Chapter 16: Embraced

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumasok na kami at nakasunod sa matandang butler. Gaya sa labas ay moderno rin ang loob ng mansyon at hindi nakapagtataka ang magarbong at mamahaling kagamitan sa loob. Huminto kami sa isang malaking double wooden door. May nakaukit ring simbolo ng dragon sa ibabaw ng pinto kagaya rin sa pinto ng kwarto ng Primo. Pagbukas ng butler ay sa amin agad nakatuon ang paningin ng mga tao sa loob. Ang iba sa mga ito ay nakasuot ng puting damit kagaya naming tatlo. Ang iba naman ay naka-itim at kaya naman pala dahil isang burol ang pinuntahan namin.

"Primo," anas ng isang mid-forties na lalake na singkit ang mga mata. Nakasuot ito ng itim na kimono. Kaya pala walang kabaong akong makita sa harap bagkus ay  larawan lang ng isang matandang lalake na napapalibutan ng maraming mga bulaklak ang naroon dahil isang Hapon pala ang namatayan. Well, klaro naman sa apelyido nito. Yumuko ito sa harap ng Primo. "Nagagalak akong nakapunta kayo."

Nagtataka talaga ako kung bakit ganun na lang respituhin ng mga tao ang Primo. "Terzo," pormal namang saad ng Primo rito. "Nakikiramay ang buong angkan ng Silvestri sa pagkamatay ng ama mo."

Ito siguro yung tinawag ng butler na Terzo ang nagmamay-ari nitong mansyon at ang namatayan.

"Maraming salamat Primo. Nasaan pala ang lolo mo?"

"Nasa Italy parin siya hanggang ngayon. Humihingi siya ng paumanhin dahil hindi siya makakapunta rito."

"Naiintindihan ko. Alam ko namang may mahalaga itong inaasikaso." Napatingin ito sa akin at biglang nangunot ang noo nito. "Is she..." hindi na natuloy ang sasabihin sana nito dahil agad itong pinutol ng Primo ng tikhim.

"This is Mr. Yamazaki, a family friend. Ama niya ang namatay," pagpapakilala nito sa akin.

"Condolence po," pakikiramay ko.
Pabalik-balik ang tingin ni Mr. Yamazaki sa aming dalawa ng Primo na parang may inaalisang katanungan.

"S-salamat," tipid na sagot nito.

"Nasaan po si Sachihiro? Gusto ko siya maka-usap," tanong ng Primo rito.

"May inutos lang ako rito. Maya-maya ay naririto na yun," sagot nito. Nag-alok ito na umupo muna kami habang hinihintay ang anak nito bago bumalik sa pakikipag-usap sa ibang nakiramay. Pumwesto kami ng upo sa hindi mataong upuan. Panay parin ang sulyap ng mga tao sa amin na parang nagtataka kung sino kami. Lalong-lalo na sa Primo, sadyang kapansin-pansin naman talaga ang dating nito. Bukod sa magandang lalake ito, he brings an air of mystery and danger.

Kabusiness partner o malapit na kaibigan kaya ng Primo ang pamilyang ito.

Napatingin ako sa pintuan ng may pumasok ng isang matangkad at maputing lalake. Singkit ang mga mata nito at may pagkakahawig ito kay Daniel Henney. Nakasuot rin ito ng itim na kimono kagaya ni Mr. Yamazaki. Kasunod nito ang matandang butler na naghatid sa amin kanina at yung dalawang bodyguard. Luminga-linga ito at ng matapat ang tingin nito sa kinauupuan namin ay agad itong lumapit sa aming kinaroroonan.

Tumayo agad ang Primo ng makita nito ang lalake. "Adrian my friend," nakangiting bati nito sa Primo at tinapik pa ang balikat nito. Kung kanina ay napakapormal at puno ng respito ang pagbati ni Mr. Yamazaki sa Primo, ito naman ay parang normal lang na pagbati na ginagawa sa isang matalik na kaibigan. "Oi, kasama mo pala si Nathaniel," baling nito kay Nate na tinanguan lang ito.

"Sachihiro," pormal na ganting bati naman ng Primo at nakipag-kamay. "Condolence to your Ojiisan." Ito pala ang anak ni Mr. Yamazaki at lolo nito ang namatay.

