabas para tumakbo nang mabaling sa iba ang kaniyang atensiyon. Sabagay, tatlong araw nalang ang titiisin niya at makakauwi na sila.

Nang napagod siya sa katatakbo ay napagpasiyahan niyang maligo ulit sa talon. Sobrang mapanghalina talaga ang kagandahan ng talon anupa't waring hindi ito matatanggihan. Wala naman sigurong maliligo nang ganito ka aga kaya hinubad niya ang sweatshirt. Nagspaghetti at short pants nalang siya para hindi siya basang uuwi. Dali-dali siyang sumisid papunta sa binabagsakan ng talon. At doo'y dinadama niya ang mga patak ng tubig sa kaniyang katawan. Animo'y isa siyang modelong kinukunan ng larawan sa angulo niya.

"Wow! As in wow! Kasama ba 'yan sa dokyu?"

May biglang nagsalita sa gawing kaliwa niya kaya sa sobrang gulat ay nadulas siya sa batong kinatatayuan niya't dire-diretso sa malalim na parte ng tubig. Mabuti nalang hindi siya bumagsak sa mabatong bahagi at mabagok. Gayunpama'y nakainom siya ng maraming tubig sa sama ng pagkakahulog niya. Nagpanic siya kaya nama'y nahihirapan siya makalutang. Nagpupumilit siyang makaahon pero masyadong mabigat na ang katawan niya.

"Tul..!" Lumulubog uli ang katawan niya pailalim. Naubusan na siya ng lakas dahil kanina pa siya pagod sa katatakbo kaya hindi na niya kayang umahon pa. Ayaw pa niyang mamatay, kaya ganoon nalang ang dalangin niyang may sasagip sa kaniya.

Sakabilang banda, napagtanto ni Jason na hindi na umaahon ang dalaga kaya nama'y dali-dali siyang sumisid para sagipin ito. Kapag may masamang mangyari sa babaeng ito ay responsilibidad niya pa. Kaya nang mahila niya ito, dali-dali niyang iniahon at ipinatong sa bato.

"Come on! Wake up!" Nagpanic siya.

Panay pump si Jason sa dibdib ng babae para marevive ito. Narinig niyang humihinga pa ito kaya hindi siya tumitigil sa kakapump. Nang hindi siya makatiis ay ginawa na niya ang CPR.

"Ahooo!" Napaubo si Lara sa dami ng tubig na nainom niya. Sa wakas nagkamalay siya. Sa tuwa ay napayakap ni Jason nang 'di oras. Pero sampal naman ang iginanti ni Lara.

"Awww!" Napasigaw si Jason sa sobrang sakit. Napakalakas ng pagkakasapak ni Lara at nagmarka ito sa pisngi ng binata. Saan niya kaya nahugot ang ganoong lakas?

"Walang hiya ka! Papatayin mo ba ako?" Singhal ni Lara dito.

"I'm sorry. I wasn't mean to startle you."

"Sinadya mo eh. Huwag kang mag-alala, tatlong araw nalang kami dito." Halos maiyak si Lara ng pagkakataong 'yon dahil pakiramdam niya ganoon nalang ang pagkamuhi ni Jason sa kaniya anupa't gugustuhin pa nitong malunod siya.

"No, it's not like that..."

"Oh come on! Let's be true, pervert!" Sabad ni Lara sabay takbo pauwi.

"Thank you ha!" Sarkastikong turan ng binata habang tinatanaw si Lara na tumatakbo.

Tuloy-tuloy ang pagtakbo ni Lara. Hindi na niya pinakinggan pa ang mga sumunod na sinabi nito dahil baka hindi na siya makapagpigil pa. Habang siya'y tumatakbo, tuloy-tuloy din sa pag-agos ang kaniyang masasaganang mga luha hanggang marating niya ang bahay nila Jason. Pero laking gulat niya nang madatnang nagkakagulo ang tao doon.

"Anong nangyayari dito?" Tanong niya habang pinupusan ang kaniyang mga luha.

"Naku, Ms. Lara! Si direk namimilipit sa sakit ng tiyan. At kailangang madala na siya sa hospital dahil nanghihina na siya sa dami ng sinuka at diarrhea. Dadalhin siya sa bayan nila Sir Gab." Humihingos na wika ni Ria.

"Huh? Eh bakit daw?"

"Baka nanibago sa kinain natin kahapon. Nawala pa man din bigla si Sir Jason, kaya hindi na nila aantayin pa si sir na makauwi."

"Naku! Paano tayo?"

"Maiwan nalang daw tayong tatlo ng cameraman. Tatapusin daw natin ang taping para makauwi tayo sa Friday. Dinala din nila ang OB van kasi pumalya ang generator natin, mabuti nalang nakapagcharge na ng camera at lapels.''

"Okay, maghanda na tayo." Akmang papasok si Lara sa bahay nang magsalita uli si Ria.

"Ms. Lara, wait lang po. Umiiyak po ba kayo?"

Kahit basang-basa si Lara, hindi pa rin nakaligtas ang kaniyang namumulang mata na nagpapahiwatig ng kalungkutan.

"Huh? Ah, hindi! Sumisid lang ako kaya mapula ang mata ko. Tara! Maghanda na tayo." Pinilit niya maibalang ang atensiyon nito.

Mga ilang minuto pagkatapos maka-alis sila Gab, siya namang pagdating ni Jason. Halos 'di pa rin siya makakaget-over sa eksenang muntikan na siyang makapatay nang 'di oras. Pakiramdam niya'y naging masama siyang tao. Pero 'di naman niya talaga intensiyong mangyari 'yon. May isa pang bagay ang hindi niya makalimutan, ang nangyaring indirect kiss nila ni Lara. Naturalmente lang naman na gagawin niya ang CPR sa ganoong sitwasyon, pero bakit kakaiba ang naramdam niya dito? Parang...parang nagustuhan niya ito. Litong-lito ang isip niya habang tinungo ang silid ng lolo niya.

Habang naghahanap ng maisusuot, hindi makapaniwala si Lara na nahagkan siya ng walang modong doktor na iyon! Pilit niyang pinapahid ang kaniyang palad sa kaniyang mga labi upang mabura ang bakas ng ala-alang tiyak na babaunin niya habang buhay. Eh ano kung CPR lang iyon? Para sa kaniya unang halik niya ito at sa mokong pa! Nandidiri talaga siya sa naiimagine niya, kulang nalang ay maduduwal siya. At hindi pa siya nakontento kaya ang damit na dapat ay isusuot niya ay pinapupunas niya pa sa kaniyang mga labi.

"Ms. Lara, nagkaallergy po ba kayo sa lipstick? Makati po ba lips niyo?" Biglang singit ng P.A niyang si Ria. Minsan may pagkausisera din 'to eh.

"Huh? Hindi ah! Hindi ko lang gusto ang kulay kaya pinahid ko. Ayusin mo nalang ang script, huwag ako ang pansinin mo, okay?" Tumango naman ito muling nagtrabaho.

Pagkatapos mag-almusal ay nagtrabaho na agad sila. Ang kukunan nila ng video ay ang buog bahay mismo pati na ang antiques place nito. Mabuti nalang pumayag si Apo Endo sa gagawin nilang pagsasapubliko ng kanilang mahahalagang pag-aari. Sila ang ang pinagbigyan ng pagkakataong macover ang antiques place ng tribo na minana pa sa kanilang namayapang mga ninuno.

"So, bahala na kayo dito Ms. Lara. Kailangan kung maghanda nang maaga kasi wala ang asawa ko. Magpapaligo pa ako ng baby. Sisilip naman si apo mamaya eh. Basta don't touch anything, okay?" Bilin ni Ariya sa kanila.

"Okay." Nagthumbs-up pa siya.

My Native Wife 2: The Jason & Lara Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now