"Salamat. Himala yatang nauna ka pa sa ibang membro ng La Vigore na makiramay," saad nito. Napakunot ang noo ko sa binanggit nitong pangalan.

La Vigore? Ano naman yun?

"May aasikasuhin ako mamaya at sa susunod na araw kaya inagahan ko na ang pagpunta rito."

"Ano pa bang bago. Ikaw ba namang hiranging Maf..." napatigil ito sa pagsasalita ng tumikhim bigla ang Primo at ginawaran ito ng matutulis na titig. "Oppss! Sorry Bro," at napahimas sa batok nito. Nalipat ang tingin nito sa akin at bigla na lang nanlaki ang mga mata nito at halatang nagulat. Bumaling ito sa Primo at kahit walang namutawi sa mga labi ng mga ito ay alam kong nag-uusap sila gamit ng mga mata nila.

Weird.

Kakaiba kasi ang naging reaksyon ng mag-ama ng makita ako. "Hi! Krishna right?" bigla saad nito pagkatapos. Tumango ako.

Paanong nalaman nito ang pangalan ko?

"I'm Sachihiro Yamazaki, Hiro for short. Matalik akong kaibigan nitong lalaking ito," pakilala nito sa sarili at inilahad ang kamay. Tinanggap ko naman ito at nakipagkamay.

"Nice meeting you Sir," saad ko.

"Huwag mo na akong tawaging Sir, nagmunukha kasi akong matanda," biro nito. "Mas lalo ka yatang gumanda ngayon," puri nito sa akin na ikinalito ko.

Bakit, nagkita na ba kami nito dati?

"Kung tapos ka nang makipag-kamustahan, pakibitawan na ang kamay niya," seryosong sabi ng Primo na nakatuon ang paningin sa kamay naming nakahugpong hanggang ngayon. Binatawan naman agad ni Sachihiro ang kamay ko at tumawa. Parang hindi halata rito na namatayan dahil parang laging nakangiti ang mga mata nito na siya namang kabaliktaran ng Primo.

"Hindi ka parin nagbabago Bro. Still possessive over her." Hindi ko masyado narinig ang sinabi nito dahil sa mahinang pagkakasabi. Mukhang ang Primo lang ang gusto nitong paringgin sa sinabi. "Doon muna tayo sa library dahil maya-maya lang ay dadami pa ang makikiramay. Alam ko pa namang gaano mo hindi kagusto ang maraming tao," tukoy nito sa Primo. "Ipapahatid ko muna kayo kay Mr. Simon, pupuntahan ko lang muna ang Otousan ko."

Lumabas na kami ng bulwagan at sumunod ulit sa butler. Pumasok kami sa sinasabi nitong library at umupo sa sofa na naroroon. Wala pang isang minuto ay bumukas ng pagkalakas-lakas ang pinto ng library. "Lady Akari!" nabibiglang saad ng matandang butler.

Sa nakabukas na pintuan ay may nakatayong isang babaeng nakasuot rin ng itim na pangbabaeng kimono at may pagkakahawig kay Sachihiro. Mukha itong japanese doll sa maporselanang kutis nito at mapula-pulang pisngi nito. She had a chinky eyes and a perky nose. All in all, she is very beautiful.

"Mr. Simon, nasaan yung walang hiyang Oniisan ko!" galit na galit na tanong nito. Mukhang hindi nito napansin ang presensiya namin. Nasa likod nito ay isang naka-unipormeng babae na hindi alam ang gagawin kung paano pipigilan ang amo niya.

"L-lady Akari, huminahon muna kayo. Nandito po ang Primo," pagpapakalma ng butler. Kumunot ang noo nito at sinuyod ang tingin papunta sa amin. Bakas sa magandang mukha nito ang gulat ng makita ang Primong naka-upo at walang emosyong nakatingin sa mga ito. Napaling ang tingin nito sa akin at parang namamalik-matang nakatitig ito. Napakurap-kurap pa ang mga mata nito para siguruhin na totoo ang nakikita.

"Arema! Ikaw ba talaga yan Krish!" hindi makapaniwalang saad nito. Nagulat pa ako ng mabilis itong lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

*****

-LG-

03-18-15

The Mafia Lord's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon